Mga walang kwentang salita na binigyang buhay ng nagwawalang emosyon. Isigaw ang itinatagong damdamin. samahan n'yo akong lumipad sa magulo at maaligagang mundo
Showing posts with label Friendships. Show all posts
Showing posts with label Friendships. Show all posts

Monday, November 28, 2011

REALationship



SUMMER: We're just friends.

TOM: No, don't pull that with me! Don't even try! This is not how you treat your friend! Kissing in the copy room? Holding hands in IKEA? Shower sex? Come on! Friends my balls!

SUMMER: I like you, Tom. I just don't want a relationship.

TOM: Well, you're not the only one who got to say on this, I do too. And I say we're a couple, goddammit!

***************


Akala mo kayo pero hindi. Halik dito, halik doon. Holding hands dito, holding hands doon. Yakap dito, yakap doon. Lahat na nagawa n'yo na maliban sa isa.. ang magsabihan ng mahal n'yo ang isa't isa.

Ang kumplikado, pero bakit marami pa din ang nasa ganitong relasyon? Kung relasyon nga ba itong matatawag. Mas convinient? Uso o napapanahon? O dahil sa dahilan ng marami..


NO EXPECTATIONS, NO DISAPPOINTMENT!
Ang labo naman. Pwede kang magalit, masaktan, magtampo, mainis pero wala ka sa posisyon o wala kang karapatan para sa mga damdaming iyon. Parang laging kailangan okay kayo, na okay sa'yo lahat. So, are you saying that I can't complain even when I'm hurting? Deserve mo ba yun?

No US. No WE either. Only ME and YOU. May love pero wala kayong label. There are no guarantees. No future plans. You just go with the flow. But your pain is real. And it's self-inflicted so why complain?

Meron pang rules rules yung iba. Sabi pa, just follow the rules and you'll survive somehow. Oo, hindi mo mapipigilan ang emosyon mo, hindi mo pwedeng pigilan ang pwedeng maramdaman mo, pero pwede mong pigilan ang gagawin mong actions. Kumbaga may limit. May boundaries.

Paano kaya nakakatagal ang mga taong nasa ganitong sitwasyon. Hindi kaya nila naiisip na parang nasasayang lang lahat oras, emosyon, panahon at pag-ibig. Hindi ba nila naiisip na kung ang nilalaan na oras nila sa ganitong sitwasyon ay ginagawa na lang nila para sa ikabubuti ng mga sarili nila para sa taong handang ibigay ang commitment na deserve nila. Bakit kailangan mag-stick sa ganitong relasyon kung alam mo din namang hindi magtatagal?

Takot. Takot. Takot.

Lagi na lang yan ang dahilan ng marami. Sino bang hindi takot? Hindi ba mas nakagagaan ng loob kung mayroong taong takot din pero kakayaning harapin ito para sa'yo? Yung taong hindi sasayangin ang pagmamahal mo. Yung taong alam ang pinagkaiba ng love sa lust. Yung taong hindi ka hahayaang mawala kahit na sinasabing "marami namang iba dyan." Yung taong masasabing KAYO. Yung taong alam mong magtatagal. Yung taong kahit may mgadisappointments yayakin ka pa din, tanggap ka pa din, mahal ka pa din.

Almost, but not quite.

Tuesday, October 18, 2011

Dikyang Lagundi.

Bakit ba sa mga palabas ngayon laging may karibal? Ang masaklap pa dyan e ang karibal na yan e kaibigan mo. Kung hindi naman, isang matinding makapit na third party. Bakit sa mga post o blog, lagi na lang tungkol sa relasyon? Relasyong malungkot, magulo, malabo. Bakit hindi na lang tungkol sa pamilya, relihiyon, edukasyon o gobyerno? Bakit puro tungkol na lang sa love life. Kapag iba ang topic, sasabihing boring. Pero kapag tungkol na sa pag-ibig pag-aaksayahan ng panahon, laging nagbibigay ng interes sa'yo. Doon lang ba tayo dapat may pakialam? Yun lang ba dapat natin pag-isipan, problemahin at hanapan ng paraan. Puro na lang love life. Hindi ba pwedeng about life with love? :)

Bakit mo ba ito binabasa? Dahil ba sa labels, title o bigla mo lang nakita at naisipang basahin. Hindi ka pa sawa na halos lahat ng post ko lagi na lang tungkol sa pag-iibigang naudlot, nawala, nasira. Halos lahat sasabihing nakakarelate sila. Kaya maraming nag-iisip na pare-parehas lang ang mga tao. Oh well.

Ehem. Kung napapaisip ka ng, "Oo nga. Wala bang bago?" Pwes, layas! Wag mo nang ituloy ang pagbabasa mo. :D

Bakit nauuso ang third party? Sa movie magkakasunod ang palabas ng may mga ganitong tema. At nakakaloka, na marami nga ang nakakarelate. E, bakit ba nangyayare yun? Ito ang mga dahilan ng kinauukulan:

  • Sa sobrang tagal na ng kasalukuyang relasyon, naghahanap ng bagong pakiramdam. Bagong kilig. Bagong landi.
  • May mga bagay na sa ibang tao o yung 3rd party yung nagparamdam sa'yo.
  • May mga kakulangang sa iba natagpuan.
  • Hindi maramdaman yung contentment sa sarili, sa relasyon at sa iba pang kabagayan.
  • Okay ng may reserba para hindi mawalan.
  • Natukso LAMANG!
  • Pinagseselos ang taong talagang gusto niya/ Paraan ng pagganti.
At marami pang dahilang mas malabo pa sa sabaw ng pusit. Hindi in a relationship, hindi din matatawag na friendship lang. Yung iba ang tawag open relationship, pero ang mas magandang tawag dyan ay:



Isang matinding landian lamang. Para sa iba, natutuloy na din naman sa magandang relasyon. Aba'y akalain mo. Pero mas malaki ang porsyento na mapupunta lang din ito sa wala. Marami pa sa mga nakaranas nito, mas nasaktan lang. Olats nga kumbaga. Wala na bang totoo sa panahon ngayon? Lahat na lang ba pambobola at biro? Lahat ba may bahid na ng panandaliang pakiramdam lamang? Kailangan bang may masaktan at manakit? Kailangan bang kalimutan ang tama para magawa lang ang ilang bagay na panandalian mo lang mararamdaman? Sapat bang magsakripisyo ng maraming bagay para sa hindi mo siguradong emosyon? Kaya mo ba talagang bitawan ang matagal mong pinaglaban para sa lang sa kaunting panahong 'bagong pakiramdam?'

Sino ang may kasalanan? Ang tumukso o ang nagpatukso. Sabi nga, hindi dapat pinipigilan ang tukso.. dapat dito, iniiwasan. Wala naman marupok sa tukso. Kung alam mo namang mali o di dapat, bakit mo pa gagawin? Oh yes, easy to tell. Tulad nga ng gasgas na sinasabi ng marami, palay na nga lumalapit sa manok, di pa ba tutuka? Nakahain na, sinubo na, nganganga ka na lang.

Minsan, nakakainit na lang ng ulo at nakakakulo ng dugo ang mga ganitong usapin. Kahit naman anong salita ang sabihin mo, sumang-ayon man o hindi, sariling desisyon mo pa din naman ang masusunod sa huli. Minsan, masarap lang sa pakiramdam na may mga taong nakakaalam ng talagang nararamdaman mo. Na kahit alam mong di tama, may mga tao sa paligid mong ituturo sa'yo ang daan pabalik.. hahayaan kang matuto sa sarili mong paraan, sa sarili mong pagkakamali. Pero wag naman sana mawili, na paulit-ulit na piliing magkamali.

Bakit ba paulit-ulit na lang ang mga nababasa natin? Malamang sa malamang naman alam na natin itong lahat.

Monday, October 10, 2011

Hit and Run.

Sinasadya ba o hindi? Walang choice o sadyang yun lang ang pinili? Takot panagutan pero ang lakas at ang kapal ng mukha para takbuhan na lang. Mayroong bumabalik dahil sa konsensya, mayroon din naman na hindi ata tinubuan kahit ng hiya. Hahabulin mo pa ba? Hahayaan na lang ba? May galos at daplis lang ang dala. Mayroon din namang agaw-buhay na. Kung kikidlatan bawat taong ewan mo ba kung anong trip sa buhay kundi manakit, malamang sa malamang kahit gabi, nagliliwag ang langit.

Alam mo yung feeling na ang sweet nyo sa isa't isa, sineryoso mo, pero laro lang sa kanya? Yung feeling na tinuring ka niyang other half niya, naniwala ka, pero pa-fall lang pala siya. Yung pakiramdam na kayo, pero hindi lang official, e yun pala ganun din siya sa iba. Pakiramdam na may pagkakaintindihan kayo pero may takot lang sa pwedeng mangyari, tapos bigla-bigla, may iba na pala. Yung pagkakataong ayaw mong maniwala, tapos nung naniwala ka na, bigla ka na lang iiwan. Yung feeling na ang saya-saya mo na tapos isang iglap mawawala na lang ng wala man lang pasabi o paalam. Ang saya no? Ang sarap magdiwang. Dalawa kayong nagsimula, pero ngayon mag-isa ka na lang.

Akala mo iba siya. Akala mo magtatagal kayo. Akala mo seryoso siya. Akala mo totoo ang lahat. Akala mo sincere siya. Akala mo sa'yo lang niya sinasabi at pinaparamdam ang lahat. Akala mo puti, pula naman pala. Akala ko kasya yun pala hindi. Akala ko tama yun pala mali.




Akala ko alam ko na ang lahat ng dapat na malaman, nguni't mali na naman. Pero okay lang yan, wag kang matakot na baka magkamali. Walang mapapala kung 'di ka magbabakasakali. Dahil lumilipas ang oras baka ka maiwanan kung hindi mo susubukan. ☺

Ah eh kung sa usapang damdamin, hindi ba pwedeng sigurado? Pero ang sabi-sabi sa balita, ang damdamin sadyang paiba-iba. Kasi ang damdamin binubuo ng emosyon. E alam naman nating maraming emosyon ang naramramdaman sa mundo. E baka nga hindi mo pa nararamdaman yun lahat. Pero hindi sapat na dahilan para mang-iwan na lang ng basta-basta. Na matapos na mapaibig mo ang isang tao, bibitawan mo na lang, na minsan walang paapaalam. Masakit malamang nagbago ang nararamdaman mo sa isang tao, walang magaan at walang hindi nakakasakit na paraan. Nguni't, hindi tama na takbuhan mo na lang ito. Hindi tama na maglalaho na lang na parang bula. Maging patas ka.

Ang pag-ibig minsan parang hit and run, kapag hindi kayang panindigan, tatakbuhan ka na lang. Badtrip no? Pero ikaw ba hindi mo yun nagawa? Sadya man o hindi sadya?

Tuesday, April 19, 2011

Congratulations Loves! ♥


April 15, 2011 -- A day to remember specially to my friends who took 5-year course in College. And that made me one-year graduate. :O Tagal na din pala. Hahaha. What will be your life after you graduate? Ako? 5 months naghahanap ng work, then 5 months haggard sa work at ngayon, halos isang buwan nanaman akong BUM -- tambay sa bahay. Naisip ko, mas masarap pala grumaduate sa High School. Kasi pagkatapos noon, mayroon ka pang sigurading daang daraanan -- ang Kolehiyo. Pero ang buhay matapos ang College Graduation, ikaw na mismo ang gagawa ng daang daraanan mo. Ikaw na ang bahala sa mundong gusto mong galawaan. Mahitap, oo. Sa bagong mundong ito, hindi ka na pwedeng mangopya. :P Ang mundo na mismo ang classroom mo, at ang mga karanasan mo ang magiging guro mo. At para sa mga kaibigan kong nagtapos sa taong ito, Mabuhay sa totoong mundo, at binabati ko kayo sa inyong pagtatapos.

Johanna Rose Gerado
BS Chemical Engineering
PLM 2011



Alpha Mae V. Aniciete
BS Physical Therapy
PLM 2011



Major E. Cervantes
BS Civil Engineering
PLM 2011

April 16, 2011 -- At syempre hindi mawawala ang kainan. :) At sa kainang ito, nagkaroon ng 'mini-reunion'. After lunch, sa Jobson, Cainta ang naging destinasyon namin, sa tahanan ng Pamilya Gerado. Masaya nanaman kami. Ganyan talaga siguro kapag kasama mo ang mga kaibigan mo. Hindi mawawala ang kantahan ( kahit KJ ako dahil hindi ako kumakanta. HAHA! ) Tatlong rounds ng Pinoy Henyo. Boys vs. Girls, na may score na 4-4 :P YAHOO! Salamat kay Grace na nakapagpanalo sa girls.






At 9pm, sa tahanan naman ng mga Aniciete. :) I so love this day. ♥

Monday, April 11, 2011

Happy and Contented.

What is a happy family? May tatay, may nanay, mga anak -- sama-sama sa iisang bahay, masayang namumuhay at walang away. Kung yun ang depinisyon mo ng pagiging isang'happy family', ibig sabihin malungkot ang aking pamilya? Dun kayo nagkakamali. Hindi man tayo magkasing depinisyon ng 'happy family', sinisigurado kong masaya ako sa kung anong meron ako. :)


Ito ang aking pamilya. Masasabing kulang, nguni't punung-puno ng pagmamahal. Lumaki ako sa puder ng aking ina. Tulad ng iba, single parent siya, dahil ang aking ama ay may pangalawa ng pamilya. Hindi ako nagtanong ng ano pa mang detalye sa bagay na ito, dahil sapat na sa akin na mga pinapadama ng aking ina. Mayroong mga pagkakataong magkakaburyahan kami sa isa't isa. Mga ilang araw na walang pansinan, mga pagsasagutan o mga di pagkakaunawaan, pero sa kahit na anong bagay sa mundo, hindi ko siya ipagpapalit. Naalala ko noon, kapag tinatanong ako kung sinong matuturing kong bayani, nanay ko ang sinasagot ko. :) Sino ba namang hindi maituturing na bayani ang kanyang ina?

(1) Gigising ng maaga para magluto nang sa paggising mo, may kakainin ka na at baon sa eskwela. (2) Isusubo na lamang niya, kapag alam niyang gusto mo pa, ibibigay pa niya sa'yo. (3) Sapat sa gastusin, nguni't kapag may gusto ka, hahanap ng paraan para lang maibigay sa'yo. (4) Pagod sa mga pinagkakaabalahan, pero aasikasuhin ka pa. (5) Pagiging ina at ama. Pagsaabayin nya iyan kung kinakailangan. (6) Ayaw ka niyang nasasaktan, kaya lahat sasaluhin niya para sa'yo. (7) Minsan, kahit alam niyang mali ka, ipagtatanggol ka pa din niya at ipagmamalaki. Marami pang mga bagay maliban dito ang makapagsasabing siya ang bayani ng buhay natin. Ang ating mga ina.

Oo, lumaki ako sa paligid ng mga babae. Kaya siguro mailap ako sa mga lalaki. Pero mula noon, ninais kong magkaroon ng kuya. :) Pero wala, ako ang nagsilbing ate.


This is Xizs (right). We've been friends since birth. Way back in Highschool, ako ang ma-sleeveless na bata at si Mish ang batang 't-shirt'. Ako ang mahilig sa heels, skirt and shorts while Mish e yung mahilig sa pants, snikers at laging naka-pig tail. Pero as Colleges approaches, parang nabaligtad na ang lahat. HAHA. Mas naging kikay na siya kaya't mukha na akong boyish kapag katabi ko siya. For me, God sent her para maging kapatid ko. Yeah! We're not sisters by blood, but by heart and soul. Ate kami ng isa't isa pero kadalasan, siya ang bunso. I'm so blessed for having her in my life. ♥ Kahit na minsan, krung-krung siya at moody.

And these are my FOREVER friends. From left to right: Major, my Soulmate; Tetoy, my Tatay; Mish, my Xizs; ang me. Kahit minsan napakabusy ng schedule, pinipilit at naghahanap kami ng time para magsama-sama. Minsan parang wala lang pero masaya na kaming magkakasama. Para ko na din silang mga kapatid. :)

My PORWAN Family. From left to right: Tetoy; Alpha, my Sizsy; me; Nhald, the Papa Jack; Mitch; Janna; Major; Mish. Moment with them is BLISS.


Choms and Tatay. :))


Tammy, my Babes. ♥

Dumating ang College, mas lalong nadagdagn ang pamilya ko. mAs lalo kong narandaman na sibrang mahal ako ni DaddyLord dahil binibigyan Niya ako ng mga taong hindi ako iniiwan. Mga taong sa saya o lungkot, ay nandiyan para damayan at pasayahin ang lahat.



Abegail, my Mamei; (me); Eunice, my Darling/ Cici; and Milgred, our Bunso.

Ito ang mga girlfriends ko. Nakakatuwang iba't iba kami ng personalidad pero nagkasundo-sundo kami. Tulad ng ibang pagkakaibigan, marami din kaming napagdaanang di pagkakaunawaan. Marami din ang sumubok sa aming pagkakaibigan. Marami ang nagtangkang paghiwa-hiwalayin kami -- mga tao o pangyayaring sumubok sa tatag ng aming samahan. Hindi kami tulad ng mga typical na magkakaibigang nagkukunsintihan at nagbobolahan. kung panget ka, sasabihin yan sa isa't isa sa harap mo hindi habang nakatalikod ka. At sa pagkakaibigang ito, nakatagpo ako ng maraming ate. :)

Apat na taong pagkakaibigan pero tila dati na kaming magkakakilala. Sabi nila, sa kolehiyo, bihira ka nang makahanap ng mga tunay na kaibigan. At sa nangyari sa akin? Napatunayan kong mali yun. Dahil sa hanggang ngayon, magkakaibigan pa din kami. Iba iba man kami ng tinahak na daan, hindi pa din namin kinakalimutan an isa't isa -- na kahit kailan, hindi mangyayari.

My ACER- MOA Family



From left to right: Kuya Frederick (Boss Fred), Kuya Jeovanni (Ang Kilabot), Jennifer (Baby Jen), Ma'am Lhet (Ms.Bulilit), Arian/ Buboy (Tingting/ Mr.Apetton), Jasmine (Mami Jaz).

My first job is in Acer Mall of Asia. Instant, may pamilya ako. Meron akong Mommy, may Ate, may little sis, may mga Kuya, at may parang Tatay. Hindi nila ako nakakaligtaang paalalahanan. At kahit mas bata ako sa kanilang lahat, hindi nila ako inisahan. Tinulungan nila ako. at kahit maikling panahon lang ang nailagi ko, naging pamilya na kami. Naging malapit na kaming lahat sa puso ng bawat isa. Kahit may mga bagay na nakapagpapalungkot sa akin, nakakalimutan ko mga iyon dahil sa kanila. Hindi natatapos ang araw na walang tawanan. At kahit na marami kaming napagdaan sa kamay ni Kamote, masaya pa din kaming nag-aalaskahan. Maswerte ako, dahil sa kanila ako napunta. :)

Ang pamilya ay hindi lamang ang binubuo ng nanay, tatay, kamag-anak at mga anak. Maaari mong makita ang isang pamilya sa mga kaibigan, kapit-bahay o katrabaho. At ako, ang pamilya ko malaki, masaya at apaw ang pagmamahalan. At alam ko, ang pamilyang ito ay lalaki pa ng lalaki sa pagtuloy kong paglalakbay at pagtuklas sa buhay.