Mga walang kwentang salita na binigyang buhay ng nagwawalang emosyon. Isigaw ang itinatagong damdamin. samahan n'yo akong lumipad sa magulo at maaligagang mundo
Showing posts with label Thoughts. Show all posts
Showing posts with label Thoughts. Show all posts

Thursday, November 24, 2011

Amber.

Nag-iisip. Hanggang sa matulala. Sa dami ng pumapasok sa isip, hindi na alam kung anong dapat unahin. Lilipad na lang basta ang diwa mo hanggang sa di na mamalayan na bababa ka na pala sa jeep. Pilit na hakbang papunta sa pupuntahan.

BEEEEEEEP!

Ginising ang utak mong tuliro sa busina ng humaharurot na sasakyan.Naglalakad ng matulin. Kasabay ng pag-ikot ng oras na hindi mo mapigil. Sana pwedeng ihinto ang oras. Sana pwedeng ihiling na minsan pa-extend din.Matamis ang ngiti nguni't kita sa mata ang lungkot at pagod. Masayang mukha ang nakikita nguni't di na mapigil ang kasinungalingang ito sa pagtalikod.

Magulo ang lahat. Oo, marahil sarili mo din ang gumawa lahat ng kaguluhang ito. Sa kadahilanang gusto mo na lang takbuhan, nagkapatong patong na lahat.. Nagkalabo-labo.. Na parang hindi na malulusutan.Hindi mo pwedeng iisantabi't takbuhan ang lahat. Dahil darating ang araw na kailangan mo itong harapin sa ayaw man o sa gusto mo. Iwasan mo man ito, patuloy ka nitong hahanapin hanggang sa matuto kang harapin ito.

Bagot. Nag-aabang ng oras na kay bagal ang ikot.

Yamot. Nakukulangan sa oras na kay bilis ang ikot.

Ang dami mong pwedeng ibigay pero hindi naman kinakailangan.

Kapos na kapos ka, pero kailangang may maibigay ka.

Gusto mong isumbong lahat, pero alam mong sa huli, ikaw pa din ang ituturong may kasalanan.

Nag-iisip. Hanggang sa matulala. Sa dami ng pumapasok sa isip, hindi na alam kung anong dapat unahin. Lilipad na lang basta ang diwa mo hanggang sa di na mamalayan na bababa ka na pala sa jeep. Isa, dalawa, tatlo. Tatlong kanto na ang nilagpasan pero hindi mo masabi ang salitang para. Pulang ilaw sa traffic light ang nagtulak sayo para bumaba. Di mo alam kung bakit hindi ka pumara. Hindi mo din alam kung bakit ka doon bumaba.




Naglalakad. Hindi mo sigurado kung saan ka tutungo. Mabagal na lakad. Walang pakialam sa bilis o bagal ng oras.

May altar. May santo. May mga nagdarasal. Doon ka dinala ng mga paa mo. Gustong tumulo ng luha mo. Gusto mong amining hindi mo na kaya. Na pagod ka na. Na gusto mo nang sumuko. Na gusto mo ng yakap. Na gusto mo ng tulong. Pero nakatayo ka lang. Blangko ang isip. Hinayaan mong puso mo ang lumuha. Hinayaan mong kaluluwa mo ang umiyak. Dahil ramdam mong pagod na ang katawang lupa.

KRRRRIIIIIINNNNGGG...

Nagising ka sa tunog ng alarm clock. Pinutol ang tulog mong sana'y matagal tagal pa. Dapat nang bumangon para hindi na makipaghabulan sa oras. Dapat. Kailangan. Kahit minsan nararamdaman mong ayaw mo.

Thursday, August 25, 2011

Patikim.

Marami akong nababasang mga blogs o mga kung anu-anong masasabi ng iba na wala lang. Mayroon akong isang kakilala na hinahangaan ko ang bawat salitang nabibitawan niya sa kanyang mga nasusulat. Iniimpluwensiyahan ko na nga siyang gumawa ng account dito sa blogger. :)) Para marami din ang makabasa sa mga nagagawa niya. Mapapa-oo ka na lang sa mga mababasa mo.. at matatawa dahil may halong kwela. :D

Isa sa mga nabasa ko ay ang Note niya sa Facebook na may pamagat na KAYO PA BA?

* * * * * * * * * * * * * * *


KAYO PA BA?

Hindi mapaghiwalay na mga bisig, mga labing walang kasing dalas magdampi, mga walang hanggang kwentuhan hangang matapos ang dilim at muling sumilip ang umaga,mga ngiting nagmamarka hanggang sa pagpikit ng mata.

Ganyan kung ilalarawan ang DATI nyong pagsasamahan. Araw araw naiiba, nakakapanabik, at tumatatak sa puso at isipan. Lumipas ang mga araw,buwan o taon ng gano'n. Sainyo ang mundo at buo ang mga pangako pero unti unti na bang nagbabago?

ang dating

"sorry dami ko magsend ha? unlitext kasi ako eh"

naging"baby, baka last text ko na 'to, regular load kasi 'ko eh"

ang dating

"antayin mo 'ko, sabay tayong kumain pauwi na 'ko"

naging

"ay baka malate ako umuwi, may lakad kami ng friends ko. Dun nadin pala kami kakain wag mo na po ko intayin"

ang dating

"I love you times million million billion duper as in walang hanggang katapusan kinain ko na ang susi pati ang padlock"

naging

"luv you nalang'

ANYARE?? ANO ANG NANGYARI??

Maaaring hindi agad napansin. Maaaring slow motion ang pagkawasak. Maaaring hindi n'yo parehas ginusto. Pero lahat ng sinimulan nyo ay unti unti ng natatapos. Hindi ka na interesado sa mga kwento nya, hindi mo na namamalayan kung ilang araw na ba kayong hindi nagkikita, Pagpikit ng mata mo, hindi na s'ya ang 'yong nakikita. Wala na ang mga surpresa, wala ng kilig. Mas madalas na ang mga sandaling hindi kayo magkasama. KAYO PA BA?

Sino ang dapat sisihin? Meron ba'ng dapat sisihin? Meron pang magsisisi? Meron bang dapat ipagsisi?

Maraming "pagmamahalan" ang nauuwi sa ganyang senaryo. Akala mo sa umpisa sobra ng perpekto. Haix Sobrang nakakalungkot. HIndi ako sigurado, pero baka naman kasi masyado lang nasakal sa isa't isa. Baka napagod lang sa higpit ng paghawak. Baka masyado ka lang mabilis magpatakbo at hindi mo alam naiiwanan mo na pala s'ya. Baka hinahanap mo lang ang sarili mong identity, self fulfillment. Baka gusto lang nyang makilala sya bilang "SIYA" dahil sa lahat ng pagkakataon ay kilala lang s'ya bilang "KAYO".

ETO ANG KLASE NG MGA KWENTO NA HINDI KO GUSTO ANG DULO.


* * * * * * * * * * * * * * *


Para sa iba pang nakakatuwa niyang post, ito ang account niya sa Facebook. :)

--Nakamaskarang Mananakay


At ang kanyang Wordpress Account. :)

-- JOPHEL MENDOZA