Tatlo, isang daan. Apat, piso. Tatlo, one fifty. Sampung piso tumpok. Ilan lang yan sa mga alam nating palitan sa pagitan ng kung ilan at kung magkano. Patas naman, di ba? Pero minsan nagrereklamo pa, o kaya tatawad ka pa. Syempre gusto mo masulit ang bawat halaga ng pisong ibabayad mo. E ang isang libo piraso kapalit ng P75? Nako kahit ballpen yan matutuwa ako.. P75 lang may kapalit ng isang libong piraso. Pero ano ba talaga ang kapalit ng P75 na ito?
May nakilala akong isang ina sa Lungsod ng Maynila. May tatlong anak at biyuda. Bago pa man pumanaw ang kanyang asawa, hindi na lingid sa kaalamanan ng iba ang pagpupursigi nila sa buhay upang matustusan ang bawat gastusin sa bahay at sa kanilang mga anak. Kaya't nang pumanaw ang kanyang Mister, hindi lang doble kundi triple kayod na ang kanyang ginawa. Maraming raket na sinubukan, halos araw-araw.
Sa ngayon, nagtutupi siya ng mga popcorn box. Noong una naisip kong ang dali lang para kumita, magtutupi ka lang at may kapalit na itong pera. Pero noong nalaman ko yung halaga kada ilan, parang nalungkot ako. P75 para sa isang libong piraso. Makakabili ka ba ng bigas, ulam at mapapabaunan mo na ba ang mga anak mo sa halagang ito? Ang hirap mag-budget.

Kapag nanonood tayo ng sine, kakabit na ito ang pagkain ng popcorn. Pero pagkatapos, itatapon lang din. Hindi naman sa sinasabi kong itago mo ang pinagkainan mo, parang may mali lang. Hindi ba pwedeng taasan ang presyo kada pirasong magagawa ng mga lalagyan na ito. O kaya babaan ang kailangang piraso kapalit ang iilang pisong pagkakasyahin sa pamilya.
Masasabi mo bang mahirap na talaga ang buhay sa ating bansa, o sadyang hindi lang patas ang mga o iilang nakatataas sa lipunan?
Pagtutulungan nilang mag-iina ang pagtutupi para sa loob ng bente kuatro oras, higit pa sa inaasahang seventy five pesos ang makukuha nila. Sa una, mararamdaman mo ang pananakit ng likod at kamay.. minsan pati ng mata. Pero dahil na rin siguro sa makakasanayan mo na lang ito sa pagdaan ng araw, balewala na lang lahat ng mararamdaman mo, makaabot ka lang sa quota mo.
Sa gitna ng panghihinayang ko sa mga tinatapong popcorn box matapos itong kainin, bibili pa din ako nito kahit hindi ako manonood ng sine, dahil sa ilang kababayan nating nais kumita sa malinis na paraan, ang paggawa nito ang kanilang ikinabubuhay.

No comments:
Post a Comment