Mga walang kwentang salita na binigyang buhay ng nagwawalang emosyon. Isigaw ang itinatagong damdamin. samahan n'yo akong lumipad sa magulo at maaligagang mundo

Monday, April 11, 2011

Happy and Contented.

What is a happy family? May tatay, may nanay, mga anak -- sama-sama sa iisang bahay, masayang namumuhay at walang away. Kung yun ang depinisyon mo ng pagiging isang'happy family', ibig sabihin malungkot ang aking pamilya? Dun kayo nagkakamali. Hindi man tayo magkasing depinisyon ng 'happy family', sinisigurado kong masaya ako sa kung anong meron ako. :)


Ito ang aking pamilya. Masasabing kulang, nguni't punung-puno ng pagmamahal. Lumaki ako sa puder ng aking ina. Tulad ng iba, single parent siya, dahil ang aking ama ay may pangalawa ng pamilya. Hindi ako nagtanong ng ano pa mang detalye sa bagay na ito, dahil sapat na sa akin na mga pinapadama ng aking ina. Mayroong mga pagkakataong magkakaburyahan kami sa isa't isa. Mga ilang araw na walang pansinan, mga pagsasagutan o mga di pagkakaunawaan, pero sa kahit na anong bagay sa mundo, hindi ko siya ipagpapalit. Naalala ko noon, kapag tinatanong ako kung sinong matuturing kong bayani, nanay ko ang sinasagot ko. :) Sino ba namang hindi maituturing na bayani ang kanyang ina?

(1) Gigising ng maaga para magluto nang sa paggising mo, may kakainin ka na at baon sa eskwela. (2) Isusubo na lamang niya, kapag alam niyang gusto mo pa, ibibigay pa niya sa'yo. (3) Sapat sa gastusin, nguni't kapag may gusto ka, hahanap ng paraan para lang maibigay sa'yo. (4) Pagod sa mga pinagkakaabalahan, pero aasikasuhin ka pa. (5) Pagiging ina at ama. Pagsaabayin nya iyan kung kinakailangan. (6) Ayaw ka niyang nasasaktan, kaya lahat sasaluhin niya para sa'yo. (7) Minsan, kahit alam niyang mali ka, ipagtatanggol ka pa din niya at ipagmamalaki. Marami pang mga bagay maliban dito ang makapagsasabing siya ang bayani ng buhay natin. Ang ating mga ina.

Oo, lumaki ako sa paligid ng mga babae. Kaya siguro mailap ako sa mga lalaki. Pero mula noon, ninais kong magkaroon ng kuya. :) Pero wala, ako ang nagsilbing ate.


This is Xizs (right). We've been friends since birth. Way back in Highschool, ako ang ma-sleeveless na bata at si Mish ang batang 't-shirt'. Ako ang mahilig sa heels, skirt and shorts while Mish e yung mahilig sa pants, snikers at laging naka-pig tail. Pero as Colleges approaches, parang nabaligtad na ang lahat. HAHA. Mas naging kikay na siya kaya't mukha na akong boyish kapag katabi ko siya. For me, God sent her para maging kapatid ko. Yeah! We're not sisters by blood, but by heart and soul. Ate kami ng isa't isa pero kadalasan, siya ang bunso. I'm so blessed for having her in my life. ♥ Kahit na minsan, krung-krung siya at moody.

And these are my FOREVER friends. From left to right: Major, my Soulmate; Tetoy, my Tatay; Mish, my Xizs; ang me. Kahit minsan napakabusy ng schedule, pinipilit at naghahanap kami ng time para magsama-sama. Minsan parang wala lang pero masaya na kaming magkakasama. Para ko na din silang mga kapatid. :)

My PORWAN Family. From left to right: Tetoy; Alpha, my Sizsy; me; Nhald, the Papa Jack; Mitch; Janna; Major; Mish. Moment with them is BLISS.


Choms and Tatay. :))


Tammy, my Babes. ♥

Dumating ang College, mas lalong nadagdagn ang pamilya ko. mAs lalo kong narandaman na sibrang mahal ako ni DaddyLord dahil binibigyan Niya ako ng mga taong hindi ako iniiwan. Mga taong sa saya o lungkot, ay nandiyan para damayan at pasayahin ang lahat.



Abegail, my Mamei; (me); Eunice, my Darling/ Cici; and Milgred, our Bunso.

Ito ang mga girlfriends ko. Nakakatuwang iba't iba kami ng personalidad pero nagkasundo-sundo kami. Tulad ng ibang pagkakaibigan, marami din kaming napagdaanang di pagkakaunawaan. Marami din ang sumubok sa aming pagkakaibigan. Marami ang nagtangkang paghiwa-hiwalayin kami -- mga tao o pangyayaring sumubok sa tatag ng aming samahan. Hindi kami tulad ng mga typical na magkakaibigang nagkukunsintihan at nagbobolahan. kung panget ka, sasabihin yan sa isa't isa sa harap mo hindi habang nakatalikod ka. At sa pagkakaibigang ito, nakatagpo ako ng maraming ate. :)

Apat na taong pagkakaibigan pero tila dati na kaming magkakakilala. Sabi nila, sa kolehiyo, bihira ka nang makahanap ng mga tunay na kaibigan. At sa nangyari sa akin? Napatunayan kong mali yun. Dahil sa hanggang ngayon, magkakaibigan pa din kami. Iba iba man kami ng tinahak na daan, hindi pa din namin kinakalimutan an isa't isa -- na kahit kailan, hindi mangyayari.

My ACER- MOA Family



From left to right: Kuya Frederick (Boss Fred), Kuya Jeovanni (Ang Kilabot), Jennifer (Baby Jen), Ma'am Lhet (Ms.Bulilit), Arian/ Buboy (Tingting/ Mr.Apetton), Jasmine (Mami Jaz).

My first job is in Acer Mall of Asia. Instant, may pamilya ako. Meron akong Mommy, may Ate, may little sis, may mga Kuya, at may parang Tatay. Hindi nila ako nakakaligtaang paalalahanan. At kahit mas bata ako sa kanilang lahat, hindi nila ako inisahan. Tinulungan nila ako. at kahit maikling panahon lang ang nailagi ko, naging pamilya na kami. Naging malapit na kaming lahat sa puso ng bawat isa. Kahit may mga bagay na nakapagpapalungkot sa akin, nakakalimutan ko mga iyon dahil sa kanila. Hindi natatapos ang araw na walang tawanan. At kahit na marami kaming napagdaan sa kamay ni Kamote, masaya pa din kaming nag-aalaskahan. Maswerte ako, dahil sa kanila ako napunta. :)

Ang pamilya ay hindi lamang ang binubuo ng nanay, tatay, kamag-anak at mga anak. Maaari mong makita ang isang pamilya sa mga kaibigan, kapit-bahay o katrabaho. At ako, ang pamilya ko malaki, masaya at apaw ang pagmamahalan. At alam ko, ang pamilyang ito ay lalaki pa ng lalaki sa pagtuloy kong paglalakbay at pagtuklas sa buhay.

No comments: