Mga walang kwentang salita na binigyang buhay ng nagwawalang emosyon. Isigaw ang itinatagong damdamin. samahan n'yo akong lumipad sa magulo at maaligagang mundo

Monday, May 23, 2011

November 10, 1989 - (Insert Date)


Kapag namatay tayo, ang tanging makikita ng mga tao sa lapida mo ay ang petsa ng kapanganakan at kamatayan mo na hindi man lang malalaman ng titingin kung sa ikli o haba ng inilagi mo sa mundo, e kung na-enjoy mo ba ito. Mahilig akong makinig sa mga kwento, lalo ng mga matatanda. Puno ng kung anu-ano sa buhay at karanasan. At kung sakali, gusto kong ikwento ang buhay ko ng masaya at puno ng adventure. Kaya sa tuwing nakakakita ako ng lapida, hindi yung petsa yung iniisip ko, kundi yung dash na humuhiwalay sa dalawang petsang iyon.

I was born in the hospital of Chinese Gen. on the 10th day of November, year 1989. And since then, I am enjoying the life that God has given me. I exploring life in a way I know I should, and spending my time with the crazy people I know. At my 7-month old, as my mother always telling me, I already forcing myself to walk. My mom always get surprised when she heard me crying from falling off to my crib because I always wanted to get off. That's the reason why they're always teasing me that I am so 'gala.' I started talking when I was 9 months old and began to write when I was 1. I started reading books when I was 3, and go to school at 5. As a gift to my mother, I kept a promise that I would be a good student and would graduate with flying colors. I bragged the gold, silver and bronze medals in my grade school days, been a scholar in high school, and graduated College in a State University. That's the achievement of my mom wants for me, but I want more than that. I just want to experience every bit of of my life as I want to count every strand of my hair. Ahuh! ☺

I was cleaning out my closet and saw a piece of paper. Taduh! Its my old bucket list. Its the things I want to achieve before I die. Its more than the medals or the ribbons, but the experiences I had and will have. As God continue to bless me with another day to live, my bucket list gets longer and longer. Well, it started when I was in high school, and here, I'll share it with you: the must-wanted-have before I die with the 'yes!-I-achieved-it.'

♥ To travel
-- Yes, of course, I'd love to travel the Philippines first. I want to see the beautiful sceneries that God has created. I want to taste the different delicacies here in the Philippines. I want to meet different people with different beliefs and principles in life.

1999. My first out town was in Cabugao, Ilocos Sur. I'm with my relatives, spent almost 1 month with them, and enjoyed playing with the other kids. I learned how to climb up to a mango tree; forced to sleep at exactly 7pm and woke up at 5 in the morning; taught to do my laundry; and be contented with life. Bravo! ☺

Magkaiba kami ng religion ng kamag-anak namin sa Ilocos, and they're living in a town where all of them are INC's. As a respect, sumasama ako sa mga bata doon every samba day nila sa Kapilya. ☺

2001. I've got the chance to see the famous Bulkang Mayon, thanks to my father. Mom and I enjoyed the simple lifestyle that my father had in Catanduanes. There is no electricity, and the only source of water is the town's poso. I used to say mabakal to buy candies, and thats the only language that I learned in Bicolano.

2002. Two weeks at Baliuag, Bulacan with my grade school best friend. What I really love when I'm in Bulacan is the manggahan where they hunt frogs to serve it on their tables, and I got the chance to try it. Yummy!

This is Adobong Palaka. It tasted like chicken, a spicy one. Natatakam ako! Gaaahhh!

And yes, of course, Mango! ♥

2002. Youth camp at Bulacan, hosted with our Kuya's and Ate's of OBB. This was a very memorable camping for us. We enjoyed different activities that taught us lessons; realized things that we could share with each other; gained friends that I treasure and experiences na pwedeng makatulong sa buhay buhay naming lahat. And yeah, this was the day that I realized that I can't live without my Mom, and that I am loved and I am precious in God's eyes. Thanks to Ate Alelie.

2004 - November. I was allowed to attend the YWCA training in Baguio City. Yahoo! I think, it's my mom's gift to me since it was birthday. We leave Manila at 10pm, and arrived in the Hotel at 6am. Woooot!


I was so happy kasi first time ko mag-out of town na walang kasamang family member. And hello, its Baguio City. Way back in HS, kinukulit ko talaga magulang ko para pumuntang Baguio. At ayan, napagbigyan ako. Tanda ko pa, nabwisit ang teacher namin nun sa pinalakad namin siya ng uber sa layo. Hindi naman namin alam na malayo pala ang Venus Parkview Hotel sa SM Baguio. Sorry Ma'am Rivera. We love you, alam mo yan. ♥



At na-highblood siya kinagabihan. Sorry Ma'am. We really don't know that it was that far. Seriously. ☺

Sleepless nights in Baguio. We took care of our favorite teacher kasi feeling namin kami may dahilan kung bakit siya na-high blood. Hehehe.


Last day in Baguio City.

I really got amazed by the city, specially when we visit Camp John Hay. Gusto ko maging sundalo noong mga panahong iyon kaya natuwa ako noong bumisita kami noon don. Ang gara! Pare-parehas ang ayos ng cabinet, ng kama, ng mga gamit. AS IN! Ganyan sila kadisiplinado. ☺ At kung gusto mo maging sundalo balang araw, here's the site http://www.pma.ph/


2005. Subic. Ang sunburn kong hindi pantay. Pamatay! Hahaha. Wala ako masyadong matandaan sa bakasyong ito. At alam ko lang, sumakit balat ko! :)))

2006 - March. Discovey Camp at Villa Julia in Silang, Cavite. Kasama namin ang Bagong Silangan HS na under din ng OBB Program. Fun Fun Fun! Puro kami activities na akala mo wala lang pero we could use it pala outside that villa. I know, after that camp, marami ang nabago, lalo sa tingin namin sa sarili namin.

  • All of us are princes and princesses, so act like one. Pahalagahan mo sarili mo, kasi bago ang iba, ikaw dapat ang unang magpapahalaga at magmamahal sa'yo.

  • Hindi basta-basta pinapasok ang isang relasyon. At ang isang relasyon at dapat hinahayaan kang mag-grow individually. Hindi dapat kayo naghihilaan pababa, bagkus ang inyongpagsasama ay nararapat na nagbibigay sa'yo ng inspirasyon para mas maging mabuti ka.

  • Hindi ka pag-aari ninuman dito sa lupa, dahil unang una, ang buhay mo ay hiram mo lang sa Diyos. ☺

  • Lahat tayo ay may kanya-kanyang prayoridad sa buhay, igalang natin yun.

2008 - May. Double date sa Tagaytay. Yes, yes, yes! Sayang walang pictures. Dilubyo ang pagpunta namin doon, malakas ang ulan at hindi namin alam kung saan kami sasakay ng bus. Basang basa sa ulan, tas aircon. :| 11pm na kami nakarating ng Tagaytay at naghanap ng matutuluyan. Kinaumagahan, breakfast in bed ang mga loko. ☺

Before leaving, na-witness namin ang nakakalipad na hangin at view sa People's Park in the Sky. Takot ako sa heights pero kung mahuhulog man ako, pakiramdam ko sasaluhin naman ako ng hangin sa sobrang lakas. After that, namakyaw kami ng prutas para ipasalubong.


2009. December 19, we had a pre-Christmas vacation. Well, it was like a weekend off since kailangan namin bumalik ng Manila ASAP. 6 o'clock in the morning, we checked-in in Vigan Plaza Hotel, and heard the priest preaching in Ilocano. I was so sleepy not to notice it all, 'cause all I want was to smash my body in a comfy bed. I woke up in a king size bed in a big classy room, clueless. Nang nasa ulirat na ako, for confirmation lamang, yes, we're at Vigan Ilocos Sur. At around 2 in the afternoon, sumakay kami ng kalesa to tour the place.

Kabado akong nakasakay sa kalesa.

1st stop: Bell Tower



It took me about 10 minutes para kumbinsihin ang sarili ko na umakyat. Nakakatakot umakyat, hindi pala ako pwede maging kampanera. lol. Pero nung nakaakyat na ako, WOW, kita ang buong Vigan. ☺ Fear Factor ito!

2nd stop: St. Paul Metropolitan Cathedral or also known as Vigan Cathedral.


The facade features Chinese lion dog ornaments and above the main doorway is an alcove depicting the conversion of St. Paul. The Fu dogs design carved above its outermost doors is testament to Vigan's strong Chinese heritage. Inside, the Cathedral has a main altar with beaten-silver panels.

3rd stop: Pottery Making.


This experience is double WOW. I got the chance to make a pot kahit na maputik siya. Ang haba pa naman ng kuko ko that time. But this is so cool.


4th stop: Hidden Garden.


Puro halaman. The name of the place says it all. There's a mini bar inside and they're serving delicious fruit shakes. Try the mango shake. Winner!


Next stop: Eatery

Nagutom na kami. Haha! ☺ At syempre, ang kinain namin ang famous Vigan Empanada. Heaven! Gustuhin ko man magpangatlo pa, uber busog na.

If in case you want to try cooking empanada for your family and friends…

Below are the ingredients of Vigan Empanada.

Ingredients:

(For casing): rice flour, egg or longganisa, orange food color, water, oil (for greasing), oil (for frying)

(For filling): grated green papaya (blanched & squeezed with salt to extract bitter taste), parboiled mongo, salt, ground pepper (optional), monosodium glutamate (MSG), garlic, vinegar-chili dip. ☺

Last stop: Break Road.

I love souvenirs and I bought a lovely coin purse, bag and shirt na pumukaw talaga ng atensyon ko. And of because of my low budget, hindi ko iyon binili para sa sarili ko, kundi para sa mga kaibigan at sa mga taong naalala ko nun. Pero mas naging masaya ako nung nakita kong masaya sila sa binigay ko. ♥

Ten in the evening, we had our dinner at the park in front of the hotel. We had sex on the beach.

On the following day, we went to the Crisologo’s Museum. It was the house of the late Floro Crisologo. Sobrang laki. On the first floor, you’ll see his office and library. And on the second floor, there’s the living room, kitchen, master’s bedroom, children’s room, and the conference room. The appliances are antique that I want to try it. ☺ And oh, there’s a dressing room. Gosh! If I could just get all the dress and shoes, ang bongga!

Floro Crisologo was killed at the church of Vigan because of some political issues. The clothes he’s wearing the day he died is in his office, since it is now a museum. Pictures and articles about the incident is posted in the room. And while I was reading it, I got ghost bumps!

We also went to Sen.Chavit’s Baluarte. But since we have a limited time, we just tour the place.. di na namin masyadong inaliw mga sarili namin. Bitin! After almost 3 hours of driving, we’re in San Juan, La Union. Hooray! Stunned by the beauty of the place, I spent the afternoon just looking on the waves as it splashes on the shore.

7am of the 22nd of December, na-inlove ako sa alon . I had my first lesson on surfing, and my first time of wearing my two-piece. Tadah! ☺ I enjoyed my surfing lesson with Kuya Jericho though I don't know how to swim keme lang. :P I got bruises and scratches at the end of the day, but its all worth it.

" If you can't stand the pain,

don't play the game!"

2010 - April. Happy Fiesta Batangas!16 hours na paglalagalag at walang tulugan, with my girlfriends and their boyfriends. Ang hassle sa fx papuntang Batangas, nakakastress o dahil napipi lang ako dahil sa katabi kong walang pusong sinisiksik ako. Pero sulit sa pagod dahil pagdating namin sa bahay nila Kath, chibugan na! Pasyensya na, hindi ako gutom, matakaw lang talaga ako. Buti na lang din, di halata sa katawan. ☺

Ang sarap sarap sarap sarap tumira kina BFF. Hahaha ☺

Pagkatapos ng bonggang kainan, swimming. ♥ Hanggang tinanghali na kami. We also played patintero at bang-sak! Ang saya maging bata ulit. Habang ang ibang tao doon, maiingay dahil lango sa alak, kami maiingay dahil sa tawanan at asaran. Nang sumikat na ang araw, naisipan naming ikutin ang isla at namnamin ang dagat. Sumakay din kami ng bangka. Ako na ata ang pinaka-kabado sa lahat ng kabado noon. Pero nang nasa gitna na kami, nawala yun at pinalaruan ko pa ang tubig na maabot ko mula sa bangka.


Kahit mukang lupa yang buhanging yan, naenjoy namin. ♥

Bago kami gumayak, nilibot muna namin ang babuyan at manukan nila BFF. Nawindang ako sa 'simpleng pamumuhay' nila. Simula noon, iniiwasan kong sabihin na kami ay namumuhay ng simple, kasi baka parehas sila ni BFF ng meaning, madisappoint ko lang sila. HAHA. Kaloka kasi sa laki ang simpleng pamumuhay nila. Kahit araw-araw fiesta, kering-keri nila.

Ang saya saya nung makita ko ang manukan nila BFF. Katuwa lang. ♥

Ewan ko ba kung bakit takot ako sa pigs. :3

Tricycle ride ☺

At dahil nga wala kaming tulog, ayan, sa byaheng pauwi kami lahat bagsak! Sabog!

2010 - May. Summer Baby! ♥ San Juan, La Union again. Surf! Surf! Surf! ☺

Memorable ang summer trip na ito, na akala ko, doon na ako maninirahan. Umitim talaga ako ng bongga! OA sa pagkanegra.

Mahabang byahe nanaman papunta, kaya ang daming stop over, inat inat sa pagkangalay.

Dinner at Jollibee, NLEX

SBucks at NLEX.

3am, nasa San Juan, La Union na kami.

Wala pa kaming balak gumising lahat, pero nangungusap ang init ng araw sa bintana. Tinalo ang aircon. Sabog na sabog pa ang pakiramdam ko kaya naglakad lakad muna ako bago gumayak sa pamamalengke sa San Fernando, La Union. Ayy, ang panget man ng salubong ni Haring Araw sa akin, maganda naman ang pagkaka-good morning sa akin ng dalampasigan.

Nasa lobby ako nito ng hotel, at naatat ako bumaba.

Around 4pm, gora na sa beach. At syempre habang tulala ako sa alon, tinuruan muna si Xandra ni Kuya Jojo kung paano pumorma sa board. :))

It's my time to shine. ♥ Ready na ulit magpahampas sa alon at sa surfing board.

MaBOTEng usapan yan. Chos! ☺

Eto ang twist ng trip na ito, may sasabay pauwi ng Manila, kaya hindi na kami kakasya sa kotse. At dahil sabog ako at ewan ko ba kung bakit natripan ko din, from La Union to Manila, sa likod kami ng pick-up ni Xandra. Amats lang eno. Lakas! Pero masaya na din ako kasi andun lahat ng pagkaen, kaya habang ngarag sa byahe dahil sa hangin at alikabok, ngata lang kami ngata. Naubos nga ata namin ang 3 kilon manggang pasalubong dapat. HAHA. Ang ang chicha, puro balat na lang. Tuwing may stop over, nagugulat na lang makakakita sa amin na galing kami sa likod ng pick up. Akala ata Wow Mali. LOL.

Wag nyo nang asahang may glamour pa kaming dalawa pagdating ng Manila. Haggardness. Wooooo.

Eto kami pagdating ng Manila. Walang ayos ayos yan. Nahahalata naman di ba? At tingin nyo ba nakatulog kami nyan? OO. Habang hume-head bang kami sa tuwing may humps.

2011. Sinalubong namin ang bagong taon sa isla ng Pagupud. Oh! I love beaches.

Ang hirap pala mag-jogging sa buhanginan, no? HAHA. 5am, nagisina kami at sa sobrang lamig, naisipan nila tumakbo. Sama naman ako. Hahaha! Pero mas nanaig ang pagka-vain ko.

Bago pa man pala kami nakarating ng Pagudpud, dumaan muna kami kung saan saan. Mabait yung Manong jeepney driver na nakausap namin sa Laoag Airport, Sa Vigan lang byahe niya pero pumayag siyang ihatid kami sa Pagudpud. Para namin siya naging tour guide, kahit hindi ko masyado maintindihan sinasabi niya kasi sa salita nila siya nagsasalita, salitang Ilocano.

Laoag Airport

Bagui WindMill ☺ Ang saya saya, ang daming malalaking electric fan! lol.

Keychains & windmill (miniatures). Cutie. ♥

2nd day, pumunta kami ng Vigan. Naglibot kami, OA sa libot. Bumalik kami ng Baluarte at nagtagal na kami doon. Nagpunta din kami ng Laoag, at tinikman ang version nila ng empanada at ang inihaw na longganisa.

Bawat tricycle sa Vigan may ganito. Ang cool. Ang cute nila kapag nakapila. Tricycle ang hari ng lansangan sa Vigan.

Inihaw na longganisa

Okoy.

Alam nyo na ito. ♥ nomnomnom. Vigan Version

Laoag Version.

Masarap na alak daw 'to sa Vigan. Hindi ko natikman. Bumili ako ng gatas (cow head) habang sila umiinom niyan. Good girl e. :)))

Bukayo ba tawag dito? Basta kakanin ito. ☺

Ito ang pony na akala ko ikababali ng buto ko. Nakawala kasi siya at nalingat ang hinete. Sa pagiging pakialamera ko din kasi, nag-'tsk! tsk! ako ng malakas at nagsabi ng 'hooow'. Berigud naman ang pony kasi tumigil siya, pero nung nakita niya ako, hinabol niya ako at parang galit. :( Salamat sa mga taong natakot din at iniwan akong hinahabol ng kabayong 'to. Lahat na nilusutan ko para lang hindi niya ako abutan. Kabayo nga pala siya. HAHA! To the rescue si Manong hinete. o.O Huli man, naihahabol pa din.

Break Road. ☺

2011 - April. Holy week getaway with my crazy friends. Dapat Sagada talaga kami pupunta pero dahil sa ilang kadahilanan, hindi nakami natuloy doon. Pero hindi man kami natuloy sa Sagada, kasama pa din yun sa dapat mapuntahan ko/ namin. Na-blog ko na ang tungkol sa napakagandang lugar na yun. HERE! We went to Candelaria, Zambales. Beach naman. HAHA. Nag-stay kami sa Beach House ni Dok, at lumagalag sa Isla Potipot. ♥.♥ Ang tagal ng hang over na iyon. At ang tagal din ng sunburn ko. Hanggang ngayon, maitim pa din ako, nasunog pa pati labi ko. Babad e.

Namangka nanaman kami, oo, natakot nanaman ako. Hahaha. Pero sa una lang. Alam mo na, kaibigan ko ang alon. :P

Sunset ♥

Natikman din namin ang EPIC MEAL sa Candelaria, ang TOPSILOG.

Boat ride to Potipot Island.

Life is full of adventure. Lumabas ka ng bahay nyo. Life is short. Gawin mo yung mga takot kang gawin.Gumala ka ng gumala. Mag-enjoy ka, hindi naman masama yun. At hindi pa ako hihinsto sa pagiging DORA ko. Maglalakbay ako ng maglalakbay, literal. Yan ang una sa bucket list ko, ang maggala, ang maglagalag. NUMBER ONE PA LANG YAN! ☺ Next destination na naka-schedule na.. Boracay! Excited na akooooo. ♥

In God's time, mapupuntahan ko din ang iba pang mga lugar sa Pilipinas. At alam ko, bongga mag-surprise si DaddyLord, kaya ihahanda ko na din ang sarili ko na mapuntahan ang ibang bansa. Amen! ♥ ☺

Next in line...

  • Coron, Palawan
  • Sagada, Mountain Province
  • Moalboal, Cebu
  • Poctoy White Beach, Marinduque
  • Camiguin
  • Baler
  • Hundred Island, Pangasinan
  • Caramoan Islands
  • Puraran Beach, Catanduanes
  • Puerto Galera, Mindoro Island
  • Bantayan Island, Cebu
  • Bohol
  • Puerto Prinsesa, Palawan
  • Paris, France
  • Seoul, Korea
  • Beijing, China
  • Tokyo, Japan
  • Bangkok, Thailand
  • Venice, Italy
  • Macau
  • Taiwan
  • New York
  • Scotland
  • New Zealand
  • England
At maramiiiii pang iba! ☺ Okaya gawin nyo na lang akong piloto o kapitan ng barko. LOL. May susunod pa dito.. Hehehe! Yung number 2 hanggang 100. ☺ ☺ ☺

Ikaw ba saan mo gustong pumunta? Tara gala tayo.


Ipagpapatuloy......