Sinasadya ba o hindi? Walang choice o sadyang yun lang ang pinili? Takot panagutan pero ang lakas at ang kapal ng mukha para takbuhan na lang. Mayroong bumabalik dahil sa konsensya, mayroon din naman na hindi ata tinubuan kahit ng hiya. Hahabulin mo pa ba? Hahayaan na lang ba? May galos at daplis lang ang dala. Mayroon din namang agaw-buhay na. Kung kikidlatan bawat taong ewan mo ba kung anong trip sa buhay kundi manakit, malamang sa malamang kahit gabi, nagliliwag ang langit.
Alam mo yung feeling na ang sweet nyo sa isa't isa, sineryoso mo, pero laro lang sa kanya? Yung feeling na tinuring ka niyang other half niya, naniwala ka, pero pa-fall lang pala siya. Yung pakiramdam na kayo, pero hindi lang official, e yun pala ganun din siya sa iba. Pakiramdam na may pagkakaintindihan kayo pero may takot lang sa pwedeng mangyari, tapos bigla-bigla, may iba na pala. Yung pagkakataong ayaw mong maniwala, tapos nung naniwala ka na, bigla ka na lang iiwan. Yung feeling na ang saya-saya mo na tapos isang iglap mawawala na lang ng wala man lang pasabi o paalam. Ang saya no? Ang sarap magdiwang. Dalawa kayong nagsimula, pero ngayon mag-isa ka na lang.
Akala mo iba siya. Akala mo magtatagal kayo. Akala mo seryoso siya. Akala mo totoo ang lahat. Akala mo sincere siya. Akala mo sa'yo lang niya sinasabi at pinaparamdam ang lahat. Akala mo puti, pula naman pala. Akala ko kasya yun pala hindi. Akala ko tama yun pala mali.
Akala ko alam ko na ang lahat ng dapat na malaman, nguni't mali na naman. Pero okay lang yan, wag kang matakot na baka magkamali. Walang mapapala kung 'di ka magbabakasakali. Dahil lumilipas ang oras baka ka maiwanan kung hindi mo susubukan. ☺
Ah eh kung sa usapang damdamin, hindi ba pwedeng sigurado? Pero ang sabi-sabi sa balita, ang damdamin sadyang paiba-iba. Kasi ang damdamin binubuo ng emosyon. E alam naman nating maraming emosyon ang naramramdaman sa mundo. E baka nga hindi mo pa nararamdaman yun lahat. Pero hindi sapat na dahilan para mang-iwan na lang ng basta-basta. Na matapos na mapaibig mo ang isang tao, bibitawan mo na lang, na minsan walang paapaalam. Masakit malamang nagbago ang nararamdaman mo sa isang tao, walang magaan at walang hindi nakakasakit na paraan. Nguni't, hindi tama na takbuhan mo na lang ito. Hindi tama na maglalaho na lang na parang bula. Maging patas ka.
Ang pag-ibig minsan parang hit and run, kapag hindi kayang panindigan, tatakbuhan ka na lang. Badtrip no? Pero ikaw ba hindi mo yun nagawa? Sadya man o hindi sadya?
No comments:
Post a Comment