Mga walang kwentang salita na binigyang buhay ng nagwawalang emosyon. Isigaw ang itinatagong damdamin. samahan n'yo akong lumipad sa magulo at maaligagang mundo
Showing posts with label Kwentong Ewan. Show all posts
Showing posts with label Kwentong Ewan. Show all posts

Monday, May 13, 2013

Tayo: Big Word.

Ikaw At Ako.

May ikaw at ako, pero walang tayo. Umaasang meron pa, pero sadyang hindi na mababago. Maraming kumento ang mga kaibigan. May nangangaral, tamang nagpapayo lang, nakikisipatya kuno, may galit na sobrang apektado, at merong 'ah.. okay.'
  1. Wag daw magsasalita ng tapos, dahil wala daw nakakaalam ng pwedeng mangyari sa hinaharap.
  2. Malay mo kayo pa din sa huli, kailangan nyo lang magkahiwalay para sa sinasabing 'growth' at 'maturity.'
  3. Hayaan na. Ibig lang sabihin na hindi kayo para sa isa't isa.
  4. Wag sumuko. Malay mo, binubuo niya sarili niya para din sa'yo.
  5. Hayaan mo lang mapagod ang sarili mo, hihinto ka din.
  6. Tanggapin mo ng wala na.
  7. Wag maging tanga. Madaming pwedeng ipalit.
  8. Sabi ko na eh, pare-parehas lang sila.
  9. Hay.. sayang.
  10. Kung mahal mo pa, ipaglaban mo.

Oh well, papel. Sana lahat ng bagay pwedeng gawing batayan ang pagmamahal. Pero hindi. Sana sa lahat ng pagkakataon pwedeng gawing rason ang pagmamahal. Pero hindi. Sana sapat na pagmamahal na lang... period. Pero hindi.

Pero paano nga kung kayo pala talaga tapos sinukuan mo lang. Paano kung may pag-asa pa pala pero hindi mo na sinubukan. Paano kung babalik pa talaga pero hindi mo na hinintay. Paano?

Marami ang takot, kaya marami din ang malungkot. Takot bumitaw kahit yun na ang dapat gawin. Takot daw masaktan ulit, pero sa ginagawang pag-iwas doble ang sakit na nararamdaman. Self-inflicted pain.. hindi ba pwedeng self-inflicted kilig na lang?
 
Mayroong iba na todo ipaglaban na baka sila pa din talaga. Kasi daw single pa din kayo pareho. Pero kasi, may mga pagkakataong tayo na lang ang nagpapaasa sa sarili natin. Mga sarili na lang natin ang pumipilit, pero sa kahit anong anggulo mo tignan, wala na talaga eh.

Mayroon ding sobra ikulong ang sarili sa nakaraan, tapos mag-e-emote at magtataka na bakit ang tagal-tagal ng panahon eh nasasaktan pa din. Ang daming panahon ang sinasayang na imbes maging masaya, hinahayaan ang sarili na maging tanga. Mahalin natin ang mga sarili natin, para mahalin din tayo ng iba. Lahat naman ay nagsisimula sa mga sarili natin. Hanap tayo ng hanap sa iba, yun pala sa sarili lang natin makikita.

Mayroon din na halos isemento ang paligid, maproeteksyunan lang ang sarili sa sinasabing "hindi pwedeng emosyon." At mayroon din namang okay ka na, moved on ka na, pero ang mga tao sa paligid mo ang hindi maka-move on sa nangyari sa'yo. Pamilyar na tayo sa linyang: "Paano ka namin matutulungan kung mismong sarili mo ayaw mong tulungan." Pero sana alam din natin ang linyang: "Paano ko lubusang matutulungan sarili ko kung yung mga taong gusto akong maging okay, ay hindi naman naniniwalang pwede akong maging okay." Konting kibo't kilos, iuugnay at iuugnay sa mga bagay na hindi naman na dapat. Friends, move on, move on din pag may time. :) Nakaka-jejemon. Jejeje.

Oo, hindi naman madaling makalimot sa mga bagay na napasaya ka. Pero kasi, hindi naman dapat kalimutan 'yon. Nakaraan mo 'yon.. sabihin man nating hindi naging maganda ang resulta, eh marami ka namang babauning aral. Ang mahalaga ay makita mo ang saya sa sakit, ang ngiti sa mga luha, at aral sa mga pagkakamali. Naalala ko yung nabasa ko noong isang araw, "Kung nadapa ka ng siyam na beses, bumangon ka ng ika-sampung ulit."Okay lang umiyak, basta't alam mo kung kailan ka hihinto. Naramdamam mo mang hindi ka na buo, darating ang panahong mabubuo kang muli. Wala namang hindi nahihilom ng panahon.. basta't hindi mo hahayaang bulukin ka ng sakit. At kasama ng lumilipas na panahon, gumawa ka ng paraan para tuluyang mawala ang langib. Minsan mas magandang hindi mo lagyan ng band aid, makakahinga yung sugat.. mas mabilis gumaling.
 

(Larawan mula sa google.)

Kalma. Hindi Naman Ako Nagmamadali.

Pangarap kong tumanda.. at may ka HHWW. Pa-sway-sway pa kahit masakit na ang buto-buto. Sabi ko nga, sana buhay pa si Willie Revillame at ang "pang masa niyang programa sa tv" para makasali sa Will of Fortune kapag kulubot na balat at bingi na ako. Pipilitin ko ang asawa ko kahit yun pa pag-awayan namin. Madalas kasi yung segment na ang contestant eh yung mga 50 years ng kasal at magkasama pa din. Pangarap ko yun. Pangarap kong may kasamang tumanda. Pangarap kong ikwento sa mundo ang istorya ng pag-ibig ko. At pangarap kong mayakap si Will, mabigyan ng jacket, makita sa tv, at sabihing.. "Sa mga kapit-bahay ko dyan.. ARTISTA NA AKOOOOOO!!"


Etong boss ko, halos araw-araw kami tanungin kung bakit wala kaming boyfriend. Tinatanong kung anong tipo namin sa lalaki. Bale tatlo kaming babae sa opisina na kinukulit ni Sir. Sabi ni Angie, gusto daw niya sa singkit. Sabi naman ni Aileen, gusto niya sa lalaking lalaki ang dating. Ako naman.. gusto ko, sa tingin pa lang eh.. mabango na. Tapos sabi niya, irereto daw niya kami sa mga construction worker sa gumagawa sa baba ng building namin.

Naalala ko pa, lagi kaming over time dahil sa dami ng dapat tapusin. Maski sabado pumapasok kami. Noong nakaluwag luwag kami, tuwang tuwa si Sir. Linya niya, "Good! good! Buti yang di na kayo nag-o-ot. Gusto ko hindi lang kayo puro trabaho. Pano kayo magkaka-boyfriend nyan kung lagi kayo may ot. Hindi na kayo pabata. Maganda yung may inspirasyon kayo. Nakakaganda din yun sa outcome ng trabaho. Sa Sabado, mag-mall kayo.. maghanap kayo ng lalaki."

Yung lalaki kong bestfriend, inuusisa na din ang lovelife ko. At ang conclusion nya sa akin, bagay daw sa akin eh seaman. At ngayon pa lang daw, sinasabi na niyang mahihirapan ako kaya simulan ko na manligaw. Ligawan ko na daw si Racini. Aba eh ayoko. Sa ganung bagay eh makaluma pa din ako. Gusto ko yung nililigawan at sinusuyo. Tapos sabi ng bestfriend ko: "Confirmed! Mahihirapan ka nga. May tendency kang tumandang dalaga. O kaya matanda ka na mag-aasawa."

Noong nagsisimula nang pag-usapan ang pag-aasawa, sabi ko pag 25 na ako, gusto ko kasal na ako non. Eh ngayong 23 na ako, para atang nagmamadali naman ako masyado noong sinabi ko yun. Halos dalawang taon na lang ang dadaan eh ni boyfriend wala ako. Hala ka!
Tuwing may gala o kitaan, lagi akong tampulan ng asaran na wag akong sumama kapag wala akong kasamang boyfriend. Sweet ng friends ko no. Superb!

Choosy. Mataas ang standard. Tibo. Manang. At kung anu-ano pa. Ang dami ng hinuha ng mga kaibigan at kakilala. Marami pang mas excited pa sa akin. Pero kasi hindi naman pumapasok sa isang relasyon para lang masabing meron kang karelasyon. Hindi naman nakakainip at nakakalungkot, kasi sobrang ang daming nagmamahal sa akin. Hindi naman din ako nagmamadali, naniniwala ako na lahat ay may kanya-kanyang perfect timing. At balang araw masasaksihan ng buong bansa pati ng may TFC subscribers.. na nag-eexist pa din ang happy ever after.

(larawan mula sa google.)

Tuesday, April 9, 2013

Dalawang Taon Na Kami.

Matagal-tagal na din ang dalawang taon, kasi sa panahon ngayon mas marami na ang bumibitaw. Pero syempre may mga dahilan yan, at may mga dahilang hindi mo maiintidihan. Dalawang taon na ang lumipas, andyan pa din siya para sa akin, kahit sa mga panahong hindi ko man siya pinapansin. Noong nag-uumpisa pa lang kami, ang saya saya ko na kahit nakukumplikaduhan ako sa kanya, eh andyan siya palagi para sa mga kwento kong alam kong balewala lang sa iba. Dalawang taon, na kahit parang kinalimutan ko na siya, ay palagi lang siyang nandiyan kapag binabalikan ko siya.

Hindi ko namalayan na matagal-tagal na din pala akong nagba-blog. Alam ko namang hindi ko talaga mundo ito. Hindi ko naman hanap ang maraming followers o mambabasa. Hindi ko din naman hiling na makilala ako mabigyang papuri sa mga nilalagay ko dito. Wala lang! Siguro kapag magkagalit kami ng papel at ballpen at kailangan ko lang magdaldal, ito ang paraan ko. At madalas kasi, nacha-challenge ako kapag may mga nagre-request na temang pwedeng i-blog. At nakakataba ng puso kapag nagugustuhan naman ng mga nagbabasa at lalo kapag nakakatulong na pala ako. Salamat po.

Nahihiya ako kapag pinapakilala akong "blogger", dahil alam ko namang hindi. Sa tingin ko kasi, hindi porke may account ka sa blogger, tumblr, wordpress o sa kahit ano pa mang site, e matatawag ka ng blogger.

Sa pagkakatanda ko, grade 2 pa lang ako ay nahilig na ako sa panitikan.  Kaya tuwang tuwa ako kapag nagpapabigkas ang guro namin ng kung anu-anong tula hanggang sa nagsusulat na din ako, grade 4 ako noon. Mas nahasa ako sa wikang Filipino dahil noong grade 5 ako, 'yon ang lenggwaheng mas pinahubog sa akin lalo nung naging isa ako sa mga naging manunulat sa paaralan namin. Kung ang karamihan ay nagbabasa ng English dictionary, ako naman ay nagbuburo ng oras kakabasa ng Tagalog dictionary. At sa tuwing may mga salita akong gusto  kong matandaan, gumagawa ako ng tula.

Highschool,  pinasok ko na din ang essay at maikling kwento. Alam kong hindi din naman ako matatawag na magaling. Sadyang naging hilig ko na lang din siguro.

Marami ang nagsasabing may "gift" daw ako. Kaya eto, kaya pala siguro nandito ako. Gusto kasi ng bestfriend ko na dalhin ko dito ang sinasabi niyang gift ko. Hehe! Pero pagkatapos ng isang taon, bibihira ko na lang silipin ito... bumabalik pa din kasi ako sa first love ko -- sa lapis at papel.


Dalawang taon na kami.. At bakit paniking aligaga? Korni ang dahilan pero dahil sa gabi ako maraming naiisip na isulat. Na minsan sa sobrang dami, puro lang intro. Hehe. Ayoko lang din gamitin yung pangalan ko, para merong konting pag-iisip kung sino ba ang nasa likod ng pangalang walang kadating-dating. ☺

Isasabuhay ko isa sa mga araw na ito ang mga bitin kong naisulat sa notebook ko. ☺Madalas kasi kapag may plano akong magdagdag ng kung anu-ano, nauuwi ako sa pagbabasa. At nakakalungkot na ilan sa mga nasa blog roll ko eh nagsiwala na din. :(

Dalawang taon, walang kasiguraduhan kung masusundan pa ba ng isa pang taon. Baka oo, baka hinde. Pero sigurado akong magsusulat pa din ako, kahit tatlo na lang kaming nakakaalam.. ang lapis.. ang papel.. at ako.

Friday, December 30, 2011

Hindi Na Ako Tatamarin Next Year!

Hindi na ako papatay ng ipis. Hindi na ako magnanakaw ng tingin sa magaganda't gwapo. Hindi na ako iinom ng alak. Hindi na ako sisinghot ng rubgy, acetone, pentel pen, papel na bagong xerox lang sa copy trade o kili-kiling amoy deodorant.
Hindi na ako iiyak. Hindi na ako masasawi. Hindi na ako aasa. Hindi na ako maghihintay. At higit sa lahat, hindi na ako magmamahal.
Magpapakatatag na ako dahil sa bagong taon, makikilala n'yo ang bagong ako. At para makumpleto, magpapaiksi ako ng buhok para new look na din. Ay teka, pakalbo na kaya?
Panigurado sa pagpasok ulit sa eskwelahan, ipapasulat sa mga estudyante kung anu-ano ang kanilang New Year's Resolution. Minsan may required na bilang pa.
1. Hindi ko na dadaldalin ang katabi ko para di ako malagasan ng barya.
2. Hindi na ko papasok ng maaga dahil matutukso lang akong makipaglaro sa mga kaklase ko ng Moro-moro.
Naku, dalawa pa lang. Kailangan ko pa ng tatlo. Isip!
3. Magtitipid na ako para may maipon at makabili ng stationary.
4. Sa bahay ko na gagawin ang homework ko, hindi na sa school lalo pa't habang sinasabi ni Teacher na, "Pass your homework, class!".
Resolution. Solution. Resolve. Improvement. Changes.
Ano ba ang dapat kong baguhin? Ano ba ang dapat kong iresolba? Ano ba ang problema? Ano ba ang New Year's Resolution para sa'yo? Gumagawa ka ba nyan taon-taon? Anong nangyare? Bakit ka gumagawa no'n?
New Year's Resolution ay isang commitment ng tao sa kanyang sarili na gawin ang isang bagay para ikabuti ng kanyang sarili. Isang gawain na kalauna'y maaaring maging habit mo na.
Alam ko na ang problema ko..
HINDI AKO GUMAGAWA NG NEW YEAR'S RESOLUTION.
Bakit? Kasi naniniwala ako na hindi lang sa Bagong Taon dapat gawin ito. Kfine. Hindi nga naman ito tatawaging NEW YEAR'S Resolution kung hindi ito gagawin sa Bagong Taon. Ako, Year End Reflection ang nangyayari sa akin. Kung anong mga pagkakamaling nagawa ko sa buong taon, kung anong mga pagsubok ang nagbigay sa akin ng aral, mga pangyayari at mga taong nagturo sa akin o naging dahilan ng pagiging ako ngayon, mga bagay na dapat bitawan at hindi na dalhin pa sa susunod na taon. Siguro para sa iba parehas lang ito, ayoko lang siguro nung thought na parang pipilitin mo baguhin ang sarili mo 180 degrees, na alam mo namang hindi ganoon kadali. Eh?
Kung gusto mong may baguhin ka sa sarili mong alam mong ikagaganda ng pagkatao mo, bakit sa tuwing matatapos na ang taon? Bakit kung may gusto o hindi na gawin, hindi mo ginawa kahapon? O noong nakaraang buwan? Kasi ngayon mo lang naisip? Sana may Everyday Resolution.
Tapos ka man o hindi, kapag sinabing pass your paper, kailangan mong ipasa!
5. At syempre, hindi na ako magiging pasaway. Lagi kong susundin ang aking magulang: "Itigil mo yang reso-resolusyon, hindi mo naman nagagawa!"

Tuesday, December 27, 2011

Para Sa Babaeng Magmamahal Sa'yo.

Darating ang panahon at may mamahalin ka ulit. Pwedeng magkakausap pa tayo 'non o pwede din hindi na. Alam ko maraming pwedeng pumalit sa akin sa puso mo. At sa tagal din ng pinagsamahan natin, alam ko na may mga bagay ka pa din hahanap-hanapin. Sa bago mong alaalang gagawin, alam kong may pagkakataong may gusto kang balikan. At dahil iba na ang papel na ginagampanan ko sa buhay mo, nais ko sanang ipabasa mo ito sa taong mamahalin ka tulad o higit pa sa naparamdam ko sa'yo.

*****************

Hello. Hindi naman na dapat pang sabihin ito. Pero kung sakali, pwede itong makatulong para dyan sa minsang nag-iisip bata na mokong na yan.

1. Hindi yan marunong mag-gupit ng kuko niya. Kaya madalas maglalambing yan para lang gupitan mo siya. Ayaw niya ng pudpod at ayaw niyang ginugupitan yung bandang gilid.

2. Maarte yan sa umaga. Gusto niya breakfast in bed. At kung pupuntahan mo siya, gusto niya na pagkagising niya, nakatabi ka na sa kanya pati ang pagkain. Kung bibili ka, masaya na siya sa chicken at spaghetti ng Jollibee tapos pineapple ang drinks. Kung magluluto ka, gusto niya may sabaw at kung pwede, longganisa fried rice ang kanin. Hindi siya mahilig sa isda, pero kung paghihimay mo siya, keri na din.

3. Hindi siya pala-mall. Madalas nasa bahay lang siya.. matutulog, kakain, at papanoorin ang mga DVDs niya. Kaya wag mo siya kukulitin palaging mag-mall.

4. Paborito niyang manood ng NBA. Wag istorbohin kapag may laro. Lakers ang paborito niyang team at si Kobe ang idol niyang NBA player.

5. Minsan na lang maglaro ng basketball yan, kaya manood ka ng laban nila. Pagdalhan mo siya ng bimpo at pamalit. Mahilig magpatuyo ng pawis yan e.

6. Palautot yan. Wag mapipikon kung pilit niyang ipapaamoy sa'yo ang 'mabango' niyang utot. Sasaluhin niya sa kamay niya ang utot niya at ilalagay sa ilong mo mismo ang kamay niya. Sweet, di ba?

7. Kung iinom kang kasama siya, okay lang malasing. :) Sweet siya mag-alaga.

8. Keep him updated. Kahit hindi siya nagre-reply sa text mo dahil sobrang mag-aalala yan.

9. Kapag bad mood siya, wag mo siyang pilitin maging okay agad. Tabihan mo lang siya kahit hindi ka magsalita, kapag medyo maayos na mood niya, siya mismo kakausap sa'yo.

10. Gusto niya kapag nagbe-baby talk ka. Pero wag O.A..

11. Kapag may problema siya, hindi niya yan sasabihin. Just do the goldfish and monkey face. Plus the bulate dance. :)

12. Gustong-gusto niya ng yakap, lalo kapag matutulog na.

13. Hilutin mo ang tuhod nya, o kaya'y himasin mo ang mata niya para makatulog siya.

14. Pasaway yan kung minsan, magda-drive kahit nakainom.

15. Always be ready. Mahilig yan sa mga sopresa.

16. Hindi palainom ng gamot kapag may sakit, kaya lagi mong paalalahanan.

17. Isa sa mga gusto niyang ginagawa n'yo: Magkwentuhan. Masarap siya ka-kwentuhan. Maglalakbay ka sa mga salita niya.

18. Hindi siya marunong magtupi ng mga damit n'ya. Aakalain mong marurumi lahat ng damit, kaya ipagtupi mo siya. ☺ ☺

19. Laging sumasakit sikmura n'yan, kaya pagdala mo siya lagi ng gamot. (Kremil-S)

20. Kapag binigyan ka niya ng regalo, asahan mong matagal niyang pinag-isipan at pinagtanong yan.

21. Masarap siya magluto ng pasta at monggo.

22. Okay lang na ma-late siya, pero wag kang male-late. HAHA!

23. Wag maging pikunin, madalas pilyo yan.

24. Mahilig siya sa pork lalo kapag may taba. Hinay! Mabilis sumakit batok n'yan.

25. Laging mong itanong kung kamusta ang araw niya. Iparamdam mong lagi kang nand'yan para sa kanya.

26. Mahalin mo ang mga magulang at mga kapatid niya. Sobrang mapagmahal siya sa pamilya.

27. Moody siya. Madalas isasalpak lang niya earphones niya. Hawakan mo lang kamay niya hanggang maging okay mood niya.

28. Ipakilala mo siya sa lahat. Ipagmalaki mo siya. ☺ Yun kasi ang hindi ko naiparamdam sa kanya.

29. Nakawan mo siya ng kiss. Kahit sa kamay, sa noo, o sa pisngi. Ngingiti yan.

30. At syempre, lagi mong sabihin at iparamdam kung gaano mo siya kamahal. Hindi siya magsasawa kahit paulit-ulitin mo pa.


*****************

Sa kahit anong paraan o dahilan ng pagpapaalam, masakit pa din pala ito.






Ito na talaga siguro ang huling pagpapaalam ni Lisa kay Jordan.



Wednesday, December 14, 2011

The Boat is Sinking.

Halos isang taon ang lumipas. Isang taong madaming pagbabago. Natutunan ko ulit maging masaya sa kabila ng mga di magagandang nangyari. Maraming masasayang alaala ang nabuo. Maraming di inaasahang pangyayari ang naganap. Maraming bagay ang gumulat na nagmulat muli sa akin na ipagpasalamat ang lahat na mayroon sa kasalukuyan.
Isang ordinaryong araw. Nakakulitan bigla ang isang ka-eskwela noong hayskul. Ito nanaman - biglaan, hindi inaasahan - bakit ang hilig ko sa ganitong eksena?
Araw-araw. Hindi makukumpleto ang araw na hindi siya nakakausap. Napapangiti na niya ako sa di ko mawaring dahilan, napapasaya. Naririnig ko na lang minsan ang aking sarili na kinukwento siya sa aking mga kaibigan. Nawawala ang kunot sa aking noo kapag nadidinig ko boses nya. Kwentuhang hindi na namin napapansin ang oras. Alam ko, gusto ko siya. At matapos ang mga di kasiguraduhan sa buhay ko, ngayon lang ulit ako naging sigurado ulit. Siya si Kevin, ang lalaking di ko inaasahang magtuturo sa akin magtiwala muli.
Sweet kami sa isa't isa. Masaya kami. May 1st month, 2nd month, 3rd month at 100 days. Nararamdaman ko ulit yung kilig, yung ngungiti mag-isa, yung magmahal ulit. Oo, gusto ko siya maging boyfriend. Gusto ko maging kami. Hanggang di inaasahang nagkita kami ni Jordan.
Masaya akong nakita ko ulit si Jordan. Maganda ang nabuo naming pagkakaibigan kaya siguro wala kaming ilangan sa isa't isa kahit pa naghiwalay kami bilang magkasintahan. Nasundan ang pagkikita ng isa at dalawa pa. At sinabi niyang gusto niya akong bumalik sa buhay niya. Hindi ako nakatulog noong gabing 'yon. Matagal kong hiniling na bumalik sa akin si Jordan. Ang tagal kong naghintay na dumating ang araw na ito. Alam ko wala ng dapat timbangin, wala na dapat piliang mangyari pero sabi ng isang kong kaibigan, kung gusto ko talaga si Kevin kailangang putulin ko ang koneksyon ko kay Jordan lalo ngayon sa sinabi niya. At kung bumalik man ako kay Jordan, masasaktan ko si Kevin na nagpasaya ulit sakin. Binigyan ko ng oras ang sarili ko makapag-isa. Hinanda ko ang sarili ko sa kung anong pwedeng mangyari matapos ang desisyon ko. Sinabi ko kay Kevin na kailangan ko mag-isip, pero di ko binanggit ang tungkol kay Jordan.
Mabilis na lumipas ang araw. Naging abala na din ako sa trabaho na halos di ko man lang magawang mag-text. Halos di na din nagpaparamdam si Kevin. At patuloy ang panunuyo ni Jordan.
Naglambing ako kay Kevin, ng paulit-ulit pero parang wala. Kapag nakakapag-usap kami parang mauuwi lang sa pagtatalo, sa tampuhan. Anong nangyari? Kasalanan ko ba ito? Hiniling ko makapag-isa ng maikling panahon para sa aming dalawa. Maging sigurado na kaya ko na ulit ibigay ng buo ang sarili ko. At ngayong handa na ako, anong nangyari? Gusto ko ibalik yung dating kami na hindi naman ganun katagal na nawala. Naluluha na lang ako kapag naiisip kong ako din ang may kasalanan ng mga nangyayari.
Napag-uusapan na namin ang tungkol sa aming dalawa dati pa, kaya alam kong gusto din niya ako. Patuloy ko lang sinuyo at nilambing hanggang sa nalaman kong nagkabalikan sila ng dati nyang kasintahan.Hindi ito ang inaasahan ko. Hindi ako handa na ganito ang mangyayari.
Pinili ko siya, pero hindi ako ang pinili niya. Gaano kasakit yun?
Nangyari ang gustong-gusto mong mangyari, ang bumalik ang pinakamamahal mo pero naka-move on ka na, gaano kalungkot yun?
Di naman siguro sadya ang nangyari, kaya tinanggap ko kahit masakit. Gusto ko maging bitter, pero para san?
Panibagong sugat, na kahit hindi ganun kalalim ay mag-iiwan pa din ng marka.


Tuesday, December 6, 2011

Maskara.

Matagal na buwan na mula nang wala kaming usap ni Jordan. Hindi na din kami nagkikita. Ang maganda naming samahan ay isa na lamang magandang alaala. Tinuturuan ko nang tanggalin sa sistema ko ang lagi siyang kasama, Ganun na din sina Marco at Ramon.

"Busy ka?"

Isang text mula kay Jordan. Yan ang bumungad sa umaga ko. At dahil kilala ko siya, alam ko na kung saan tutungo ang tanong na yan. Nag-reply ako at tama nga ang nasa isip ko. Pinapapunta niya ako sa apartment niya. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil aaminin ko, na-miss ko siya. Pero paano nga ba ako makaka-move on ng tuluyan kung lagi na lang akong hindi makatanggi sa mga ganitong aya niya. Maghapon kaming nag-ayaan, laging sagot ko hindi ako papayagan. Hanggang inabot kami ng ala-sais ng gabi.

Nanaig ang katigasan ng ulo ko. Kahit hindi ko alam kung paano pumunta sa bagong nilipatan niya, umalis pa din ako kahit madilim na.

Habang nasa byahe ako, nag-text bigla si Ramon.

"Baby, palit na ulit tayo ng status sa facebook?"

Tatanggi pa ba ako? Kung totoong kami nga, isang malaking kasalanan ang gagawin kong pagpunta kay Jordan. Sumagot akong 'okay' at hindi na nasundan pa ang usapang iyon.

Sinundo ako ni Jordan sa isang convenient store malapit sa apartment niya. At doon nalaman ko kung bakit gusto niyang may kasama.

Paika-ika akong nilapitan ni Jordan. Oo, may pilay siya. Medyo nilalagnat pa. Okay, nurse ako sa gabing ito.

Casual. Nilapitan niya ako, inakbayan at nakwento siya. Nakinig lang ako, hindi umiimik. Ang normal sa kanya lahat. Parang walang nasaktan, walang nakasakit, walang umiyak, walang nagpaalam. Normal. Casual. Ganyan kami habang magkasama.


Naitanong ko bigla sa sarili kung tama ba talagang andoon ako. Kung usapang kaibigan, tama bang andoon ako?

Napaisip nanaman ako - nalilito. Pero ayoko lamunin ng isip ko ang puso ko, ng puso ko ang sistema ko. Kailangan kong mag-ingat. Pero naramdaman ko, na-miss din niya ako, na-miss niya kami. Niyakap ulit ako ng kahapon. Masaya pero alam ko, tulad ni Cinderella, bukas ay balik na ulit sa katotohanan.

Habang tulog siya, nagtatalo ang isip at puso ko. Marahil nga't na-miss niya ako pero hindi ibig sabihin nun na mahal pa din niya ako - tulad ng pilit kong pinapaniwala sa sarili ko. Marahil mali nga ako't andoon ako, kaya dapat hindi na ito maulit, Marami akong pinanghahawakan sa aming dalawa, marami kaming alaalang hindi mabura-bura, at maraming mga pangakong nananatiling nakalutang . Paano nga ba ako makaka-move on kay Jordan?





********
Kaunting sulyap sa istorya ni Lisa at Jordan --> BASAHIN. :)

Monday, December 5, 2011

Let's Play Who Wants To Be Serious?

Not everything is as it seems. Maraming nag-aakalang in a relationship ako. Maraming nag-aakalang masaya na ulit ang mga mata ko. Maraming nag-aakalang totoo ang lahat ng nakikita o hindi nila nakikita. Akala nila totoo ang mga bagay na 'pinaniwala' namin sa mga tao. Ang hirap gumawa ng isang larong hindi ka naman bihasa.

Ang daming nagtatanong kung paano naging kami ni Ramon. At sa t'wing tinatanong kung kamusta kaming dalawa o kung talagang totoo ba, hindi ko masabi ang totoo - joke, trip. Ang madalas na sagot ko, pang-artista, ang ngumiti. Ang hirap gawing panloko ang emosyon. Maraming tao ang alam kong natuwa, na ang iba halos magtatatalon sa tuwa nang malamang in a relationship kami 'kuno'. Ganun lang nila talaga kagustong magkatuluyan kami.

Para sa mga nakakaalam ng totoong sitwasyon namin ni Ramon, sinasabi nilang gawing totoo na lang. Pwede daw maging daan 'yun para makalimutan namin ang sakit na nararamdaman namin sa mga ex namin. At para mabigyang daan ang kagustuhan ng marami. Parang artista lang. Oh, no!

Ayong isakripisyo ang pagkakaibigang mayroon kami. Ayokong dumating yung panahong magkailangan kami. At hindi ko pa pala nasasabi, dating kasintahan ni Ramon ang dalawang malalapit kong kaibigan. Alam ko kahit 'in good terms' sila, mayroon at mayroong ilang factor pa din. At ayokong maging ganun kami ni Ramon. Tama na ang nakaraang nagkagusto kami sa isa't isa. Okay na yun. Ayoko ng dungisan ang maganda naming samahan.


Tulad ng ibang istorya, laging may kontrabida. O kaya yung mga taong 'nagmamalasakit'. Nakita daw nila si Ramon na may ibang kausap na babae. Kung kami man ni Ramon talaga, alam kong hindi dapat pagselosan ang ganung kababaw na dahilan. Hindi lang naman ako ang babaeng pwede niyang kausapin. Hello? May nagsabi ding hanggang ngayon nilalandi pa din ni Ramon ang ex niya. At ang nagsabi nito sa akin? Ang isa pang ex niya. Ang saya saya nila.

Naglabasan ang mga tunay at 'di ko tunay na kaibigan. Hindi ako nagalit sa kung ano pang nalaman ko kay Ramon. Niyayanig lang ng maraming tao ang pasensya ko sa tulad nilang ayaw makakita ng masasayang tao. Alam ko na kahit sa walong taon naming pagkakaibigan, marami pa din akong hindi alam sa kanya. Pero hindi ito sapat para basta basta na lang manira ng kapwa.

Bahagi man ng pagkatao mo ang iyong nakaraan, hindi naman ito batayan upang husgahan mo ang isang tao. Binago ka man ng ilang pangyayari sa iyong buhay, pero wala tayo sa lugar para sabihin kung tama o mali ang naging desisyon niya.

Lumipas na ang isang buwan. At kahit hindi ako totoong girlfriend ni Ramon, sa mga nangyari sa isang buwan na 'yon.. ang hirap din pa lang maging boyfriend siya. At kung siya ang lalaking ako.. ang hirap ko pala maging girlfriend.

Thursday, December 1, 2011

Totohanan Na Ba?

Mas naging aral at paalala sa akin ang nangyari sa amin ni Marco. Ang bawat matatamis na salita ay hindi dapat basta bastang kinakagat. Nguni't dumarating minsan sa buhay ang isang larong akala mo'y kaya mong laruin. Pumapasok ka sa isang sitwasyong akala mo'y basta basta mo malalabasan.


Hiniwalayan ako ni Jordan. Pingalaruan ako ni Marco. Parang walang tinirang emosyon sa akin ng mga pangyayari. Parang nagiging tulad nila ako.



Si Ramon - ang lalaking ako. Halos walong taon ko na siyang kaibigan. At halos walong taon na din kaming tinutukso sa isa't isa. Nagkakagustuhan naman talaga kami, pero mas matindi ang salitang kaibigan sa'ming dalawa kaya siguro ganito lang kami.



June5 - Hindi ko alam kung anong trip ko at trip nya kung bakit kami napunta sa isang dare. Maging kami sa isang social networking site. Hindi ko na alam kung nag-isip ba ako.



June7 - Lisa Montealegre is in a relationship with Ramon Oreta.



Hindi ko alam kung anong drugs ba tinira ko't pumayag payag ako. Siguro, for fun? Humakot ng komento ang pangyayaring yun. Maraming natuwa, maraming nagulat. At maraming gusto makakita ng patunay. Patay! Hindi na namin alam kung paano patayin ang sunog na ginawa namin.



June9 - Hiwalay na si Marco at ang girlfriend nya.




June10 - Nakatanggap ako ng text galing kay Jordan na nagsasabing congrats. At hindi na siya nag-reply pagkatapos non.



Doon ako bigla natauhan. Dahil alam ko, mali ang ginawa naming dare na 'yon. Pero naisip ko, sana kahit konti, nasaktan si Jordan na malamang may kunwaring bagong boyfriend na ako. At ganun din si Marco, maramdaman niyang hindi lang siya ang kayang maglaro. Ang sama ko lang!



Lumipas ang mga araw na parang kailangang panindigan ang ginawa naming 'yon. Sinubukan, oo. Pero ni ang isiping hawakan ang kamay ni Ramon na may malisya, hindi ko magawa. Parang kung sakali, para kaming magkapatid na naglalambing lang sa isa't isa.

Wala ng paramdam. Unti-unti nanamang nawawala ang mga bagay na nasanay ka na. Parehas na hindi nagparamdaman sa isa't isa. Pinakiramdaman ko, at alam kong pati din siya, kung may mangyayari ba.. kung may pag-asa ba.. hanggang sa may isa sa aming naglakas loob na alamin kung ano nga ba.

........

Swerte Ko, Malas Mo.

Ako si Lisa. Isang babaeng, tulad ng iba, hinahangad na makilala ang kanyang prinsipeng mamahalin siya hanggang sa huli. Na kahit ilang beses nang nasaktan ay patuloy pa ding magmamahal hanggang sa dumating ang taong hihilom sa pusong nabihag sa lungkot ng nakaraan.


April30 - araw kung kailan una kong makausap si Marco. 'Di inaasahan. Biglaan. Tamang kulitan at kwentuhan. Hanggang sa naging araw-araw na. Naging bahagi na ng sistema naming dalawa. Walang sawang pag-uusap na inaabot ng gabi hanggang kinabukasan. Nauso ang endearment na BEB. Mas naging malalim at lumalim pa when one started to care, at nang sabihin ni Marco na mahal na niya ako. Gusto kong maniwala. Pero noong mga panahong 'yon alam kong mahal ko pa si Jordan. Gusto kong maniwala na totoo lahat, at gusto kong maniwalang pwede ko siyang mahalin. Pero hindi.



Naging masaya ako nung dumating si Marco. Pero hindi sapat yung saya na 'yon para masabi kong mahal ko na din siya. Hindi sapat yung saya para matabunan yung sakit at pagmamahal ko kay Jordan. Nag-iingat lang din ako. Galing lang ako sa masakit na paghihiwalay at nasa proseso ako na pagalingin ang sugat. Ayoko namang hayaan ang sarili kong masaktan ulit. Alam ko hindi pa ito love, pero gusto ko siya at masaya ako.






Nakilala ko kapatid nya, ang tatay nya at mga kaibigan niya. Inaaya nya ako sa isang resort sa Antipolo kasama ng mga kaibigan niya. Gusto kong sabihing oo, pero parang may pumipigil sa akin na hindi ko alam kung ano. Kaya ang laging sagot ko, "I'll try!".



May31 - May mali, alam ko! Nararamdaman kong nawawala na siya.



June1 - Marco is in a relationship.



Gusto kong umiyak non. Gusto kong magalit pero hindi ko alam kung kanino. Bakit ganon? Habang sinasabi ba niyang mahal niya ako, may iba din siyang sinasabihan nito? Muntik na akong maniwala. Muntik na akong madala. Muntik.



Swerte ko, malas mo. Swerte ko dahil hindi ako nagpadala sa pekeng pagmamahal mo. Malas mo, hindi mo nabilog ulo ko. Salamat pa din. Dahil naging masaya ako. O nasasabi ko lang na masaya kasi alam kong malungkot ako.



Swerte ko, malas mo.. siguro ng dahil na din kay Jordan.


Monday, November 28, 2011

REALationship



SUMMER: We're just friends.

TOM: No, don't pull that with me! Don't even try! This is not how you treat your friend! Kissing in the copy room? Holding hands in IKEA? Shower sex? Come on! Friends my balls!

SUMMER: I like you, Tom. I just don't want a relationship.

TOM: Well, you're not the only one who got to say on this, I do too. And I say we're a couple, goddammit!

***************


Akala mo kayo pero hindi. Halik dito, halik doon. Holding hands dito, holding hands doon. Yakap dito, yakap doon. Lahat na nagawa n'yo na maliban sa isa.. ang magsabihan ng mahal n'yo ang isa't isa.

Ang kumplikado, pero bakit marami pa din ang nasa ganitong relasyon? Kung relasyon nga ba itong matatawag. Mas convinient? Uso o napapanahon? O dahil sa dahilan ng marami..


NO EXPECTATIONS, NO DISAPPOINTMENT!
Ang labo naman. Pwede kang magalit, masaktan, magtampo, mainis pero wala ka sa posisyon o wala kang karapatan para sa mga damdaming iyon. Parang laging kailangan okay kayo, na okay sa'yo lahat. So, are you saying that I can't complain even when I'm hurting? Deserve mo ba yun?

No US. No WE either. Only ME and YOU. May love pero wala kayong label. There are no guarantees. No future plans. You just go with the flow. But your pain is real. And it's self-inflicted so why complain?

Meron pang rules rules yung iba. Sabi pa, just follow the rules and you'll survive somehow. Oo, hindi mo mapipigilan ang emosyon mo, hindi mo pwedeng pigilan ang pwedeng maramdaman mo, pero pwede mong pigilan ang gagawin mong actions. Kumbaga may limit. May boundaries.

Paano kaya nakakatagal ang mga taong nasa ganitong sitwasyon. Hindi kaya nila naiisip na parang nasasayang lang lahat oras, emosyon, panahon at pag-ibig. Hindi ba nila naiisip na kung ang nilalaan na oras nila sa ganitong sitwasyon ay ginagawa na lang nila para sa ikabubuti ng mga sarili nila para sa taong handang ibigay ang commitment na deserve nila. Bakit kailangan mag-stick sa ganitong relasyon kung alam mo din namang hindi magtatagal?

Takot. Takot. Takot.

Lagi na lang yan ang dahilan ng marami. Sino bang hindi takot? Hindi ba mas nakagagaan ng loob kung mayroong taong takot din pero kakayaning harapin ito para sa'yo? Yung taong hindi sasayangin ang pagmamahal mo. Yung taong alam ang pinagkaiba ng love sa lust. Yung taong hindi ka hahayaang mawala kahit na sinasabing "marami namang iba dyan." Yung taong masasabing KAYO. Yung taong alam mong magtatagal. Yung taong kahit may mgadisappointments yayakin ka pa din, tanggap ka pa din, mahal ka pa din.

Almost, but not quite.

Huling Bagsak





Mahirap magpaalam. Lalo sa bagay na inakala mong hahawakan mo ng matagal.


Mahirap magpigil ng luha. Lalo't nasabi't naiwaksi mo lahat ng niloloob mo ng matagal.

Mahirap pigilang hindi isipin ang mga alaala. Lalo na ang mga bagay na hindi mo inaasahang maalala pa.

May gaan sa pakiramdam. Kahit malabo pa ang nakikitang daan. Alam ko maraming makaiintindi. Alam ko marami din ang hindi. Pero sapat na ang intindi ng magulang. Sapat nang malaman na hindi lang sarili ang kakampi.

Salamat sa lahat ng nakilala.

Salamat sa lahat ng umunawa.

Salamat sa aral, pangaral at pagpuna. Mas nalaman ang lakas at kahinaan na dati'y akala ko ay wala.

Salamat sa naging kaibigan na sana'y patuloy na maging kaibigan kahit hindi na magkakasama.



Wednesday, July 13, 2011

Inlab. LABo. laYO. Part II

Ang pagpapatuloy...


Gabi. Umuulan. Isang ordinaryong araw na tatatak sa isip ko.

"Hi!"

"Hello!:)"

"Kamusta ka?"

"Ayos lang! Ikaw?!

"Okay lang din."

"Good to know you're okay. Hows your day, baby?"

"We need to talk!"

"We're talking, aren't we?"

"A real talk, I mean."

"Ano ba 'to, joke?"

(yamot...)

"Hmm.. matagal ko na 'tong pinag-isipan..."

"Ako din, ang dami kong napag-isipan lately.."

"Really? About what?"

"About us. :)"

"So, ikaw din pala."

"Yeah! Ayoko na ng ganito, baby..."

"Ayoko na din.. Kaya napag-isipan kong friends na muna tayo."

"Whhaa-whaaaattt? What do you mean by that?"

"Friends. No committment. But we could still hang-out together. And besides, sabi mo naman, ayaw mo na din ng ganito. Ang gulo na.. ang labo na."

"Right! Ayoko na ng ganito tayo, so I was thinking of making things new again. Aayusin natin.. SANA. Magsisimula ulit tayo. Pag-uusapan ang mga dapat pag-usapan."

(silence...)

"Mahal mo pa ba ako?"

"Oo naman. Hindi naman na mawawala yun."

"Gaano kamahal?"

"Hindi ko na sigurado..."

"Kailan pa?"

"Medyo matagal na."

"Ng hindi ko alam? Sana sinabi mo sa akin para hanggang ngayon sigurado ka pa. Para alam ko ngayon kung paano ako lulugar..."

"Ayokong masaktan ka!"

"Tengene naman! Ano feeling mo ngayon.. nagtatatalon ako sa tuwa?"

"Sorry... Ang gulo ko na din kasi. Kailangan ko ayusin sarili ko."

"Okay.."

Okay? At iyon lang ang nasabi ko? Seryoso? Well, oo. Yun nga lang ang nasabi sa dinamiraming gusto kong sabihin, okay lang ang naging ending. Ganun natapos ang gabi naming pareho --sa salitang okay. Hindi ako umiyak at hindi ko nakita o nalaman kung naiyak ba siya. Parang ang gaan ng lahat.

Helllllloooooooo?! wala nang "kayo!"

Yan ang paulit-ulit na nadidinig ko. Oo na.. Oo na!!

Kinabukasan, wala na akong kiss sa noo o beso man lang. Wala nang kumikindat o pabirong bumabatok sa akin. Anyare? I thought I was just dreaming last night. :( Then and there, tsaka ko naramdaman yung sakit. Nagsi-sink in na lahat. Gusto kong sumabog, gusto ko magwala at mainis sa sarili ko kung bakit okay lang ang nasabi ko.

"You look so sad. What happened?"

"Naiihi kasi ako. Samahan nyo nga ako sa CR."

"Di nga??"

"Sa CR na please? Di ko na kaya magpigil e.."

At habang naglalakad sa hallway.. umiiyak ako. Ayoko talaga ng ganung eksena. :/

"Ano ba nangyare sa'yo?"

"Wala na kami! :'("

(shocked...)

"For real? BAKIT???"

"Hindi ko alam. Hindi ko na alam. Ang sakit pala. Ang sakit sakit!"

Bakit kapag nanliligaw, kailangan ng matinding approval para maging kayo. Kailangan mutuan decision palagi. Pero bakit kapag hiwalayan na, kahit isa lang ang magdesisyon, kahit ayaw mo, mag-aapprove ka. Not fair. :(

*************************

Mula noon, ninamnam ko ang sakit. Hinayaan kong makita siya na unti-unting lumalayo, habang ako nakahawak pa din sa nakaraan. Nasaksihan ko kung paano siya bumubuo ng bagong mundo na hindi na ako kasama, samantalang ako, hindi ko maiwan iwan ang mundong kasama siya. Nakita ko siyang tumawa habang ako, hirap na hirap ngumiti. Sulong siya ng sulong samantalang ako, palubog nang palubog. Walang too late sa pagmamahal, kaya gagawin ko ang lahat --lahat-lahat-- para mabawi ko ang pesteng okay na yun, kahit alam kong marami nang nagbago. Name it! Lahat ginawa ko. Isa na lang ang hindi.. ang bitawan at palayain ang sarili ko. Nag-iiinom ako at nalasing. Alam ko namang hindi mababago ng pag-inom ko ang katotohanan, inililihis ko lang yung pag-iintindi ko sa nararamdaman kong sakit. Sa pagsakit ng ulo o ano pang epekto ng alak, nakakalimutan kong broken hearted pala ako.. kahit sandali.


Umaga, tanghali, gabi... hindi ko na napapansing lumilipas ang araw. Nagtago ako sa madilim kong kwarto. Hinayaan kong pasayahin ako ng ibang tao dahil nakakasawa ang pakiramdam na malungkot. Ngiti dito, ngiti doon.. pero makikita pa din malungkot ang mata ko. Hanggang nagpakalayo ako, dala ang mga katanungang hindi ko masagot sagot. Pero minsan, sa mga pagkakataong hindi mo inaasahan, sinasagot ka na lang ng Diyos. Binibigyang linaw Niya ang magulong mong utak.

Linggo. Huling misa ng araw na iyon. Umupo ako sa bandang gitna. Madalas, mag-isa lang naman ako magsimba. Tumitig ako sa altar at naluha. Para akong kinausap ng Diyos. Kinausap Niya ang puso ko. Nawala lahat ng bigat sa dibdib ko. Ang simple lang naman ng sinabi ko:

"Lord, yakapin Mo akong mahigpit. Tulungan po N'yo akong tanggapin na ang lahat. Bigyan Mo po ako ng mas malawak na pang-unawa. Ipaalala Mo po sa aking malaki ang mundo at maraming bagay ang pwede ko pang mapagdaanan, na mas mabigat pa dito. Give me strength po. Hindi ko po ito kayang mag-isa. Alisin N'yo po ang tapaho sa mga mata ko."

Ang weird ng feeling pero parang nag-iba ang aura ko. Lumalabas-labas na ulit ako kasama ang mga kaibigan ko. Nakikipaghalubilo na ako, nakikipagkaibigan. Sabi nila, kapag gumagaling na ang sugat mo, nangangati na ito. Ayun, nangangati na ako. JK! :))

Kung gaano kami katagal naging magkarelasyon, ganun din halos katagal para matanggap kong tapos na kami. Na hindi na siya babalik. Na may iba na siya. Pinuno ko ng tao ang paligid ko. Mga luma at (lumang) bagong tao.. yung malayo sa kanya. Posible pala yung ikaw ang tinuturing niyang ngayon at bukas niya pero sa isang iglap, magigising ka na lang na ikaw na ang kahapon niya. Ang minamahal, naging minahal; ang nagpapasaya, naging nagpasaya; ang nakakasama, naging nakasama. Naging past tense na ang lahat.. naging past ka na niya. Masakit ituring na nakaraan ang taong turing mo'y ang iyong kasalukuyan at kinabukasan. Para lang din kayong nabubuhay sa magkaibang panahon. Pero ngayon.. tanggap ko na. Tanggap ko na ng buong-buo. Yakap na yakap ko na ang katotohanan.


Tanggap ko ng siya at ako ay isa na lang bahagi ng nakaraan. Isang nakaraang lipas at ngayo'y kumukupas. Tanggap ko ng ang forever naming dalawa ay matagal nang natapos. Tanggap ko ng ang mga pangako namin sa isa't isa'y isa na lamang mga salita, walang ng buhay at unti-unti nang nabubura. Tanggap ko ng hindi na kami ang prinsepe at prinsesa ng isa't isa. Maaaring ako lang ang naging daan para makilala niya ang tunay na bida sa knayng istorya. Isa na lang ako sa mga tauhang kaming dalawa ang bumuo. Tanggap ko ng ang tangi ko na lang pinanghahawakan ay mga alaalang inaanod na ng panahon. Tanggap ko ng hindi na iisa ang tibok na aming mga puso. At hindi na din ako ang magiging dahilan ng pagbilis ng pintig ng puso niya. Tanggap ko ng isa na lang kaming alaala. At sa kabila ng ilang sakit, nagpapasalamat pa din ako na naramdaman kong magmahal, mahalin.. at iwan.


Ipagpapatuloy...