Mga walang kwentang salita na binigyang buhay ng nagwawalang emosyon. Isigaw ang itinatagong damdamin. samahan n'yo akong lumipad sa magulo at maaligagang mundo

Monday, December 26, 2011

Langit sa Lupa.

Hindi ko alam kung paano sisismulan ang kwento ko. Hindi ko maisip ang mga tamang salitang lalapat para sa isang magandang karanasang ito. Isang araw na sinaliw sa makukulay na buhay ng mga batang pinagtagpo tagpo sa tahanang kinupkop sila ng walang pag-aalinlangan.




Gustong-gusto kong nakikipaglaro sa mga bata, nakikipagkwentuhan, at makipagbiruan. Iba kasi kausap ang mga bata. Kahit napaka negatibo na ng mundo, positibo pa din sila sa buhay. Sa simpleng bagay na wala tayo, nilulugmok na ang mga sarili sa kawalang ito. Pero ang mga batang ito, simpleng bagay lang na meron sila, abot langit na ang pasasalamat sa tuwa. Ang sarap sa pakiramdam na may mga taong nakaka-appreciate pa din sa mga maliliit at simpleng kabagayan.

Inumpisahan ng pagdarasal, pagpapakilala sa isa't isa at konting kulitan. Matapos nito, sabak na sa mga palaro. Ang sarap ulit maging bata.



Game na game ang mga chikiting. Ang bibibo. Hindi din nila inatrasan ang pagandahan ng magagawang Snow Man na gawa lang sa tissue paper sa loob lamang ng dalawang minuto.

Gawa ng mga lalaki:


At gawa ng mga babae:



At ang nagwagi ayon sa mga hurado ay ang mga lalaki. ☺ At kahit mukang hindi Snow Man ang mga nagawa nila, winner pa din sa creativity.

Bago ang kainan, nagpakitang gilas din sila sa pagsasayaw. At aaminin ko, natuwa at nagandahan ako sa ipinakita nila. Talented ang mga batang ito, walang duda.



Ang sarap pagmasdan ng mga ngiti nila. Alam mong totoo. Kahit na ang iba'y hindi alam kung sino ang mga magulang nila, kung may nakakaalam man sila'y inabandona lang o kung anumang malulungkot na kwento sa buhay nila.. eto sila't nakangiting pinagpapatuloy ang pakikipagbuno sa minsang madayang pagkakataon. Hindi naging hadlang ang anuman sa pagtuloy na abutin ang kanilang mga pangarap. Nakakapag-aral sila sa tulong na din ng mga taong busilak ang mga puso. Nakakakaen at may tinitirhang binubusog ng pagmamahal na tahanan. Kung iniwan mang mag-isa.. eto silang nagtuturiang magkakapatid.

Maraming dapat ipagpasalamat sa Poong MayKapal. Ang tao sobra-sobra ang paghahangad pero hindi alam ang salitang salamat. Ang daming gustong makamtan na madalas hindi na napapansin ang mga bagay na higit na importante sa kanila. Pilit hinahanap ang mga bagay na akala'y magpapasaya iyon pala'y hawak na natin.. matagal na.

****

Magpasaya at tumulong sa mga batang ito.

No comments: