Isa sa mga nabasa ko ay ang Note niya sa Facebook na may pamagat na KAYO PA BA?
* * * * * * * * * * * * * * *
KAYO PA BA?
Hindi mapaghiwalay na mga bisig, mga labing walang kasing dalas magdampi, mga walang hanggang kwentuhan hangang matapos ang dilim at muling sumilip ang umaga,mga ngiting nagmamarka hanggang sa pagpikit ng mata.
Ganyan kung ilalarawan ang DATI nyong pagsasamahan. Araw araw naiiba, nakakapanabik, at tumatatak sa puso at isipan. Lumipas ang mga araw,buwan o taon ng gano'n. Sainyo ang mundo at buo ang mga pangako pero unti unti na bang nagbabago?
ang dating
"sorry dami ko magsend ha? unlitext kasi ako eh"
naging"baby, baka last text ko na 'to, regular load kasi 'ko eh"
ang dating
"antayin mo 'ko, sabay tayong kumain pauwi na 'ko"
naging
"ay baka malate ako umuwi, may lakad kami ng friends ko. Dun nadin pala kami kakain wag mo na po ko intayin"
ang dating
"I love you times million million billion duper as in walang hanggang katapusan kinain ko na ang susi pati ang padlock"
naging
"luv you nalang'
ANYARE?? ANO ANG NANGYARI??
Maaaring hindi agad napansin. Maaaring slow motion ang pagkawasak. Maaaring hindi n'yo parehas ginusto. Pero lahat ng sinimulan nyo ay unti unti ng natatapos. Hindi ka na interesado sa mga kwento nya, hindi mo na namamalayan kung ilang araw na ba kayong hindi nagkikita, Pagpikit ng mata mo, hindi na s'ya ang 'yong nakikita. Wala na ang mga surpresa, wala ng kilig. Mas madalas na ang mga sandaling hindi kayo magkasama. KAYO PA BA?
Sino ang dapat sisihin? Meron ba'ng dapat sisihin? Meron pang magsisisi? Meron bang dapat ipagsisi?
Maraming "pagmamahalan" ang nauuwi sa ganyang senaryo. Akala mo sa umpisa sobra ng perpekto. Haix Sobrang nakakalungkot. HIndi ako sigurado, pero baka naman kasi masyado lang nasakal sa isa't isa. Baka napagod lang sa higpit ng paghawak. Baka masyado ka lang mabilis magpatakbo at hindi mo alam naiiwanan mo na pala s'ya. Baka hinahanap mo lang ang sarili mong identity, self fulfillment. Baka gusto lang nyang makilala sya bilang "SIYA" dahil sa lahat ng pagkakataon ay kilala lang s'ya bilang "KAYO".
ETO ANG KLASE NG MGA KWENTO NA HINDI KO GUSTO ANG DULO.
* * * * * * * * * * * * * * *
Para sa iba pang nakakatuwa niyang post, ito ang account niya sa Facebook. :)
At ang kanyang Wordpress Account. :)
No comments:
Post a Comment