Mga walang kwentang salita na binigyang buhay ng nagwawalang emosyon. Isigaw ang itinatagong damdamin. samahan n'yo akong lumipad sa magulo at maaligagang mundo

Sunday, April 3, 2011

Lilipas din ang Lahat ng Lungkot.



Kamusta ka? Malungkot ka pa din ba?

Lagpas isang taon na mula ng may makilala akong babaeng ubod ng lungkot. Naghiwalay na kasi sila ng taong sobrang mahal niya. At ngayon, gusto kong kamustahin kong malungkot pa din ba siya. Gusto kong malaman kung ngumingiti na ba ulit siya. Gusto kong makita na masaya na ulit ang mga mata niya.

Hindi masamang maging malungkot. Hindi kapangahasan ang umiyak sa mga pagkakataong pakiramdam mo ay iniwan ka ng pinakaimportanteng tao sa buhay mo. Ang magiging kasalanan mo lang ay ang hayaan ang sarili mo na maging malungkot sa matagal na panahon; ang ikulong ang iyong sarili sa isang emosyong ikaw na lang ang nakakaramdam sa inyong dalawa. Natural ang maging malungkot, natural ang umiyak, nguni't hindi natural ang magmukmok habambuhay. Maraming magagandang bagay sa mundo na maaaring hindi mo makita ng dahil sa iisang bagay ka lamang nakatuon.

Pwede mong isigaw, pwede mong ikwento o pwde mo ding isulat. Lahat ay huhupa, lahat ay matatapos. Wag mong hayaang malubog ka sa isang malungkot na kahapon. -- isang kahapong ikaw na lang ang bumubuhay. Matutong ngumiti ulit, matutong bumangon at maging masayang muli. Kung naging ganun ka kasaya sa maaaring maling tao, ano pa ang sayang pwede mong maramdaman sa taong tama na dadarating din sa buhay mo. :)

At sa mga malulungkot na parte ng buhay mo, nandiyan naman ang mga kaibigan mong handa kang pangitiin kahit na sa likod ng mga ngiting pinapakita mo ay nakakubli ang mga luhang nagpapakita ng sakit at lungkot.

Totoong ngingiti ka din. Totoong ngingiti din ako. :)



No comments: