Mga walang kwentang salita na binigyang buhay ng nagwawalang emosyon. Isigaw ang itinatagong damdamin. samahan n'yo akong lumipad sa magulo at maaligagang mundo

Saturday, April 30, 2011

Kwentong Chalk: Elementary Edition.

"May maganda ka bang libro dyan? Pabasa naman! Pampalipas oras lang."

"O eto, basahin mo! Maganda 'to."

"ABNKKBSNPLAko?! ni Bob Ong.. Okay salamat! Isang upuan lang 'to. Soli ko sa'yo mamaya."

High School ako nang makilala ko si Bob Ong at ang kanyang mga likha. At simula noon, hindi ko na hiniwalayaan ang mga nilalathala niya. At simula noon, hindi na siya isang pampalipas oras kundi naging inspirasyon mula sa aking pag-aaral hanggang sa iniwan kong pangarap na maging isang manunulat. Kahit paulit-ulit kong basahin ang mga libro niya, okay lang. Dahil sa paulit-ulit na pagbasa ko sa mga ito, paulit-ulit din niya akong tinuturuan at binibigyan ng motibasyon.

Una kong nabasang aklat niya ay ang ABNKKBSNPLAko?! -- ang kwentong chalk ni Bob Ong. Isang aklat na bumuhay sa aking pagkabata at mga pangarap noong ako'y bata pa.


Mga pagbabalik tanaw noong nasa elementarya pa ako. Mga pagkakataong aakyat ka sa over pass pero hindi ka naman tatawid. Kukuha ng tray sa school canteen para sa pagkaen ng mga classmates mo. Ang paulit-ulit na soup na iniinom mo na minsan may mga kung anu-ano pang lumulutang don. :P At marami pang iba.

Tulad ng ibang mga bata, nanay ko ang naging una kong guro. Mula sa pagsulat, pagbabasa at pagguhit. hindi na ako dumaan sa pagiging nursery student, kinder agad.


Kinder.
Unang araw ko e hindi pa ako nakauniporme. Tanda ko noon, ang mahilig ipasuot sa akin ng nanay ko ang bistidang malaprinsesa sa paningin ko. Mayroon pang magandang panali o ipit sa buhok, terno ang sapatos sa damit, at kailangan ang medyas mo ay iyong tipong nangungusap ang lace. Kaya sa unang araw ko, para akong papansin -- takaw tingin. Hinati kami sa anim na grupo ng mga kulay (blue, yellow, green, red, orange at violet). At dahil siguro kapansin-pansin ako, naging leader ako ng group red, at doon nagsimula ang tinatawag nilang leadership. ☺
  • Hindi ko malilimutan:
  1. Hatid-sundo ako ng nanay ko, pero isang araw na binilin ako sa 'ka-nanay' niya sa school, sumakit ang tiyan ko. Sa hiya ko, hindi ko masabing natatae ako. Nag-aalburuto ang tiyan ko at gusto na kumawala. Wala naman akong nagawa para pigilan pa kaya't lumabas sila ng walang kasing baho. Nag-opening prayer, nag-activities pero parang walang nakakapansin. Recess.. hindi na siguro nakatiis ang teacher ko noon sa karumaldumal niyang naaamoy. Sa sobra kong hiya, napahiya ako noong araw na iyon -- ang leader ng red group ay natae sa salawal.
  • Pinakanatutunan:
  1. Kapag leader ka, kailangan mong ipakitang magaling ka. Kailangan mong maging huwaran sa iba, kaya sa kubeta ka dudumi, wag sa salawal. ☺


Grade 1.
Pinilit akong ilipat ng nanay ko sa panghapon na klase, dahil hindi ko daw kakayanin ang klase. O.o Kaya from section 1, naging section 6 ako pero wala namang kaso kung anong section ka mapunta. ☻ Dahil sa kasama ako sa honors noong kinder, napakataas ng expectations ng mga kaklase ko, lalo ang mga naging guro ko. Kaunting buka ng bibig, madaldal na; isa o dalawang mali sa exam, hindi ka na nag-aral. Tutok ang lahat sa kilos at salita mo, kaya't doble ingat.

  • Hindi makalilimutan:
  1. Nakilala ko si Agulay-- ang naging unang crush ko buong grade school years.
  • Pinakanatutunan:
  1. Sa mura kong edad at isipan, natutunan/ nalaman ko na may ibang mga taong kinakaibigan ka upang makita ang kahinaan mo at gagamitin iyon para makalimutan mo ang mga kalakasan mo sa buhay.
  2. Kapag naging mabuti ka sa panongin ng iba, makagawa ka man ng mali, maaari ka pa din nilang palagpasin sa nagawa mong mali; makagawa ka man ng mabuti sa iba kung kalokohan at kapasawayan mo ang pinapairal mo, madalas, hindi na napupuna ng ibang tao ang mabubuti mong gawa.
  3. Mapapatahimik mo ang bata sa pamamagitan ng chalk. ☻

Grade 2.
Ito ang baitang kung saan usong-uso sa guro namin ang magpakabisado ng mga tulang Ingles. Halos linggo-linggo may bago ata siyang tulang ipapamemorya at dapat makabisado mo lahat iyon kung ayaw mong mabaon sa lupa. ☺

Nakapaok na din ako ng naka-bloomer lang dahil sa natapunan ang palda ko ng batang kumakaen ng ice cream. At ubod ang naging pagalit sa akin ng nanay ko dahil kasalanan ko, hndi ko daw kasi iniwasan. Center of attraction nanaman ako, kaya noong araw na iyon, ako ang napili ng guro namin na tumula. Nangilid ang luha ko sa tuwa at kaba nang nakita kong ngumiti ang guro namin at sinabing magandang huwaran ako sa buong klase.

Malas akong katabi. Nagsasalita lang ako kapag recitation o kung may importante lang akong sasabihin. At kapag sinabi kong importante, importante talaga! Kaya panis ang laway ng katabi ko noon. Dito ko unang naranasan ang salitang ligaw -- modernong ligaw! Natutuwa akong kinukulit ng mga kaklase ko noon pero nagsusungit na lang ako dahil TAKOT AKO SA NANAY KO! Na-master ko ang iba't ibang anyong lupa, anyong tubig, atbp. na may kinalaman sa Sibika at Kultura.

Nawalan ako ng minamahal, taong 2007 namatay ang tinuturing kong lola. Para sa kanya ang silver medal na nakuha ko noon. Pampalakas o mapangiti ko man lang sana siya, pero noong nakuha ko na ang medalyang iyon, pumanaw na siya. Hindi na niya ako nahintay na maibigay ko sa kanya iyon, nguni't gayunpaman, sa kanya ko iniaalay ang pagiging second honor ko. Mahal ko po kayo Lola Soledad. ♥

Si Lola ang nagturo sa akin ang kaibahan ng kalatan sa latundan. Mahilig niya akong tawaging malantod na akala ko'y isang uri din ng saging. ☺ ☺ ☺

  • Hindi ko malilimutan:
  1. Mapagalitan dahil sa 'Hands on you lap.'
  2. Pagkaen ng Jolly ice candy tuwing uwian.
  3. Ang pag-aya sa akin ni Agulay na ihahatid sundo niya ako -- kahit may service siya.
  4. Pakikipa-away dahil sa stationary.
  • Pinakanatutunan:
  1. Hindi lahat ng gurong masungit, ay masama na ang ugali.
  2. Kapag may tyaga, maganda talaga ang aanihin.
  3. Hindi mo maipipilit sa tao kung paano ka nila titignan, kaya't maging totoo ka lang.

Grade 3.
First love. First crush. First puppy love. Masabi lang na 'first,' mayroon pa yang 2nd, 3rd at 4th, depende pa yan kung ilan ba sila sa buhay mo. Nakakalokong sa ganoong edad namin, ito na agad ang mabentang usapan -- padamihan ng crush, padamigan ng manliligaw -- e, bakit kaya hindi namin naisip na magpadamihan ng 90 plus na grade? O kaya pataasan na din? Hmm..

Nagsisimula nang umatake ang impluwensiya ng kaibigan. Hinayaan ko naman ito, makakabuti man sa akin o makakasama. Unti-unting nawala ako sa 'focus,' kaya wagi ang pang-iimpluwensiya pero malaking porsyento, kasalanan ko!

"Ohfelia, first love ka ni Titus! :)"

"Ha? Si Titus, ako ang first love? Imposible!"

"Oo nga! Tataningin ko ah?"

(Mula sa upuan namin sa row 3, sumigaw si Penielle para marinig ni Titus na nasa row 1.)

"Titus! Sino first love mo?"

"Si Ohfelia!"

Hiyawan buong klase, namula ako at kinilig to the ribs! :">

Pero syempre, hindi pa din ako nag-boy friend. Because again, takot ako sa nanay ko!

Nauso na din sa akin ang chinese garter kahit hindi naman ako magaling, kaya minsan saling pusa lang ako -- pampagulo! Nauso din sa amin ang pagsuot ng shoe rugs kasi baka mawalan ng kinang ang sahig. ;)

  • Hindi malilimutan:
  1. Pagbili ng mais, tubo, siomai, fries, ice candy, sago't gulaman, mangga, atbp. tuwing uwian.
  • Pinakanatutunan:
  1. Kapag may kapit, pwede kang makapasok sa top 10, kahit sabit.
  2. Pwede mong maging kaibigan lahat, pero depende sa'yo kung magpapaimpluwesiya ka sa lahat.
  3. Sa lahat ng magiging desisyon mo, ikaw at ikaw lang ang pwedeng sisihin sa bandang huli.

Grade 4.
Unang tikim ng over night! Yey! ☺ At ako'y nawili. Dahil siguro nakita ko ang ibang mundo, maliban sa bahay at paaralan. Nasabik ako sa kung ano pa ang pwede kong makita, at dahil sa over night na yan, natuto akong manghiram ng damit na ikinagagalit ng nanay ko.

Nalaman kong may talento pala ako sa pagsasayaw, kaya sumali ako sa mga sayawan sa paaralan, na nauwi din sa pagiging 'angel' ko noong Christmas Cantata dahil sa nagkasakit ako habang nag-aaral sila ng steps sa sayaw! Tsk!

Naging dalawa ang bestfriend ko! ♥ ☺ Naging makulay ang mundo ko. Napagsabay-sabay ko ang pag-aaral, barkada, laro, luho at kung anu-ano pa. Life outside my mother's sight. And yes, nakabalik ako sa honor roll, sabit!

Natuto akong mag-cut ng klase dahil ayoko ng T.H.E./ T.L.E.. Lumalabas ako sa klase at pinupuntahan ko ang paborito kong masungit na guro noong grade 2. ☺ At babalik ako kapag alam kong next subject na. Bad!

Nagamit ko ang marupok kong talento sa pagguhit sa aming Science subject. Skeletal system, digestive, excretory at kung anu-ano pang sistema ng katawan. Napupuyat ako sa kakabura ng drawing ko at gigising ng maaga para mapanood ang Sineskwela bago pumasok dahil kung hindi, lagot ka kay Ma'am Detera!

Ewan ko kung napagtripan lang ako noong panahong iyon o dahil wala lang choice. Pinasali ako ng teacher ko sa English sa Beauty Pageant, Mr./Ms. Red Triangle. On-the-spot ito! Hindi ako prepared lalo sa damit na isusuot. Lahat ng kalaban ko, hataw sa porma samantalang ako, Mickey Mouse t-shirt at manong na jumpsuit. Hellooooooooo?! Pero dahil sa hindi naman na akong makakaatras pa, kailangan lumaban sa rampa! Napuri nang napuri hanggang sa Q & A. Hindi ko mawari kung bakit hindi ko nasagot ang tanong: "Paano mo maibabahagi ang lahat ng natutunan mo sa iyong paaralan?" At siguro'y sa kahihiyan, nagkasakit ako pagkatapos non. Bumawi ako sa exams and projects, pero ewan ko lang kung makakalimutan nila ang nakakahiyang pangyayaring 'yon. Failed!

  • Hindi malilimutan:
  1. Pagpapalitan ng sapatos hanggang uwian.
  2. Pagdaan sa classroom ng crush mo.
  • Pinakanatutunan:
  1. Ang pagkakadapa'y hindi nangangahulugang mahina ka. Gawing inspirasyon mo ito upang magtagumpay!
  2. Okay lang magkaroon ng inspirasyon, huwag lang hayaang ito din ang maging sanhi ng iyong depresyon.
  3. Ang tiwala ay dapat simulan sa iyong sarili.


Grade 5.
Hello sa Bibong ako! ☺ Extra-curricular activities + acads = first honor me. Owyes! Pero sabi nga, kapag ang puno ay hitik sa bunga, pupukulin ka hanggang malaglag ka, dumating pa sa puntong pati bestfriend ko, sinasabong sa akin. Lahat ng baho mo, kakalkalin. Kung saan ka mahina, iyon ang pupunahin. Nakakalungkot lang!

  • Hindi malilimutan:
  1. Ang PGES Quadrangle na may puno kada baitang. Pagandahan! :)
  2. Ang Lim Building na makitid ang hagdan.
  3. Ang pusong binigay ni Casupanan sa bestfriend ko.
  4. Ang P.E. na naka-bloomer lang ang mga babae.
  • Pinakanatutunan:
  1. Kung gusto mong maging matagumpay, dapat handa ka sa mga kalabang gusto ka pabagsakin.
  2. Nasusubok ang pagkakaibigan sa bagay na parehas ninyong gustong makuha.
  3. Madali lang ang Mathematics subject. PROMISE!
  4. Totoo na may favorite ang mga teacher sa kanilang mga estudyante pero hindi lahat ng teacher, nadadaan sa sipsip. ☻
  5. Malalaman mong importante ang isang tao kapag nasa iba na ang atensyon niya.
  6. Makakaya mong gawin ang lahat para sa gusto mo, lalo sa taong mahal/ gusto mo.
  7. Hindi lahat, naniniwala sa kakayahan mo, pero ang pinakaimportante, WAG KA MAWAWALAN NG TIWALA SA SARILI MO. Tandaan, ang unang taong kakampi mo ay ang iyong sarili.
  8. Tama ang sinabi ni Rizal, mas malakas ang bulong sa sigaw.
  9. Parang gulong nga ang buhay.
  10. Matalino ka! Ano man ang sabihin ng iba.


Grade 6.
Cream of the crop. Hello brainy classmates! First time kong maging pang-umaga since lahat naman ng grade 6 students pang-umaga! Nay, kaya ko pong pumasok ng maaga. 6am ang umpisa ng klase pero 5am pa lang nasa paaralan na ako dahil sa paglalaro. Mataya-taya, agawang base at kung anu-ano pang larong takbuhan. Kaya unang subject pa lang, amoy pawis na. Hindi pwedeng hindi ka bibo, dahil lahat ng kaklase mo pwede kang lamunin sa isang tinginan lang, kahit sa laro. ☺

Marami pang kalokohan ang nagawa namin. Ultimo spirit of the coin na kami-kami lang ang nagpapagalaw sa coin hanggang sa takutang dumadalaw si Padre Gomez tuwing alas sais ng gabi lalo sa SPED Building. Maraming kaibigan, maraming karanasan na unti-unting humubong sa aming lahat. Pagsisimula ng pagdadalaga at pagbibinata at paghahanda sa hinaharap.

Acads sa umaga, may computer subject pa after lunch, journalist sa hapon, at museum guide pa. Paramihan ng organizations, pupuntahang training at seminars. Sa lahat ng programs, dapat kasali ka. Pero hindi ko naramdamang pinipilit ako dahil nag-enjoy ako, nag-eenjoy ako. 12 hours sa school? Kayang kaya. ☺

May demonstration lesson si Ma'am Antiquerra na napalabas sa TV at nalathala sa dyaryo. Cool di ba? Isa na palang paghahanda ang lahat ng ito sa pagtungtong ko sa sekondarya!


Ipagpapatuloy...



Abangan...
Mula sa Sta. Cruz, nagpatuloy ako ng sekondaryo sa San Rafael, San Miguel malapit sa Mendiola. Sa dinami dami ng mga pampribadong paaralan doon, sa nag-iisang pampublikong paaralan ako pumasok, dahil sa Operation Big Brother Program nila na nakita ng nanay ko.

Wednesday, April 27, 2011

Patolang Baduy: The Survivors!

Holyweek 2011 is a blast! ♥ My friends and I went to Candelaria, Zambales and spent Good friday, Black Saturday and Easter Sunday at this beautiful Island -- Potipot Island.





April 22, 2011. At around 8:30 in the morning,we had an approximately 6-hour bus ride from Caloocan to Candelaria, Zambales. It is not a boring ride since I'm with my ever energetic friends. At around 2:00 in the afternoon we arrived at Beach House ni Dok, unpacked our things, ate our lunch which my Mom prepared (hotdog, maling, rice, de lata and singkamas). Kuya Karl (ang anak ni Dok na kumukuha din ng Medicine) is very accommodating. Kakarating pa lang namin sa Beach House nila, asikaso na asikaso na kami agad niya. And I felt na kami ang pinaka-demanding sa aming stay sa Beach House ni Dok. Sorry Dok. Extra towel to extra pillows; missing remote control for the television to poor audio; and the siraing glass door nila. But other than that, we're as if in a paradise.

We woke up the next day na hapung-hapo sa pagod. We planned to wake up at 5am in the morning pero 7am na kami bumangon lahat. Kung nag-buffet pala kami that morning, nalogpitan na kami, hindi pa kami nakakakain. Tss! We ate our breakfast, sipped coffee, changed our clothes and put tune-tuneladang sunblock, though hindi naman naging effective sa amin dahil na din matindi ang among pagbibilad. Thanks to Mitchy and Tetoy though!

  • Thanks to Mitchy's heater. Hindi man namin ginamit para sa tubig panligo, sobrang nagamit naman namin ito sa tubig pangkape namin. Brilliant, isn't it?

Five to 10-minute boat ride from Beach House ni Dok to the beautiful Island of Potipot. A paradise, indeed! Sulit ang pagod sa paraisong ito, and I'm willing to spend another day sa piling ng islang ito. Syempre, hindi muna kami lumublob sa tubig, we spend an hour to tour the island. At nang makakita kami ng pwesto na wala masyadong tao, hindi pa din kami lumublob, pictorial galore muna kami. :P






Hindi na namin napansin ang oras, tanghali na pala. And yes! May baon kami. :) But we forgot to bring pansapin and other utensils. Solusyon? aAba! Syempre magkakamay kami kahit mangangamoy ang kamay mo kahit iliblob mo ang kamay mo sa tubig dagat. Boooooo! And dahil hindi kami nakinig kay Tetoy to bring water, ayan pilit namin pinagkasya ang dalawang bote ng tubig na halata namang 'di kasya sa aming lima. Loooser! Desperate move: 3 seconds lang kapag iinom. But guess what? We survived! :)








Hindi ko mawari kung bakit nasa seashore lang si Tetoy habang nangungulubot na ang aming mga daliri sa pagkakalublob sa dagat. Nagre-reflect! :) Habang naka-long sleeves. But after several hours, lahat na kami nagtatampisaw sa dagat habang ginagaya ang teleseryang Mutya of ABS-CBN.

Maybe Isla Potipot is not the most beautiful island in the Philippines but I assure you, tanggal ang lahat ng pagod once you see this creation of God. Hooray!

And for finale, this is our Holyweek Getaway video made by Mitchy. :)


Friendster Testimonials -- Paramihan ang Labanan in Jejemon Style.

Bago ang Facebook, ano ang gamit mong Social Network? Ako, friendster! Nauso na ang facebook, sabi ko solid friendster pa din ako. Pero ngayon, once a month ko na lang nabubukasn ang friendster ko, minsan nga hindi pa. Kaya ako nag-facebook ay dahil marami na dapat akong iwan sa friendster -- marami na dapat akong bitawan at kalimutan. Pero ngayon, nakangiti akong nagbabasa ng kung anu-ano sa hindi ko maiwang Social Network mga 2 o 3 taon na nakakalipas.

Testomonials. Bakit ba kailangan magkaroon ng testi? Para malaman ng ibang tao kung gaano ka kabuti, kabait o kasalbahe? Aminin mo, minsan nagpe-personal message ka pa sa nga kaibigan mo sa FS para lang bigyan ka niya ng testi. Parang ewan lang di ba? Yung iba naman, makapag-wall post pede naman itext na lang o i-PM sa kanya. Hindi naman chatroom, pero nagiging chatroom ang profile page mo. At hanggang sa ngayon, nadala na natin sa Facebook yan. May like na nga ngayon e. :) Dati, kada post mo ng testi pwedeng iba-ibang kulay at font size ang ilagay mo, na hanggang ngayon hindi ko natyagang gawin. Hahaha. At mayroon pang kung anu-anong anek-anek at glitters pa. Parang naging pagandahan na din. Para saan? Para malamang ng mga makakakita na maganda na nga ugali ng binigyan mo ng testi, e maganda ka pang gumawa ng testi? Coool. Hahaha. Kung iisipin, ang effort masyado.

Sabi ng Girlfriend ko, i-check daw ang FS at basahin ang mga testi. Ginawa ko naman. At ilan sa mga ito'y kasama ng note na ito. (Note.. sa FS ang tawag ba dito'y Bulletin? :P Ang mga survey questions na mabenta sa akin.. ngayon kailangan mo pang i-tag ang friends mo. Ang Awkward lang e no? Pero nagawa ko na sa ilang mga notes ko. :P Sorry na! )



FROM: Mae Aniciete

DATE: November 11, 2008

◘•happy birthday goonz•◘

►i miss you

i know how stable and

happy you are right now

well im happy for what you've become

stay sweet and lovely

you know that you always

have a special place in my heart

i know that you've enjoyed the rest of your day

even without me*toink drama

hehehe ☻ ☻ ☻

just be yourself

im proud of you!

take care you know naman my number

im just 1 call away kung sakaling

kailanganin mo ko

aun

thats all for now

Happy birthday ule

God bless

i miss and love you

♦mwuah♦

♥mae♥

~ At namimiss ko si Mae. Ang weak ko lang sa words. :(

_______________________________________________

FROM: Marah Lim

DATE: October 15, 2008

i saw you while i was on my way home.. suspended un classes at that time.. hehehe.. he was even holding the umbrella for you while waiting for a ride in stop'n shop.. hahahah! ^_^ pwde.. pwde.. s kin na lng ndi mu pa nkikita.. hehehe.. ^_^ text me kapag sem break nyo na.. i want us to go out.. lagi na lng si khitel nakakasama ko noh.. hehehe.. *-*

~ At si Marah din. :( Kailan ba tayo huling nagkita?

_______________________________________________

FROM: Julious Rivera

DATE: October 6, 2008

"Every minute I spend with you is like being in heaven and looking in an angel's eyes."

i love you so much blee.hmmuah.. thank you

~Nangiti lang naman ako. Marami pa din magagandang memories. Kahit tapos na.. napapangiti ka kapag naaalala mo. :) Salamat!

________________________________________________

FROM: Aeigh Ar Rivera

DATE: September 23, 2008

hello sis!!

super thanks senyo ni bro 4 helping me w/ "the biggest encounter" of my life..

im'm happy 4 the both of you..

yet sad.. etchos lang!!^_^

mis ko n kc kaung 2 as my tropa!! individually.. lam mu n!!

wag lang kayo makaka2limot o.k. n un sakin.. hehehe..

and stay in love with each other!!=)

lab yu and your relationshp with my bro!!

stay safe!!

THANKYOUVERYMUCH!!!!!!!!

~ The wasted moment, Au? Hehehe. But you both are doing great na. :) Just want you to know na uber willing pa din akong makinig kapag kailangan niyo ng someone na makikinig sa inyo. alam niyo yan. Magkumare and Kumpare pa din! :)

__________________________________________________

FROM: Grace Andrea Ringol

DATE: August 2, 2008

may special someone xe ako na nakilala kya drive background music ko.. (:

yup..

masaya talaga classmate si mannos.. kopyahan ng assignment.. hehe..joke=p

nu ba meron sa multiply mo?..

see you wen i see you,, ok hehe.. (:

~ Ikaw na Grace! :) Hindi ko 'to matandaan. Ipaalala mo sa akin. Hehehe :)) Yiheeee! May speacial someone.

