Mga walang kwentang salita na binigyang buhay ng nagwawalang emosyon. Isigaw ang itinatagong damdamin. samahan n'yo akong lumipad sa magulo at maaligagang mundo

Tuesday, November 8, 2011

FTW. TGIFY.

Sabi nila, happiness is a choice. Pero mas masarap sa pakiramdam ang biglaang happiness. Yung tipong hindi mo inaasahan, hindi mo pinlano. Yung happiness na gusto ng iba na maramdaman pero ikaw ang nakaramdam. Yung happiness na gustong makuha ng iba pero sa'yo binigay.

FTW.

Nasa isang sulok, dala ang isang kaha ng yosi, lighter at nagdadabog na musika sa mp3. Halos araw-araw, ganyan lang madadatnan. Nasasabihang may sariling mundo, wirdo at walang pakialam sa ibang tao. Pero sa kabila ng mga kakaibang karakter na mayroon, masasabing matalino, malakas ang dating at talaga namang humahalimuyak sa bango. Kaya hindi na kataka-takang maraming nagkakagusto.

FTW.

Nasa isang grupo na masasabing sumasakop sa ingay sa isang kwarto. Sa unang tingin mukhang hindi makikipag-usap pero maraming kaibigan o mga nakapaligid na tao. Minsan maingay, magulo at makulit. Minsan tahimik, mapag-isa at libro lang ang kapit. Moody pala. Ewan ko ba kung bakit nagkagusto yung wirdong lalaki dito sa babaeng hindi makuha-kuha ang mood.

FTW.

Paboritong tsokolate. Isang masayang byahe. Tanghalian sa isang magandang restawran. Isang kwintas. Pagdarasal sa simbahan. At pag-amin ng nararamdaman. Isang araw na magsisimula ng istoryang magbubukas ng maraming emosyon sa maraming tao. Pangyayaring hudyat ng bagong kabanata na may biglaang kasiyahang sinubaybayan ng 'di mabilan kung ilan.

FTW.

Malamig na tubig at ihip ng hangin. Sa gitna ng mga nagtatampisaw na mga kaibigan. Isang gabing pinuno ng bituin ang langit, gabing naghari ang dalawang damdaming naiwaksi ang pagmamahalan. Isang tanong, oo ang sagot. Isang hindi inaasahang kasiyahan at pagmamahalan.

FTW. TGIFY.



No comments: