Mga walang kwentang salita na binigyang buhay ng nagwawalang emosyon. Isigaw ang itinatagong damdamin. samahan n'yo akong lumipad sa magulo at maaligagang mundo

Wednesday, May 11, 2011

Hey! Happy Birthday!

Twenty first birthday ni Mitchy (May 7), at hindi namin pinalampas iyon ng basta-basta!

Dahil ayaw niya ng typical na birthday celebration (cake, spaghetti, bonding sa bahay, etc.), iniba namin ng konti. Ang totoong dapat na gagawin namin ay by 10am, mag-uukay kami sa Anonas. Pero dahil alam kong puyat ako at ayokong magising ng maaga, hindi ako sumama.Pero dahil sa late notice lagi si Mish, kinailangan ko ding magising ng maaga dahil dumeretso from office si Tetoy sa bahay namin. 7:30am nasa labas na siya ng gate namin, habang ako, mahimbing pa sa tulog! Sorry Tets!

Next stop, Trinoma. Sabay-sabay kaming nag-Happy Hour sa StarBucks. Chocolate Cream Chip for me, Mocha Frap for Tets at hindi ko na alam ang iba.

Yes, at dahil sa birthday name na yan, binati ng mga barista si Mitchy.

Hindi maiiwasan ang may late, kaya habang naghihintay, alam mo na, picture taking!

Ang walang tulog na si Tetoy.

The PSP King, Borgy!

My Girlfriends. ♥

After Happy Hour, its Mitchy's treat sa Sebastian's. It was my first time na makatikim ng Frozen Yakult. Kaya talagang memorable. ☺


Natatakam ka ba? HAHA. You must try it. I'm sure you'll gonna love it. Lalo na sa mga tulad kong mahal na mahal ang Yakult! Sulit ang bayad. Sulit ang pagpunta sa Trinoma.

My Xizs. Bitin pa ata siya.

Chomz. Simot sarap ang lalagyan.

Janna. Enjoying FroYa.

Me. Loving it! ♥

The EHEM. Hmm..

At syempre, the Birthday Girl. ☺ Ibang flavour yung kanya.

After Trinoma, we decided na magBookay Ukay sa UP VIllage. OMGosh! How I wish may ganito akong kwarto. Isang kwartong punung-puno ng mga libro.

Book lovers kami.

Hindi ako magkandaugaga sa pagtingin ng mga libro. Gusto ko lahat iuwi. ☺ Pero dahil sa init ng panahon. nawala din kaming lahat sa mood na mag-stay pa. Kaya sugod na kami sa UP Campus para sa isaw at masarap na suka! Yummy!





At habang tinitignan ko ang mga larawang yan, naglalaway ako. HAHA. Ewan ko ba kung bakit sarap na sarap ako sa isaw at tenga. Ikaw ba?

Umuwi kaming masaya kahit walang heavy meal na kinain. Napakasaya ng araw na yun para sa aming lahat. HAppy Birthday, Mitchy! Hindi man ito kasing kakaiba na birthday celebration, alam ko naging masaya ka kasi kami ang kasama mo! ☺☺

Pero ang totoo, mas napasaya mo kaming lahat! ♥ Ikaw ang isa sa mga taong malaking impluwesya sa buhay ko. You deserve all the good things from God. And I know, inuulan ka na ng blessings dahil napakabait mong tao. You're such a beautiful person inside and out. Alam ko, kahit hindi ko yan sabihin e alam na yan ng maraming tao. Happy Birthday! ♥

I love you, Michelle Lopez Alvarez!
XOXO.

No comments: