Ang saya siguro maging wrestler, no? Hindi ko mapapalampasmga episode sa WWE kahit sinasabing scripted lang naman ito. At kahit ayoko ngmga muscles na OA sa paningin ko, fan ako. :)
**********
Marami ang nagsasabing unfair daw ang mundo pagdating sababae at lalaki. E nasan nga ba ang equality? Dati dapat ang lalaki angnagtatrabaho, ang babae dapat nasa bahay lang-- nag-aalaga sa pamilya,nananahi, gumagawa ng mga gawaing bahay. Minsan nga hindi na pinag-aaral kasinga naman, pag-aaralin pa e kung ang gagawin lang naman nya habambuhay e sabahay lang, buburuhin ang sarili sa cross stitch at pagluluto. E kaso iba nanga ngayon. Kaya nang makipagsabayan ang mga babae sa mga lalaki. Alam mo yan!Pero wag ka naman masyadong literal.
Sabi ng mga lalaki, unfair daw na nasasabihan silang bekikapag umiyak. E sino ba nagsabing bawal umiyak? Hindi masamang umiyak, masamakung pipigilan mo yan. Kaya maraming namamatay dahil sa sakit sa puso e. Hindikabaklaan na ipakitang nasaktan ka. Tao ka e, may emosyon. Hindi sa lahat ngoras kailangang ipakitang malakas ka, kasi lahat naman ng tao, may kahinaan.
Sabi nila, off daw kung babae ang manligaw. E ako, kungmanliligaw man ako, sa babae hindi sa lalaki. :)) Anyways, hindi naman masamangipakitang may nagugustuhan ka. So, paano, iintayin na lang ng babae yungtorpeng lalaki? Masasabihan agad na malandi ang babae kapag unang nagpakita ngmotibo. Hindi ba unfair yun?
Kapag ang lalaki nambabae, okay lang kasi nasa nature daw ngmga lalaki yun. E ang babae kapag nanlalaki, halos tapakan buong pagkatao modahil sa nagawa mo. Bat ganun?
Ang babae lang nagkaka monthly period. MONTHLY. E ang lalakiisang beses lang tuliin. At ang pagtutuli sa lalaki ay nakakatulong pa sapagkalalaki nila. E ang babae, pag tinuli, tuwing sinisipingan sila.. masakit.Fair ba un?
*Oh yes. You read it right. May (mga) bansang tinutuli angmga babae. Para lalaki lang ang makaramdam ng pleasure sa intercourse nila ngasawa niya.
Sa LRT o sa bus, mabigat pa sa loob mong may paupuin kangmatanda o babae. Hindi naman sa nagpapaka superhero, pero hiluhin ako kapagmatagal na nakatayo. Pero kapag alam kong may mas lakas ako, magpapaubaya akosa upuan. Kasi ganun naman talaga di ba? Bigayan. Pero badtrip minsan. Ang damikong dala-dala, malayo pa bababaan ko pero lahat ng lalaki nakayuko. Wa pakelssa beauty ko. BADTRIP! Tas may sumakay na maputi, maganda, pa-demure, walangsabi-sabi ang ganda ng pagkakaupo niya. Pouch lang naman ang dala-dala niya.
Bat ganun? Nagiging sukatan ng pagiging babae ang katawan?Kailangan sexy, C cup pero tatlong dangkal lang ang bewang. Kfine. Di akoC cup, 26 ang bewang ko. At di ako ang babaeng nililingon.. tinititiganlang. :D HAHA. Bwisit!
E sino ba namang makakatanggi sa balingkinitan ang katawan?E baka nga gustuhin mo pang kandungin. Ano pa kung ganito:
Sige. Magpigil ka!
Alam nyo ba kung bakit may mini skirts? plunging neckline?Kasi dun nakakakuha ng pansin ang mga babae. Kasi masyadong makasalanan angmata ng mga lalaki. Kasi yun ang kahinaan nyo. Hindi papansin ang mga babae,strategy yun. *Wink! LMAO.
Aminin mang hindi ng mga lalake, mas mapanghamak sila sakatawan kesa sa mga babae. Kaya sobra kung kumita ang mga magazine gaya ng FHMat Maxim, dahil laman ng mga pahina nito ang mga babaeng na-overdose saairbrush at retouch. At ang mabentang magazines na pambabae? Mga magazines nanatuturo kung papaanong magpapayat. Swerte ko lang na hindi ako tabain kahitnakaka 5 extra rice ako. Oooopppss!
Kaya sa mga lalake, wala namang problema kungpag-lawayan ninyo si Megan Fox, Angelina Jolie o kung sino pang mga babae na looks lang naman ang laban, Ok lang rin ang constructivecriticism. Pero tandaan ninyong ilagay niyo lang sa patas ang lahat: Bagoniyo i-criticize ang kulay ng kutis ng babae, isipin ninyo kung makinis kayo.At bago ninyo punahin ang laki ng boobs, isipin ninyo na pinupuna rin namin anglaki ng etits niyo. HELLO!
**********
Hindi kakulangan sa pagkalalaki na gawin ang karaniwangginagawa ng mga babae. Pansinin mo, kapwa lalaki mo lang din ang pumupuna sakilos mo.
Sa usapang date. Taas-taasan ang ego kapag hindi lalaki angnagbayad. Tse! Pa-impress ng pa-impress e sino ba nagsabing kayo magbayad?Pwede namang hati. Wag ipilit ang di kaya. Ikaw lang din naman mahihirapan.Buti pa ako, sa teresa lang, solb na ako. :D LOL. 60 pesos may tatlong extrarice at masarap na ulam na. Yez!
Wala namang nagsabing magpanggap ka. Maging totoo ka lang.Naduduwag ka kasing mahusgahan. Wag paapekto kung di naman totoo. yun langnaman, yun di ba?
May mga matatapang na lumalabas sa comfort zone nila. Nanag-eexperiment. Na gumagawa ng mga bagay na iba sa karamihan. Kumabaga satermonolohiya ng tao, weird. O sa sinasabing mga normal, e mga abnormal. Fairba yun?
Babae man o lalaki, parehas lang tao. Parehas lang maykakayanan, parehas may emosyon at pakiramdam. Parehas marunong mag-isip atgumawa ng desisyon. Ang mahirap lang, may ibang sumusunod lang sa anino ng iba.Anino ng mga mapanghusgang mata at mga kaisipang sarado sa katotohanang pataslang tayo.
No comments:
Post a Comment