__________________________________________________

FROM: Mish Cortez

DATE: July 28, 2008

ei ei.

late nq sa updtaes sa fs.

hahaha.

wlng lyf?

TSss.

nko tlga.

bliw nq last wik pa dhil sa EXAAAMMMMSS.

super exams.

skit s bungo.

hai hai.

dpt mgunwind.

hahaha.

d tau n2loy.

:p

hai nko.

xctyed nq s nyt life ntin.

susulitin ntin un.

san b?

:D

loveyah xizs!

:))

~ Slightly JEJEMON ka? Hahaha. :) Ikaw ata sa isa sa maraming nagtesti sa akin. Di na talaga uso text sa ating dalawa. Kailangan nala-public. Hahaha. Star!

_____________________________________________

FROM: Tetoy Silvestre

DATE: July 6, 2008

ang GC mo.hehe

~ Muka mo! Ikaw ang GC. Never akong naging GC noong College. Hahaha. Busy lang.

_____________________________________________

FROM: Emt Ruth Gianan

DATE: July 4, 2008

ansaket tlga sa mata ng profile mu..

haha..

db sponsored ng CB ung may anime workshop?

ptingin nman kung mganda ..pag mganda ikuwento mu sken...

may noli kbng libro? ung orange si de guzman author...pag meron phram nren..

talamat

~ Napahiram ba kita neto? Haha :)) Congrats Emy! Graduation na!

_______________________________________________

FROM: Glee Pasion

DATE: May 25, 2008

mish' and ur site look so alike!!

~ Kasi gaya-gaya siya! :P I miss you Ghei. Kahit di mo kami miss. At kahit magkakaiba na tayo ng mundo. Emo? Hahaha.

_______________________________________________

FOM: Cindie Lucas

DATE: April 12, 2008

oist musta summer class?bc ka ata ah..di mu na nahiram mp4 ni tam..hehe wla lang..send ko sau landline ko ah..la lng..aun gudluck nalang po sa school..mizU!yngats falage..

~ Grabe! Ngayon, ikaw na ang hindi na nagpaparamdam. Ikaw na ngayon ang busy. :(

________________________________________________

FROM: Michelle Gromontil

DATE: March 25, 2008

weh? bachoy nga e! hahaha.. promise a? pg ngkwentuhan no secrets..^^

~ Hahaha. At hindi naman tayo nakakapagkwentuhan ng seryoso kapag nag-uusap. :)

________________________________________________

FROM: Mish Cortez

DATE: March 16, 2008

haha.

aun.

gnun tlga layp.

uu nga ee.

buti p c mehj.

buti kp.

hehe.

bsta tau ha.

wlng iwanan ha.

no mtter wat.

and huever cums.,tau pdin ha?

wlng tguan ng secrets ha?

hehe.

iloveyou xizs.

kkmiz ka.

at cla.

pro cla.

d aq miz.

hehe.

=)

syng nmn.

xcted kea aq.

hmp.

~ Tibo lang talaga? Hahaha :) Hindi ko napansin ang mga lihim mong pahapyaw dati :P alam na! Emo ka talaga.

__________________________________________________

FROM: Mitch Alvarez

DATE: March 12, 2008

k naman ako. miss u to.

~ parang ang tamlay lang, Mitch! Hindi achieved. :P

___________________________________________________

FROM: Glee Pasion

DATE: December 28, 2007

MS.SAMONTE!

mis u!

~ :(

___________________________________________________

FROM: Borgz Almenario

DATE: November 9, 2007

kambal hapi bday po stn..hekek.. wish u ol da best in life..ingats ka po plge..hehehe e2 malupet stay healthy and sexier evryday...love you kambal..mwah..mwah..

~ Lumalaki ulo ko o. Hahahah :P

____________________________________________________

FROM: Raniel De Padua

DATE: October 26, 2007

its belated happy birthday to you right?

~ Ayan. Sa FB bawal na magkami. Hehehe. Di pala uso sa FS dati ang birthday updates?

______________________________________________________

FROM: Felice Marquez

DATE: March 17, 2007

yes,i still do remember you :).

yup,globe pa rin ako..

pm mo saken number mo para text text tayo ulit ^^..

ingatz.

mwah.

`fei/felice`.

~ Akalin mo, sis, ang liit talaga ng mundo para sa atin. Cool no? :))

________________________________________________________

FROM: Someone na hindi ko na papangalanan. Okay nang maging misteryo siya sa iba.

DATE: August 03 2006

This song will forever remind me of you...

of us and of what we never were....

  • It's "Far Away" by Nickelback

    Hope u lyk it...as much as i do....

    Korni noh!?

    hehehe :(

~ Hindi na niya ito natatandaan. Bet ko. Hahahaha!

_______________________________________________________

At syempre hindi mawawala ang talagang dapat ilagay sa testimonials mo. Ang korni! :))

FROM: Catsy Garol

DATE: July 19, 2006

LEA...she's commonly known as 'kitchie' in our clasrum...asking y??hehe!cuz she realy looks like kitchie..

wat can i say bout this chik??

ahmm..she was my skulm8 wen we we're in highskul..and my clasm8 ayt now at pup..small world!!hehe!!...we do not knw each other personaly nung nasa mapa pa kme..ni di nga kame nagpapancnan ni2 weh!!..but now...close na kame..and i fnd dis gurl very approachble...unlke wat i used 2 thng b4..bk wen we we're total strangers..ngek!plus..sarap kasama 2ng c lea cuz she knows hot 2 ride on a joke..>>ayt kitchie??<<..my talent din 2!!dancing po...nakz!!..

till here na lng..eizt gurl...testi ko din..tc...luv yah frnd!!mwuah!

____________________________________________________________

FROM: Annev Samoy

DATE: March 11, 2006

as what i've promised....

c ohfelia samonte...she's 1 of da person na di ko tlga makakalimutan..promise!!!siguro 1 sya sa mga naging close ko sa section namin...palatawa..makulit..at marunong makisama 2..kya nga di me nhirapan makisma sa taong i2 eh? actually, happy me kc there are tyms na nag-oopen 2ng girl na 2 sakin....kya nga feeling ko 2loy minsan super bait ko na! uy magfeeling angel daw ba?

anyways c lea..magling sumyaw yan..idol ko nga yan!! pero ngayon wag ka pati singing kinacareer...mahilig na bumirit ngayon...grabe lei...super talented ka na...matalino rin yan...cguro it's gods plan na maging seatmate ko yan 2 learn from her..at thank God may isang lea na nkilala ko na worth tlgang maging friend..sana wag po u magbabago tsaka be + sa lahat ng bagay.uy may math pa!!tsk tsk tsk .thankx po tlga sa lahat lahat....alam mo na namn un..no need 2 mention.

____________________________________________________________________

FROM: Czarina De Leon

DATE: March 7, 2006

C te leah bAh???

weL...1 s mga gmuLo sa lyF q...kxma clA tetoY, emy, te ann mesh at mrmi pang iba....pbagO-bago ang bUgso ng fEeLings.n2ng taong 2 pro mxxb q nah she is 1 of d dEepesT person nah nkLa2 q s 4-1......wLang higher standards...olweiz pLaying sAfe kxe ayaw niang mkSkit..>baEt.dBadon't wory te lea...d2 nmAn kmi pRa sAluhiN ang sweetness na un...mhiLig pah nMan aq s mTamis...heHe...wat pah bah...auZ ktxtm8..gOd-fearing pErsoN...cUte din..*uy..cgrdOng.npngiti.kAh*..hehe..

..hAi..kSo nga lan la nah cLa nxt Year...+wawa nMan tau emy+..kaIa ladies en GentS...bLisan nio nAh at mging cLose nah kEo sa taOng 2...u wiL nver regret it!!! I'm telling u...u can olweiZ find her @ St. Thomas Square from 7 2 9pm evry Friday...s vc2ry...yeah..wuhOoO...gO JC!!

_______________________________________________________________________

FROM: Emy Ruth Gianan

DATE: February 15, 2006

OFHELIA SAMONTE:

description: female mammalian specie with tantalizing, black eyes (uy, pinaganda lng ung description), furry skin and long hair..

hekz....yan pu ung physical description ku pu s taong toh....haha....behind those description eh may itinatagong kgandahan nman yan sa loob...hehe...

she acted as mah big sis s skul....lgi pu xng ng-aadvice sken...*charozz* mbait pu and understanding....mganda din nman yan...*uhem...flattered*

well, ktropa ku din yan pgdting sa slurpee at s klokohan...lalo n ung ky ann mish....wakekox...

ksma ku din t0h s victory...ayan kya lgi msaya...

mejo ng tampo pu aku d2 pro ala n un pu...haha...

suri p0h s lhat ng mli...hehe...

otei...un lan...god bless pu and hope ull have a gud future...

nyahahaha.....graduate k nah.....labyu....

mamimiss pu tlga ikaw...hehehe...

____________________________________________________________

FROM: Tetoy Silvestre

DATE: January 8, 2006

lesh, lhei, leah, ohfelia, mata ng encatadia, cassuppea, kung ano pa!!!! ang twag nmin s knya,,, cno b xa s buhay ku?

well c lea lng nman ang anakesh ku, hehe, xa ang dearest klasmeyt ku n maituturing ku pinakamabait s lhat ng babae sa buhay ku, hehe,, kaibigan huh! npaka understanding n2, mgling sumyaw at 2lad ku n FIGHTER s lhat ng hirap sa buhay, pag nkilala nyo 2ng gir n 2,,, eto lng ang option

1. mgiging frendz kau!

2. mgiging close kau s isat isa

3. mamahalin mu 2 ng todo

4. mbabaliw k,, hehe

s kin kc number 4 ang ngyari..... c lesh din yng mssbi ku n medyo moody at medjo kbadong tao,, xa yung lge ku nssbhan ng ckre2 at mga private stuff prang xa nga ang gabay diwa bsta s closeness nmin mhihirapan kming ipag seperate or mg fission kc lgi kming nka fussion kmi ay nsa stage ng ionic bond, we share elestrons,, hehe,,, bsta e2ng c lhei ay hind ku mkklimutan,,,, kaibigan n, anak p, anu p b,, klasmeyt,, kulang n lng ay mging teacher,,, hehe.... God Bless pu slhat ng work mu

________________________________________________________________

FROM: Michelle Gromontil

DATE: October 18, 2005

d best mamei in hul world... hai dis is 1 of dose person dat i will definitely miss iiyakan ko pow 2 sa grad day(huhuhu, hai ngaun plang yata eh....)super bait at tlagang nanjan wenever u need sum1 2 hold on 2 doe i now dat she needed foundation 2 hold on 2,,ala na pow me masabi sa knya she poses d 'tude na ha2napin mo sa drim frend kaya nga lucky tlaga aku dahil nkil2 ku xa eh....ryt now my iba frenz xa but she never fails 2 luk bak at us ung mga fwenz nya dati lalo na pagmy labuan sa berkz,nweiz elibs me d2 kay 'mi leah kc tlgang inaxep na nya si God despyt of ol dose crcumstances in lyf gaya sa fam'ly,kya nga naya2 me n2 sa church eh kc nakita kuh sa Goonz ung change sa lyf tlagang they've changed alot sa paguugali at sa view nila sa lyf khit marami mga pwoblemz dey nver ever tink of givng up insted dey fyt bravely.... grbe i hav never known a gurl lyk mami leah she's been a gud fren and mader to me she even srve as a model 2 dose hu are lusing hope & faith kay god .cge god bless.

________________________________________________________

FROM: Mitch Alvarez

DATE: March 20, 2004

C leah..ummm. cno un??? hehe..... mssb

k jan s atong yn ay super bait (bka

mgng superwoman k nian NOTE: nd darna

ha!!!) and totful and veri caring and

mpagbgay... cya ung tipong "nay penge

baon" at mgbbgay agad..hehehe.. pro

tlga kht ngaun lng kmi ngng klsm8 ay

npkgnda ng turingan nmn (how deep

db??!)... cya rn ung tipong nd m n

kelangan mgdwnlowd ng mga quotes dhl

super ggnda and nkktouch ung mga kowts

n cncnd nya...sna lng wla limutan and

stay wat u r.... msnay k n s ugali

k....cnsya k n kng mnsn ngttray me at

pnpilosopo kta... natural lng

un....hehehe....tc *mwah*

________________________________________________________

FROM: Glee Pasion

DATE: March 3, 2004

yang c lea, 1 of my best friends ko

yan. mabait na maganda pa. maraming

nagkakagusto dyan kahit hind

lalaki.mapagbigay pa yan. fanatc yan n

brtney kita namn db????????? yan

laging nakikipagunahan sakin magabayad

ng pamasahe sa dyip pero yang bakalang

yan imean babaeng yan sweet and caring

kaya masarap kasama, dadamayan k

talaga at d k iiwan

________________________________________________________

Ang sipag ko mag-copy-paste! HAHAHA. Nakakatawa at nakakatuwa. :) Required na magkaroon ng testi? Yung iba mga JEJEMON pa. Yung iba sira ata ang CAPS LOCK pati ang period at comma. Usong-uso dati na ang simpleng salita nagiging kumplikado.

  • KO magiging quo, qoh, koh.
  • MO magiging moh, mow, mho.
  • SORRY magiging sowee o sowriiiiie.
  • SIYA/SYA magiging xa, xha, cia. sha.
  • MY magiging mah
  • FRIENDS magiging fwendzs
  • ALWAYS magiging olweiz.

Nakakatuwa o nakakatawang masyadong ma-effort magtype. At aaminon ko, natutuwa ako sa mga testi na parang tag tulad nito:

____ooooo_____ooooo

______oo_______oo

_______o_______o

________ooooooo

_________ooooo

_________ooooo

_________ooooo

______ooooooo

_____ooooooooo

_____ooo___ooo

_____ooooooooo

_____ooo___ooo

_____ooo___ooo

____oooooooooo

____ooo____oooo

____oooooooooo

____ooo____oooo

____oooooooooo

____ooooo_____ooooo

_______oo_____oo

________o_____o

________ooooooo

________ooooooo

________ooooooo

_______ooooooooo

______oooo___oooo

______ooooooooooo

______oooo___oooo

______oooo___oooo

___ooooo_____ooooo

___ooooo_____ooooo

___ooooooooooooooo

___ooooo_____ooooo

___ooooo_____ooooo

Nabasa mo ba? :) Hehehehe. Marami nagsasabi na masyado nang old school ang mga ito. Totoo ba? Pero kadalasan, ang mga old school na ito ang nakakapagpangiti sa'yo. Go, go na! try mo ding buksan ang friendster mo.

:)