Mga walang kwentang salita na binigyang buhay ng nagwawalang emosyon. Isigaw ang itinatagong damdamin. samahan n'yo akong lumipad sa magulo at maaligagang mundo

Monday, April 11, 2011

Moving On.

Napakinggan no na ba ang kantang THAT SHOULD BE ME ni Justin Bieber? Noong narinig ko yun, naattached na agad ako sa kantang yun. At mas lalong kong nagustuhan si Bieber sa kanta sa music video nya dun. LOL.


Everybody's laughing in my mind,
Rumors spreading 'bout this other guy,
--at since babae ako, other girl ito. :) At sige, pagtatawanan ko din kayo. Hindi ako bitter, okay lang. Pero sana, hindi sa social network ko unang malalaman, if ever, sana manggaling mismo sa inyo. Parang kind of respect na din. Kasi parehas tayong magkakaibigan. :)


Do you do what you did when you did with me?
Does he love you the way I can?
Did you forget all the plans that you made with me?
'cause baby I didn't!

--I know, may kanya kanya na tayong mga istorya at role sa buhay ng bawat isa. Gayun din ang istorya natin at istorya ninyong dalawa. I respect you both if gawin nyo man ang mga bagay na dating tayo ang gumagawa. It's okay with me kung lahat ng plans namin together ay plano nyo nang dalawa. But yes, it hurts.. A LITTLE. Kasi once a upon a time.. ako yun, tayo yun.


That should be me, holdin' your hand. That should be me Makin' you laugh,
That should be me, This is so sad, That should be me, That should be me,
That should be me, Feelin' your kiss, That should be me, Buyin' you gifts,
This is so wrong, I can't go on,Till you believe that, That should be me..

--Siguro nga, dapat ako yan. Dapat ako ang nasa tabi mo ngayon kasi iyon yung itinatak mo sa isip at puso ko. Dapat ako siya.. dahil planado na ang buhay kong ikaw ang kasama. Dapat ako siya kasi di ba? May pangako tayo sa isa't isa. Dapat ako siya.. dapat.. pero hindi yun ang nangyayari.


You said you needed a little time for my mistakes,
It's funny how you used that time to have me replaced
,
-- sabi mo babalik ka kapag okay ka na. Pero bakit parang may kapalit na ako? Ibig ba sabihin hndi ka pa okay? O okay ka na pero talagang nakalimutan mo na yung sinabi't pinangako mo sa akin?


Did you think that I wouldn't see you out at the movies
Whatcha doin' to me, you're takin' him where we used to go,
Now if you're tryin' to break my
heart, it's working 'cause you know that..
--at bakit nga ba kahit ayoko ko nang nakakakita ng mga bagay patungkol sa'yo.. tadhana ata ang gumawa para maging updated ako sa'yo? Nasasaktan ako, oo. Naiinis ako, oo. Sana lang minsan, maisip mo din kung anong nararamdaman ko.

Pero ayon nga sa title ng post na ito -- moving on -- ay hindi na akma ang kantang ito sa nararamdaman ko ngayon para sa kung sinuman ang tinutukoy ko. Oo, noong una, naisip kong kanta ko ito ngayon. Pero kalaunan, wala na, hindi na akma. Napagdesisyunan ko nang palayain ang sarili ko sa posibilidad na magkakatotoo pa ang mga salitang nabitawan niya. Napakawalan ko siya at ang nararamdaman ko pa sa kanya, pero ngayon.. panahon na para pakawalan ko na, finally, ang sarili ko sa kanya. Hindi ito magiging madali, oo, pero alam ko ito ang makakabubuti sa sa nakararami. Kung naramdaman ko ang kasiyahang ayaw kong bitawan, mararamdaman ko naman siguro sa sususnod ang kasiyahang ako ang ayaw bitawan. :)

Lalakad na ako at hindi na babalik pang muli. Lilingon ako kung kailanganin, hindi para balikan pa ito kindi para maalala ko na minsan sa buhay ko naging masaya ako, nagmahal ako, at minsan sa buhay ko, kinanta ko ang that should be me. :P

No comments: