Mga walang kwentang salita na binigyang buhay ng nagwawalang emosyon. Isigaw ang itinatagong damdamin. samahan n'yo akong lumipad sa magulo at maaligagang mundo

Sunday, November 13, 2011

Bente Dos.

Matagal na pinlano. August pa lang ata nakalista na sa isip namin ang mga mangyayari sa darating na kaarawan ko. Ang linaw na ng plano, pero nang papalit na ng palapit ang buwan ng Nobyembre, tila lumalabo.. malabo pa sa sabaw ng pusit.

Planado.

Nob. 9, mga alas sais ng umaga, pupunta na kaming NAIA para sa 8am flight namin papuntang Boracay. 5 day vacation para sa aming apat na magbabarkada. At dahil na din sa dalawa kaming may kaarawan non, todo ang pagkasabik naming sana Nobyembre na. Dun ako magdiriwang ng ika-dalawampu't dalawang kaarawan ko. Sabik!

Island Hopping, Friday Night Party, Souvenir Shopping, Kaen Galore, atbp. Lahat gagawin namin sa Bora.. magsasaya kami at lulubusin ang lahat ng araw na nandun kami. Exciteeeeed. Pati mga susuotin, dadalin.. planado na.

Ito na, Nobyembre na.

Hindi ako makakapuntang Bora. Ang daming responsibilidad sa trabaho na hindi pwedeng iwan ng apat na araw (Nob.9 - Nob.12). Nakakalungkot na ikaw ang may birthday, ikaw pa ang hindi makakasama. Sawi!

Nobyembre 9.

Tinext pa ako ng mga kaibigan ko kung sakaling hahabol pa daw ako, ay nasa terminal 3 lang daw sila. At meron pa akong isang oras para humabol. Ang lungkot.

Nobyembre 10.

Ewan ko ba, at parang ang lungkot ng pasok ng araw na ito. Hindi dahil hindi ako nakasama sa Bora, kundi dahil hindi ito katulad ng mga nakaraang kaarawan.. na may kakaiba.. na alam mong espesyal na araw yun sa'yo. Ang lungkot lang.

Bumangon ako, naligo, gumayak at umalis papuntang trabaho. Unang bumati sa akin ay ang crush ko. Kilig lang. Hanggang parang excuse ako sa lahat ng pagalit at sermon noong araw na iyon. Nakakakaba, dahil alam mong maiipon yun. Pero meron ngang nagsabi sa akin noong araw na iyon na:

"Araw mo ito, iyong-iyo. Gawin mong masaya kasi isang beses ka lang magbi-birthday."

Salamat sa mensaheng ito.

Mababaw lang akong tao, kaya tuwang tuwa na ako sa simpleng greetings, lalo pa kung may gift. ☺

Bigay ni Ms. Tonette

Bigay ni Kuya Babsky

At meron pang binigay sa akin si PeterPan Aaron na baller. ☺

Wala namang celebration sa bahay at nakakatuwang gusto i-celebrate ng mga kasama ko sa trabaho ang birthday ko. ☺

Early dinner sa Inasal


Spending the Night at H2 Bar


At habang nasa Manila ako, may nagce-celebrate din sa Boracay.


Birthday Cake #1 from my sweet friends, made in Boracay.


Nobyembre 11.

Kahit gaano ka-busy ang mga tao sa kani-kanilang trabaho, nakakatuwang may mga taong ipararamdam sa'yong kaya nilang gumawa ng oras para sa'yo. Salamat mga kaibigan. ☺

Birthday Celebration with Friends. Thank you!

Birthday Cake #2, made in Manila. Note: With surname. LEA na with H pa. LOL

Salamat sa lahat ng bumati sa akin. Isang taon nanaman ang lumipas, at nagpapasalamat ako sa mga taong naging bahagi ng buhay ko. Marami man ang dumaan lang, alam kong may rason ang lahat. Maraming nawala at dumating. Marami ang nagbigay ng saya at lungkot. Nguni't lahat nang iyon ay nagbigay sa akin ng aral. Salamat!

Salamat sa aking mga mahal sa buhay. Sa kahit alam kong matanda na ako, ay nandyan pa din para sa akin.

Salamat DaddyLord, sa isa nanamang taong ibinigay Mo para maranasan pa ang mga bagay na bigay Mo; na makita pa ang mga bagay na gawa Mo; sa isang taong pagtitiwala na hindi ko sasayangin ang isang regalong ipinagkaloob Mo.

Salamat. Na kahit hindi man sunod sa plano, alam kong may mas magandang planong nakalaan para sa akin.

Cheers!


No comments: