Mga walang kwentang salita na binigyang buhay ng nagwawalang emosyon. Isigaw ang itinatagong damdamin. samahan n'yo akong lumipad sa magulo at maaligagang mundo

Saturday, October 29, 2011

Hindi Na Ako Babalik!

Masabihang paasa na hindi mo naman alam na nakapagpaasa ka at maramdamang pinaasa ka sa isang bagay na importante sa'yo, ano ba ang mas masakit? O kailangan bang may MAS pa para may masisi? Parehas lang naman masakit. Parehas may suntok sa dibdib. Pero minsan tatahimik ka na lang, iiyak na lang.. kasi kahit anong paliwanag ang gawin mo, walang makikinig.. walang iintindi sa mga paliwanag mo. Laging sarili mo lang ang kakampi mo. Sasabihin sa'yong nakasakit ka, pero sana maisip man lang nila na mismo ikaw, nasasaktan din. Sana ang tao, marunong magpreno kahit minsan. Lalo sa mga bagay na hindi naman nila sigurado. Kumalat na ang balita na isa kang paasa, pero ikaw walang kamalay-malay.

Normal lang bang umasa? Choice naman natin lahat di ba? Hindi naman tayo robot o bagay na de kontrol para diktahan ang pwede mong ikilos o maramdaman. Kusa. Ginusto. Inisip. Naramdaman. Bakit sa kasemplangan ng buhay natin laging kailangan isisi sa iba?



**********

Sabi nya ganito, sabi niya ganyan. Sarap pakinggan, ang sarap paniwalaan. Wagas ang saya, kahit maliit na pag-asa, panghahawakan. Ganun naman di ba, lalo't kung gustong-gusto mo ang isang bagay. Walang pagdadalawang isip, minsan kahit mahirap, sugod lang ng sugod. Okay lang masaktan minsan, kung sa dulo naman mapapasa'yo naman din. Kaso bigla bigla, kung hindi mo man nakita, mababalitaan mo na lang. Umikot na ang balita. Nakakatanga sa pakiramdam. Para kang pinaikot, niloko, pinaasa. Gusto mong magtanong pero wag na lang. Gusto mong lumapit pero iiwas na lang. Para saan pa? Para mas masaktan pa? Para mas maramdaman na pinaasa lang pala ako sa wala? Para masabi sa sariling dapat hindi na lang naniwala?




**********

UMASA AT NAGPAASA -- patawad kung naging ako ang dalawang ito. Para sa mga taong sinasabing napaasa ko, patawad. Maniwala kayo't sa hindi, wala sa intensyon ko ang gawin ito. Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin, kundi patawad. At para sa mga taong umasa ako, hindi ko naman kayo sinisisi. Kasi sa huli, ginusto ko naman na gawin yun, na maramdaman yun. Pero patawad, kung may kaunting inis. Nasaktan din naman ako.

Dito ko tinatapos ang Oktubre ko. Sabay-sabay nating salubungin ang buwan ng Nobyembre na may pagpapatawad sa puso at bukas na kaisipan. Vamos! ☺





2 comments:

Anonymous said...

sabe ko naman sau..mahirap intindihin ang mundo, mas lalong mahirap ipaintindi sa taon ung mga kilos o bagay na ginagawa mo. halika nga, yakap tayo.

Paniking Aligaga said...

*hug! Salamat. Sibrang kailangan ko yan. Kita tayo. :))