Mga walang kwentang salita na binigyang buhay ng nagwawalang emosyon. Isigaw ang itinatagong damdamin. samahan n'yo akong lumipad sa magulo at maaligagang mundo

Monday, April 4, 2011

Love Letters to Lhet. ♥



Sa panahon natin ngayon, bihira na lang ang nagbibigay ng love letter. Sabi nga nila, old school type ng panliligaw. Pero personally, mas gusto ko ng OLD SCHOOL. May effort, may sincerity at may sense of creativity. Hindi ko naman sinasabing wala na ang tatlong ito sa panahon ngayon, hindi na lang siguro masyadong nabibigyan ng pansin ang mga ito dahil sa teknolohiyang mayroon tayo ngayon. Kaya naman, natutuwa ako kapag may mga gumagawa pa din ng love letter.

Mayroon akong kasama sa trabaho, halos sampung taon na siyang sinusuyo ng bestfriend niya. Kahit na maraming ng dumating at umalis sa buhay nilang dalawa, magkaibigan pa din sila. Hindi naman din lingid sa kaalamanan ng babae na matagal na din siyang gusto ng kanyang matalik na kaibigan. At sa istorya nila, mararamdaman mo ang tinatawag nilang 'unconditional love'. Ang pag-ibig na walang hinihintay na kapalit. Ang pag-ibig na ipaparamdam mo't ipapakita sa taong mahal mo kahit hindi niya ito suklian ng pagmamahal ng tulad sa pagmamahal mo, ay mamahalin mo pa din siya ng buong-buo.

Ordinaryong araw man o hindi, naging saksi ako sa kung paano sila sila sa isa't isa. At naramdaman ko din kung gaano katotoo ang nararamdaman nila. Sa katunayan, na-in love na ako sa mga sulat na ginagawa ng lalaki. :))

Minsan nga, ginawa ko itong wallpaper sa laptop na ginagamit namin sa trabaho. At nang minsang dumating ako, naabutan ko ang babae na nakangiti't nakatitig sa monitor ng computer. E sino ba namang hindi gaganda ang araw pag nabasa ang mga sulat ni Julius? :)

PAALALA:
Bawal itong kopyahin. Ang bawat letra at salita sa mga love letter ay dapat na nanggagaling sa puso. Hindi yan sa marunong o hindi ka marunong gumawa nito bagkus kusa itong maiisip lalo't totoo ang mithiin at nararamdaman.

No comments: