Kwentong Chalk Part III, ang pagpapatuloy. . .
Habang tumatagal, palayo ako ng palayo. Mula Sta. Cruz, napunta sa Mendiola. Ngayon, nasa Sta.Mesa na ako. Sa totoo, ayokong mag-aral sa Unibersidad na ito. AYOKO. Pero dito ako nakapasok. Siguro may dahilan, may misyon akong dapat gawin, o sadyang dito lang ako nakalaan. PUP.. Pila Ulit Pila. Pag-aasikaso pa lang ng enrollment, PUP na talaga. Una kong choice, tourism. Pero sa kadahilanang hindi umabot ang height ko, kailangang magbago ng desisyon. Pumunta ako sa pila ng MassCom. Gusto kong ituloy ang pagsusulat. Pero nagtapos ako ng BBA Marketing, dahil doon maikli ang pila. Sabaw!
Pero kalaunan, nagustuhan ko at pinagpatuloy ko ang College sa kursong 'to.
PUP Catwalk
Open Court - PUP Catwalk - Gym
Apol (Apolinario Shrine)
May 13, 2010 at 7:03pm Facebook Note:
Konting oras na lang, graduate na kami. Konting oras na lang, bagong mundo muli. Masaya, malungkot at nakakatakot. Masaya dahil sa ilang taong pag-aaral sa paaralan, eto, tapos na. Malungkot dahil hindi mo na makakasama ang mga madalas mong nakakasama sa araw-araw. Nakakatakot dahil lalabas na kami sa mga haligi ng paaralan, mga estudyante na kami ng mas malaking eskwelahan, ang mundo. Anu-ano nga ba ang mga natutunan mo? Anu-ano na ang mga sandata mo?
Marami akong mamimiss. Marami akong hindi makakalimutan. Malulungkot man o masasaya, naging bahagi iyon ng aking buhay kolehiyo. Napasaya man ako o nasaktan, natuto ako. Hinding-hindi ko malilimutan ang mga taong naging parte ng nakaraang apat na taon ng buhay ko. 2D, kung pwede lang kayo yakapin isa-isa.. gagawin ko. Sa mga nakaraang gabi, hindi maiwasang maalaala kung paano tayo nagkakilakilala. At napapangiti talaga kung paano tayo naging pamilya.
First day of school. Pangalawang row mula sa dulo. Doon ako umupo. Pakiramdam ko magkakakilala na silang lahat. Ang iingay na kasi nila. Lalo na sina Roxanne Salindong at Pierre Pena. Habang naririnig ko ang ingay nila, naririnig ko din ang ingay nang pagsinghot ng katabi ko, si Ruby Ilumin.Naalala ko pa noon, ang ganda ng headbnd nya. :P Sa inis ko, humarap ako sa kanan ko. Feeling ko wala din siyang kakilala kaya naisip ko noon na kausapin siya. Kaso, nagulat ako nagsasalita siya mag-isa. Peace tayo Almario Taborda. Nakita ko si Cathrina Garol, ayos. Schoolmate ko siya noong highschool. Yun nga lang, hindi kami close. Nahiya din naman ako makisingit sa usapan nila noon ni Mathel Cuenco at Lovely Villasanta.
Dumating na Professor. First subject: Sociology. Ang gwapo ng boses ni Sir Herrero. (: Ang pinaka hindi ko malilimutang topic sa subject nya: Deviant Behavior at ang pakikitagtalik. Paborito banggitin ni Sir yun eh. :P
Unang ginagawa, syempre ang magfill-up ng class card. Kukuha na dapat ako ng ballpen, eh nahulog bag ko. Dadamputin ko na, pero may dumampot na. Salamat Paul Almenario. (: Saglit lang si Sir Herrero, pero nagbigay na agad siya ng assignment. "T*** ina.. may assignment agad!" Nagulat ako, ang angas kasi ng dating ni Alfredo Codog NOON.
Second day of school. Dapat may kasama na ako. O kausap man lang, sabi ko sa sarilo ko. :D Ayoko kaya maging loner. Hahah! Nakita ko ulit si Cath, kasama sina Mathel at Lovely. Ayoko nang umupo sa likod, parang ang weird kasi ng mga katabi ko. :P Since wala pa namang permanent sa pag-upo.. umupo ako sa harapan. Sa pwesto ni Mathel. :P Hindi naman ako bad di ba? Lumipat tuloy sina Mathel at Lovely sa likod. Sorry. At nakausap ko na din si Cath. Hahah!
Naghihingian na ng Email Address at cellphone number, at nangingibabaw ang boses ni Milgred Pabinguit. Dumaan din kasi si James Yap, yung crush niya. Tuwing dumaan si James Yap, pupunta si Mil sa bintana. Since bakante ang upuan sa may bintana (sa tabi ko), inalok ko si Mil na dun na lang umupo. Doon na nagsimula ang friendship namin.
Uwian. Nagkayayaan kumain sa Teresa. Nakasabay ko sina Jennylyn Baldovino, Mary Malaya, Kate Basio, Trixie Lirit, at Marjorie Lapuz. Yey! Dumadami ang friends ko. :P Lumipas mga panahon, marami na akong napapansin. Meron pala akong kaklase na kambal. Sina Mary Rose Cruz at Christina Caratao. Hahah! Magkamukha lang pala. :P
Election of Officers. Hindi naman kami magkakakilala lahat kaya isa-isa daw magpapakilala at magsasabi ng maikling info. tungkol sa sarili. Doon ko napansin si Junnel Nacional, ang ganda kasi niya. (: Kaya naman may naakit agad siya. "Can I have your number?" Yan ang sinabi ng kasunod niyang si Aurelio Rivera III. Imba moves ka boyfriend. :P Sa tawanan sa room, merong isang loner. Lagi kasing nasa labas ng room. Papasok lang siya kapag may professor na. Pero sa umpisa lang pala yun Gino Ramos. Nag-audition siya sa CB Pep Squad kasama sina Pierre at Ryan Acordo. Astig, sumayaw na agad sila sa Orientation noon.
Nagsimula na ang kulitan, asaran, pagkakaibigan, pagliligawan at tsismis. Hahah! Si mil, tinutukso kay Andy Villaviray. Si Pierre kay Michael Peralta. Sina Kath at Jen, naiisyu kina Dean Rampas at Julious Rivera. Si Ray Niel Abiad naiisyu din kay Angela Senotoc,ang babaeng mahilig sa lyrics. Yun pala kay Katrina Francia Castro may gusto si Rain. Hmm. Kamukha ko daw ang ex ni Ryan. Nagtapat si Ryan kay Rox at ganun din si Gino.
Nabuo ang Dota Boys. Alvin Enriquez, James Gamali, Joed Iglesia, Chrstian Cabigat, Almario at Alfredo. Nagkakatext na din ang bawat isa. Una kong katext maliban kina Mil, si Glenn Engarguez. Kala mo weird pero hindi. Mahilig sa music. Sabi nga nya sa akin noon, tuturuan niya ako tumugtog ng drums. Hmm. Mahilig din sa music si Adrian Pineda. Tanda ko, madalas may dala silang gitara. Tuwing lunch break, nakatambay sila sa Amphitheatre, nagkakantahan. Kasama ang one week LATE dahil daw may sakit siya. Embento ka talaga Riza Samson. Kapansin pansin din si Reenan Pinlac. Mukha kasi siyang bata, cute na bata. Lagi niyang kasama si May Urminita. Ang babaeng maswerte sa boyfriend. :D At si Ate Kim Curioso.. ang the best magluto na naging crush ni *tooooooooot* :P
Natapos ang isang sem. Mas lumalim ang samahan naming lahat. Pero sa bawat sem, nalalagas kami. Sinimulan kasi yan ni Roberto Nipis. :P Pero sabi nga nila, sa bawat umaalis, mayroong dumarating. Apat pa. :D Masaya daw kasi block namin eh. Di ba Abegail Cruz, Eunice Nalda, Daniel Tenorio at Hazel Tolentino? ☺
Simula pa lang yan. At alam ko, kahit graduate na tayo..hindi pa din matatapos ang istorya nating nagmula sa N404.
North Wing, 4th Floor: CB Marketing Wing
May 08, 2011.
Bakit ko ba kinukwento ang lahat ng ito? Ewan. Naalala ko lang siguro yung pakiramdam kapag binabasa ko ang libro ni Bob Ong. Lahat may flashback. Isa-isa, maraming datalye. Lahat iyon ninanamnam ko lalo na noong 50-50 ako sa buhay. Noong mga panahong ako'y nadapa sa pag-aaral, ito ang naging inspirasyon ko para bumangon ulit at lumaban. Ito ang tumulak sa akin upang 'di ko sayangin ang mga taong nabuno ko para makarating ng kolehiyo. Pakiramdam ko, lahat ng mga salitang binabasa ko ay para sa akin. Nakabangon akong muli, at nagpatuloy lumaban. Walang nakaalam na halos isusuko ko na ang lahat dahil ang sa pakiramdam ko, balewala na ang lahat. Walang nakaalam kung gaano ako nakipaglaban sa aking sarili para lang makatayo muli. Marami akong napagtanto at napag-isipan. Nalaman kong marami pala akong naging desisyong mali na kailangan ko nang itama. Nalaman ko ding marami akong maling pagdedesisyong hindi ko na mababawi kundi dapat kong harapin at panindigan. Natakot ako, gusto kong magtago sa lahat lalo na sa aking mga pagkakamali. Ang malala pa nito, ginusto kong takbuhan na lamang ang lahat ng ito. "Hindi naman iiyak ang mundo ng dahil sa iisang tao," nasa isip ko din yan. At tama nga siya na "minsan kailangan mo rin pala ng lakas ng loob para sabihing mahina ka."
Sayang ang pagkakataong maaari kang maging isa sa mga titingalaing honors sa batch ninyo, pero sawi ako. Iba pala sa College. Pagkatapos pala kasi ng stage na ito, totoong mundo na ang papasukin ko.
Flashback.
Mula first year hanggang fourth year, hindi pwedeng walang session. Madalas, sa bahay ni Rox o ni Cath. Basagan kung basagan. Drink till you drop! ☺Hindi ako proud, pero natuto akong maging manginginom. One-on-one? Game ako dyan! Ganyan katatag ang katawan ko. Nasubukan kong magbisyo at kung anu-ano pa.
Session at Roxy's.
* * * *
College, dito ako umiibig, nasaktan, nadapa at bumangon. Dito din ako nagkamali, natuto at nagturo.Marami akong naging kaibigan, kaaway at parang wala lang. Marami din akong sinunod at sinuway. Maraming ding pinagsisihan at pinasalamatan. Pero sa lahat nang 'yan.. masaya akong humaharap sa kasalukuyan at kinabukasan. Nakangiti akong sumisilip sa nakaraan. Dahil naging sandata ko ito sa mas malaking mundong kinabibilangan ko ngayon. Mas marami na akong sagot kaysa tanong. Pero syempre, may mga bagong tanong na akong hinahanapan ng kasagutan ngayon. :)
4th Year Events Finals, Teen Horizons Fashion Show (The Dancers)
Oyes! Sumayaw nanaman ako. Para yan sa Events na subject namin. Take note: umuulan habang sumasayaw kami. Wet look, baby! ☺ At may part na may freestyle ka, SOLO. Can you imagine?
Kung ano ang kinataba ko noong High School, iyon naman ang ikinapayat ko ng College. Parang drugs ang epekto ng grade sa akin. Ikaw ba namang makuha ng sardinas e. (555) -- tatlong singko! Oo, nagkaron ako ng tatlong singko. Bagsak. Panget sa transcript di ba? Pero alam mo? Magandang karanasan. Iniisip kong may rason kung bakit. Mga rasong alam kong nakabuti at nakapagpabuti sa akin. Masyado kong mahal ang school ko, kaya hindi ko pinalagpas ang Summer Classes. :P
Seminar 2010, The Adams Family.
My not-so-okay days.
My College Treasures
Maraming salamat sa lahat. Maraming salamat sa 15 years na pag-aaral. Akalain mo? Kailangan mong mag-aral ng ganoon katagal? yung iba adik sa pag-aaral, kukuha pa ng 2nd course. Pero balak ko din yan. ☺ Sa ilang beses o pagkakataong nakaramdam ako ng pagsuko, nalagpasan ko iyon. Kailangan lang maigng matatag. Alam ko, mahina pa din ako, pero may sapat nang lakas para sa mundong dapat harapin. Hindi lahat ng aral sa buhay ay sa paaralan mo matututunan. Pero sa loob ng paaralan mo makikilala ang mga taong magiging parte ng pagbagsak mo at ang magiging tagumpay mo. Sa paaralan mo makukuha ang sandata mo para maging handa sa dapat mo pang matutunan sa mas malaking unibersidad -- ang mundo.
Maging paraan sana ito para mapasalamatan ko ang mga naging bahagi ng aking nakalipas na 15 taong pag-aaral.
Salamat sa guro ko noong kinder na naniwala agad sa aking kakayahan.
Salamat sa 'ka-nanay' ng aking ina noong nagloko ang akong tyan.
Salamat sa bestfriend ko mula kinder na naniwala sa akin at sa mga pagkakataong pinagtatanggol niya ako sa lahat.
Salamat sa pagpapakain sa akin ng chalk noong grade 1, lalo ata akong dumaldal.
Salamat sa guro ko noong grade 2, mula kasi sa mga pinapakabisado niyang tula, nahilig na ako sa literatura.
Salamat din sa kanya dahil may napupuntahan ako tuwing 'di ako umaattend ng THE noong grade 4.
Sorry sa teacher ko sa THE noong grade 4, ayoko po talaga ang manahi.
Salamat sa guro ko noong grade 5, dahil siya ang nag-anggat sa akin noong mga panahong lubog na lubog ang morale ko maski sa mga magulang ko.
Salamat sa guro ko noong grade 6, dahil naranasan naming maging magsasakang hindi yumuyuko. :)
Sa mga guro ko sa high school, maraming salamat. Nalaman kong hindi importante ang lugar kung saan ka magtuturo, kundi kung paano ka maiintindihan ng mga mag-aaral mo.
Sa guro ko sa Musika, dahil alam ko pa din hanggang ngayon ang kanyang Pamulinawen.
Salamat sa mga naging guro ko sa Journalism. Natuto akong hindi lang tignan ang isang bagay sa kaanyuan na nakikita lang ng mata. Madalas, kinakailangan ng puso para mas maintindihan mo ang mga bagay-bagay.
Salamat sa mga naging tunay kong naging pangalawang ina, mahal ko po kayo. ♥
Salamat sa propesor namin sa Marketing Principle. Natuto kami ng kaayusan sa katawan, at pananamit.
Salamat sa propesor namin sa Marketing Management at Agri. Tunay na kayamanan ang mga libro. INVEST!
Hindi ko malilimuta ang propesor ko sa Filipino I, pinilit akong mag-'speak of the tongue.' Salamat sa kanya dahil nahilig ako sa alibata.
Salamat sa gumuhit ng story board namin ni Abegail para sa Marketing Plan namin noong 4th year College.
Salamat sa gumaya ng commercial namin sa Advertising, sikat na siya ngayon kahit ang alam ng iba hindi kami ang gumawa nun.
Salamat sa unang propesor ko sa Phil. History noong College. Sir, malupit ka! Mapagtritripan ka din. :)
Sa manyak naming prof, salamat sa pagbagsak sa amin. Mas natuto kami noong inulit namin yung subject mo. lol.
Salamat sa propesor namin sa Statistics. Totoong hindi ako bobo sa Math at analyzation.
Salamat sa guro ko sa Physics, natuto akong ngumiti lagi dahil sa kilay kong mukang nagsusungit daw.
SALAMAT! Marami pong salamat. Ang bawat guro ay tunay na nakaaapekto sa bawat mag-aaral niya. ☺
Hanggang sa muling pagkikita.
No comments:
Post a Comment