April 15, 2011 -- A day to remember specially to my friends who took 5-year course in College. And that made me one-year graduate. :O Tagal na din pala. Hahaha. What will be your life after you graduate? Ako? 5 months naghahanap ng work, then 5 months haggard sa work at ngayon, halos isang buwan nanaman akong BUM -- tambay sa bahay. Naisip ko, mas masarap pala grumaduate sa High School. Kasi pagkatapos noon, mayroon ka pang sigurading daang daraanan -- ang Kolehiyo. Pero ang buhay matapos ang College Graduation, ikaw na mismo ang gagawa ng daang daraanan mo. Ikaw na ang bahala sa mundong gusto mong galawaan. Mahitap, oo. Sa bagong mundong ito, hindi ka na pwedeng mangopya. :P Ang mundo na mismo ang classroom mo, at ang mga karanasan mo ang magiging guro mo. At para sa mga kaibigan kong nagtapos sa taong ito, Mabuhay sa totoong mundo, at binabati ko kayo sa inyong pagtatapos.
Major E. Cervantes
BS Civil Engineering
PLM 2011
April 16, 2011 -- At syempre hindi mawawala ang kainan. :) At sa kainang ito, nagkaroon ng 'mini-reunion'. After lunch, sa Jobson, Cainta ang naging destinasyon namin, sa tahanan ng Pamilya Gerado. Masaya nanaman kami. Ganyan talaga siguro kapag kasama mo ang mga kaibigan mo. Hindi mawawala ang kantahan ( kahit KJ ako dahil hindi ako kumakanta. HAHA! ) Tatlong rounds ng Pinoy Henyo. Boys vs. Girls, na may score na 4-4 :P YAHOO! Salamat kay Grace na nakapagpanalo sa girls.
At 9pm, sa tahanan naman ng mga Aniciete. :) I so love this day. ♥
No comments:
Post a Comment