- All of us are princes and princesses, so act like one. Pahalagahan mo sarili mo, kasi bago ang iba, ikaw dapat ang unang magpapahalaga at magmamahal sa'yo.
- Hindi basta-basta pinapasok ang isang relasyon. At ang isang relasyon at dapat hinahayaan kang mag-grow individually. Hindi dapat kayo naghihilaan pababa, bagkus ang inyongpagsasama ay nararapat na nagbibigay sa'yo ng inspirasyon para mas maging mabuti ka.
- Hindi ka pag-aari ninuman dito sa lupa, dahil unang una, ang buhay mo ay hiram mo lang sa Diyos. ☺
- Lahat tayo ay may kanya-kanyang prayoridad sa buhay, igalang natin yun.
If in case you want to try cooking empanada for your family and friends…
Below are the ingredients of Vigan Empanada.
Ingredients:
(For casing): rice flour, egg or longganisa, orange food color, water, oil (for greasing), oil (for frying)
(For filling): grated green papaya (blanched & squeezed with salt to extract bitter taste), parboiled mongo, salt, ground pepper (optional), monosodium glutamate (MSG), garlic, vinegar-chili dip. ☺
Last stop: Break Road.
I love souvenirs and I bought a lovely coin purse, bag and shirt na pumukaw talaga ng atensyon ko. And of because of my low budget, hindi ko iyon binili para sa sarili ko, kundi para sa mga kaibigan at sa mga taong naalala ko nun. Pero mas naging masaya ako nung nakita kong masaya sila sa binigay ko. ♥
Ten in the evening, we had our dinner at the park in front of the hotel. We had sex on the beach.
On the following day, we went to the Crisologo’s Museum. It was the house of the late Floro Crisologo. Sobrang laki. On the first floor, you’ll see his office and library. And on the second floor, there’s the living room, kitchen, master’s bedroom, children’s room, and the conference room. The appliances are antique that I want to try it. ☺ And oh, there’s a dressing room. Gosh! If I could just get all the dress and shoes, ang bongga!
Floro Crisologo was killed at the church of Vigan because of some political issues. The clothes he’s wearing the day he died is in his office, since it is now a museum. Pictures and articles about the incident is posted in the room. And while I was reading it, I got ghost bumps!
We also went to Sen.Chavit’s Baluarte. But since we have a limited time, we just tour the place.. di na namin masyadong inaliw mga sarili namin. Bitin! After almost 3 hours of driving, we’re in San Juan, La Union. Hooray! Stunned by the beauty of the place, I spent the afternoon just looking on the waves as it splashes on the shore.
7am of the 22nd of December, na-inlove ako sa alon . I had my first lesson on surfing, and my first time of wearing my two-piece. Tadah! ☺ I enjoyed my surfing lesson with Kuya Jericho though I don't know how to swim keme lang. :P I got bruises and scratches at the end of the day, but its all worth it.
" If you can't stand the pain,
don't play the game!"
2010 - April. Happy Fiesta Batangas!16 hours na paglalagalag at walang tulugan, with my girlfriends and their boyfriends. Ang hassle sa fx papuntang Batangas, nakakastress o dahil napipi lang ako dahil sa katabi kong walang pusong sinisiksik ako. Pero sulit sa pagod dahil pagdating namin sa bahay nila Kath, chibugan na! Pasyensya na, hindi ako gutom, matakaw lang talaga ako. Buti na lang din, di halata sa katawan. ☺
Ang sarap sarap sarap sarap tumira kina BFF. Hahaha ☺
Pagkatapos ng bonggang kainan, swimming. ♥ Hanggang tinanghali na kami. We also played patintero at bang-sak! Ang saya maging bata ulit. Habang ang ibang tao doon, maiingay dahil lango sa alak, kami maiingay dahil sa tawanan at asaran. Nang sumikat na ang araw, naisipan naming ikutin ang isla at namnamin ang dagat. Sumakay din kami ng bangka. Ako na ata ang pinaka-kabado sa lahat ng kabado noon. Pero nang nasa gitna na kami, nawala yun at pinalaruan ko pa ang tubig na maabot ko mula sa bangka.
Kahit mukang lupa yang buhanging yan, naenjoy namin. ♥
Bago kami gumayak, nilibot muna namin ang babuyan at manukan nila BFF. Nawindang ako sa 'simpleng pamumuhay' nila. Simula noon, iniiwasan kong sabihin na kami ay namumuhay ng simple, kasi baka parehas sila ni BFF ng meaning, madisappoint ko lang sila. HAHA. Kaloka kasi sa laki ang simpleng pamumuhay nila. Kahit araw-araw fiesta, kering-keri nila.
Ang saya saya nung makita ko ang manukan nila BFF. Katuwa lang. ♥
Ewan ko ba kung bakit takot ako sa pigs. :3
Tricycle ride ☺
At dahil nga wala kaming tulog, ayan, sa byaheng pauwi kami lahat bagsak! Sabog!
2010 - May. Summer Baby! ♥ San Juan, La Union again. Surf! Surf! Surf! ☺
Memorable ang summer trip na ito, na akala ko, doon na ako maninirahan. Umitim talaga ako ng bongga! OA sa pagkanegra.
Mahabang byahe nanaman papunta, kaya ang daming stop over, inat inat sa pagkangalay.
Dinner at Jollibee, NLEX
SBucks at NLEX.
3am, nasa San Juan, La Union na kami.
Wala pa kaming balak gumising lahat, pero nangungusap ang init ng araw sa bintana. Tinalo ang aircon. Sabog na sabog pa ang pakiramdam ko kaya naglakad lakad muna ako bago gumayak sa pamamalengke sa San Fernando, La Union. Ayy, ang panget man ng salubong ni Haring Araw sa akin, maganda naman ang pagkaka-good morning sa akin ng dalampasigan.
Nasa lobby ako nito ng hotel, at naatat ako bumaba.
Around 4pm, gora na sa beach. At syempre habang tulala ako sa alon, tinuruan muna si Xandra ni Kuya Jojo kung paano pumorma sa board. :))
It's my time to shine. ♥ Ready na ulit magpahampas sa alon at sa surfing board.
MaBOTEng usapan yan. Chos! ☺
Eto ang twist ng trip na ito, may sasabay pauwi ng Manila, kaya hindi na kami kakasya sa kotse. At dahil sabog ako at ewan ko ba kung bakit natripan ko din, from La Union to Manila, sa likod kami ng pick-up ni Xandra. Amats lang eno. Lakas! Pero masaya na din ako kasi andun lahat ng pagkaen, kaya habang ngarag sa byahe dahil sa hangin at alikabok, ngata lang kami ngata. Naubos nga ata namin ang 3 kilon manggang pasalubong dapat. HAHA. Ang ang chicha, puro balat na lang. Tuwing may stop over, nagugulat na lang makakakita sa amin na galing kami sa likod ng pick up. Akala ata Wow Mali. LOL.
Wag nyo nang asahang may glamour pa kaming dalawa pagdating ng Manila. Haggardness. Wooooo.
Eto kami pagdating ng Manila. Walang ayos ayos yan. Nahahalata naman di ba? At tingin nyo ba nakatulog kami nyan? OO. Habang hume-head bang kami sa tuwing may humps.
2011. Sinalubong namin ang bagong taon sa isla ng Pagupud. Oh! I love beaches.
Ang hirap pala mag-jogging sa buhanginan, no? HAHA. 5am, nagisina kami at sa sobrang lamig, naisipan nila tumakbo. Sama naman ako. Hahaha! Pero mas nanaig ang pagka-vain ko.
Bago pa man pala kami nakarating ng Pagudpud, dumaan muna kami kung saan saan. Mabait yung Manong jeepney driver na nakausap namin sa Laoag Airport, Sa Vigan lang byahe niya pero pumayag siyang ihatid kami sa Pagudpud. Para namin siya naging tour guide, kahit hindi ko masyado maintindihan sinasabi niya kasi sa salita nila siya nagsasalita, salitang Ilocano.
Laoag Airport
Bagui WindMill ☺ Ang saya saya, ang daming malalaking electric fan! lol.
Keychains & windmill (miniatures). Cutie. ♥
2nd day, pumunta kami ng Vigan. Naglibot kami, OA sa libot. Bumalik kami ng Baluarte at nagtagal na kami doon. Nagpunta din kami ng Laoag, at tinikman ang version nila ng empanada at ang inihaw na longganisa.
Bawat tricycle sa Vigan may ganito. Ang cool. Ang cute nila kapag nakapila. Tricycle ang hari ng lansangan sa Vigan.
Inihaw na longganisa
Okoy.
Alam nyo na ito. ♥ nomnomnom. Vigan Version
Laoag Version.
Masarap na alak daw 'to sa Vigan. Hindi ko natikman. Bumili ako ng gatas (cow head) habang sila umiinom niyan. Good girl e. :)))
Bukayo ba tawag dito? Basta kakanin ito. ☺
Ito ang pony na akala ko ikababali ng buto ko. Nakawala kasi siya at nalingat ang hinete. Sa pagiging pakialamera ko din kasi, nag-'tsk! tsk! ako ng malakas at nagsabi ng 'hooow'. Berigud naman ang pony kasi tumigil siya, pero nung nakita niya ako, hinabol niya ako at parang galit. :( Salamat sa mga taong natakot din at iniwan akong hinahabol ng kabayong 'to. Lahat na nilusutan ko para lang hindi niya ako abutan. Kabayo nga pala siya. HAHA! To the rescue si Manong hinete. o.O Huli man, naihahabol pa din.
Break Road. ☺
2011 - April. Holy week getaway with my crazy friends. Dapat Sagada talaga kami pupunta pero dahil sa ilang kadahilanan, hindi nakami natuloy doon. Pero hindi man kami natuloy sa Sagada, kasama pa din yun sa dapat mapuntahan ko/ namin. Na-blog ko na ang tungkol sa napakagandang lugar na yun. HERE! We went to Candelaria, Zambales. Beach naman. HAHA. Nag-stay kami sa Beach House ni Dok, at lumagalag sa Isla Potipot. ♥.♥ Ang tagal ng hang over na iyon. At ang tagal din ng sunburn ko. Hanggang ngayon, maitim pa din ako, nasunog pa pati labi ko. Babad e.
Namangka nanaman kami, oo, natakot nanaman ako. Hahaha. Pero sa una lang. Alam mo na, kaibigan ko ang alon. :P
Sunset ♥
Natikman din namin ang EPIC MEAL sa Candelaria, ang TOPSILOG.
Boat ride to Potipot Island.
Life is full of adventure. Lumabas ka ng bahay nyo. Life is short. Gawin mo yung mga takot kang gawin.Gumala ka ng gumala. Mag-enjoy ka, hindi naman masama yun. At hindi pa ako hihinsto sa pagiging DORA ko. Maglalakbay ako ng maglalakbay, literal. Yan ang una sa bucket list ko, ang maggala, ang maglagalag. NUMBER ONE PA LANG YAN! ☺ Next destination na naka-schedule na.. Boracay! Excited na akooooo. ♥
In God's time, mapupuntahan ko din ang iba pang mga lugar sa Pilipinas. At alam ko, bongga mag-surprise si DaddyLord, kaya ihahanda ko na din ang sarili ko na mapuntahan ang ibang bansa. Amen! ♥ ☺
Next in line...
- Coron, Palawan
- Sagada, Mountain Province
- Moalboal, Cebu
- Poctoy White Beach, Marinduque
- Camiguin
- Baler
- Hundred Island, Pangasinan
- Caramoan Islands
- Puraran Beach, Catanduanes
- Puerto Galera, Mindoro Island
- Bantayan Island, Cebu
- Bohol
- Puerto Prinsesa, Palawan
- Paris, France
- Seoul, Korea
- Beijing, China
- Tokyo, Japan
- Bangkok, Thailand
- Venice, Italy
- Macau
- Taiwan
- New York
- Scotland
- New Zealand
- England
Ikaw ba saan mo gustong pumunta? Tara gala tayo.
Ipagpapatuloy......