Mga walang kwentang salita na binigyang buhay ng nagwawalang emosyon. Isigaw ang itinatagong damdamin. samahan n'yo akong lumipad sa magulo at maaligagang mundo

Monday, November 28, 2011

REALationship



SUMMER: We're just friends.

TOM: No, don't pull that with me! Don't even try! This is not how you treat your friend! Kissing in the copy room? Holding hands in IKEA? Shower sex? Come on! Friends my balls!

SUMMER: I like you, Tom. I just don't want a relationship.

TOM: Well, you're not the only one who got to say on this, I do too. And I say we're a couple, goddammit!

***************


Akala mo kayo pero hindi. Halik dito, halik doon. Holding hands dito, holding hands doon. Yakap dito, yakap doon. Lahat na nagawa n'yo na maliban sa isa.. ang magsabihan ng mahal n'yo ang isa't isa.

Ang kumplikado, pero bakit marami pa din ang nasa ganitong relasyon? Kung relasyon nga ba itong matatawag. Mas convinient? Uso o napapanahon? O dahil sa dahilan ng marami..


NO EXPECTATIONS, NO DISAPPOINTMENT!
Ang labo naman. Pwede kang magalit, masaktan, magtampo, mainis pero wala ka sa posisyon o wala kang karapatan para sa mga damdaming iyon. Parang laging kailangan okay kayo, na okay sa'yo lahat. So, are you saying that I can't complain even when I'm hurting? Deserve mo ba yun?

No US. No WE either. Only ME and YOU. May love pero wala kayong label. There are no guarantees. No future plans. You just go with the flow. But your pain is real. And it's self-inflicted so why complain?

Meron pang rules rules yung iba. Sabi pa, just follow the rules and you'll survive somehow. Oo, hindi mo mapipigilan ang emosyon mo, hindi mo pwedeng pigilan ang pwedeng maramdaman mo, pero pwede mong pigilan ang gagawin mong actions. Kumbaga may limit. May boundaries.

Paano kaya nakakatagal ang mga taong nasa ganitong sitwasyon. Hindi kaya nila naiisip na parang nasasayang lang lahat oras, emosyon, panahon at pag-ibig. Hindi ba nila naiisip na kung ang nilalaan na oras nila sa ganitong sitwasyon ay ginagawa na lang nila para sa ikabubuti ng mga sarili nila para sa taong handang ibigay ang commitment na deserve nila. Bakit kailangan mag-stick sa ganitong relasyon kung alam mo din namang hindi magtatagal?

Takot. Takot. Takot.

Lagi na lang yan ang dahilan ng marami. Sino bang hindi takot? Hindi ba mas nakagagaan ng loob kung mayroong taong takot din pero kakayaning harapin ito para sa'yo? Yung taong hindi sasayangin ang pagmamahal mo. Yung taong alam ang pinagkaiba ng love sa lust. Yung taong hindi ka hahayaang mawala kahit na sinasabing "marami namang iba dyan." Yung taong masasabing KAYO. Yung taong alam mong magtatagal. Yung taong kahit may mgadisappointments yayakin ka pa din, tanggap ka pa din, mahal ka pa din.

Almost, but not quite.

Huling Bagsak





Mahirap magpaalam. Lalo sa bagay na inakala mong hahawakan mo ng matagal.


Mahirap magpigil ng luha. Lalo't nasabi't naiwaksi mo lahat ng niloloob mo ng matagal.

Mahirap pigilang hindi isipin ang mga alaala. Lalo na ang mga bagay na hindi mo inaasahang maalala pa.

May gaan sa pakiramdam. Kahit malabo pa ang nakikitang daan. Alam ko maraming makaiintindi. Alam ko marami din ang hindi. Pero sapat na ang intindi ng magulang. Sapat nang malaman na hindi lang sarili ang kakampi.

Salamat sa lahat ng nakilala.

Salamat sa lahat ng umunawa.

Salamat sa aral, pangaral at pagpuna. Mas nalaman ang lakas at kahinaan na dati'y akala ko ay wala.

Salamat sa naging kaibigan na sana'y patuloy na maging kaibigan kahit hindi na magkakasama.



Sunday, November 27, 2011

30 Minutes

Habang patuloy na umaandar ang oras, patuloy pa ding nag-iisip kung ano ba ang dapat gawin. Buo na ang desisyon kung tutuusin nguni't walang lakas para simulan ang pinipiling tatahakin. Baliin man ang desisyong nayari, wala na ding lakas para bumalik.
Hindi ako matapang. Duwag na akong bumalik. Ang natitirang lakas na lang ay para sa bagong daang lalandasin. Balik sa simula. Na nawa'y samahan ako ng mga taong kailangan ko para mas kayanin.
Maraming maririnig na opinyon. Maraming pangaral at siguradong maraming pagpipigil ang matatanggap kahit hindi hingin. Alam kong mas kakayanin ko yun, kaysa bumalik muli sa aking tatalikurang alam kong hindi ko na kayang yakapin.
Ilang subok na ang ginawa pero iisa pa din ang kinalalabasan. Ilang beses na pilit pinagagaan pero nananatili pa ding mabigat.
Oo, nasa pamamaraan ito kung paano bubuhatin pero ang bigat mananatiling mabigat kung hindi babawasan, kung hindi tatanggalin.
Madaling magpahinga kung pagod na. Pero ang pahinga ay hindi na sapat kung ayaw mo na.
Sa karerang tinatakbuhan ko, pinipili kong patuloy na tumakbo. Kahit wala nang maramdaman ang binti't hita ko. Kahit tila manhid na ang mga paa ko. Sa karerang tinatakbuhan ko, pinipili kong sa ibang track dumaan. Marahil mas mahaba o mas mahirap. Ayos lang maunahan o mahuli ako sa finish line, basta't matatapos ko iyon nang tumatakbo na hindi humihinto.

Saturday, November 26, 2011

SWAG.

"You can dance anywhere, even if only in your heart."
-- Unknown Author



Nasabi ko na bang mahilig ako sumayaw? :) Oo, half of my life ginugol ko sarili ko sa pagsasayaw. Huminto na lang siguro ako nung nag-College na ako. Mula noon, lagi na lang ako sa imahinasyon sumasayaw. Nakakatawa, pero minsan nakakatulog akong sumasayaw ako sa imahinasyon ko, umiindak ang buong katawan ko, sumasayaw ang puso ko.

Halos lahat na ata ng sayaw nasubukan kong sayawin: ballet, street dance, folk dance, jazz, hip hop, ballroom at kung anu-ano pa. Pero alam kong hindi ako magaling na mananayaw, talagang nagsasayaw lang. Period!

Madalas, nanunuod na lang ako ng mga tutorials sa Youtube o mga kung anu-anong patungkol sa sayaw. At ibabahagi ko sainyo ang ilan sa mga hindi ko pagsasawaang panuorin, at mga mananayaw na iniidolo ko. :)

Jasmine Meakin ng Brisbane, Australia.






Ay, sorry! Kung pwede ko lang ilagay lahat ng videos nya e. Hihi ♥
Jasmine Meakin (Mega Jam) YOUTUBE Account. ☺

I.am.ME Olivia Chachi Gonzales and Di MOON Zhang (ABDC6 Champ)


You BANG my heart Chachi ♥







Sobrang nagiging gwapo talaga sa paningin ko ang magagaling sumayaw. :") Eyes glued.

Ayan ♥ Ang gagaling lang nila. BOW!

Thursday, November 24, 2011

Tatsmub

Kapag hindi mo nagawa, ibig ba nito sabihin na hindi mo na talaga ito magagawa? Kapag naka-oo ka sa isa, kailangan ba sa lahat oo na din ang isasagot mo? Kapag pumayag ka ng isang beses, ibig bang sabihin papayag ka na din sa mga susunod? Kapag hindi ka umiyak, ibig ba sabihin okay ka lang? Kapag ba tumawa ka, masaya na agad? Kapag nagkamali ka, hindi mo na ba ito pwedeng maitama? At kung tama ka, ibig na ba sabihin nito hindi ka na kailanman magkakamali?

"Bawal bawi", sabi ng mga batang naglalaro. Kapag binawi mo, sasabihan kang madaya. Minsan para walang away, kahit kating-kati ka na bawiin, hindi ka na lang iimik. Kunot-noo ka na't salubong ang kilay parang wala lang sa mga kalaro mo.

Sa larong pass the message kailangan pakiramdaman. Hindi ba ito applicable sa lahat ng bagay? At ang touch move, kailangan ba talaga ito kahit sa laro ng buhay?

Kapag hindi mo kaya ang taas ng garter sa larong ten twenty, pwedeng ipasa sa kakampi o kung ma-dead ka, pwede ka kang buhayin ng kasunod mo. Kasi damay-damay. Kaya hangga't kaya mong tumalon ng mataas, gagawin mo para makausad kayo sa susunod na level. Sana ganun, may pagtutulungan.


Anim na mali, tanga ka na. Larong pagbuo ng salita na kailangan nagkakaisa ang utak ng naglalaro. Sa bawat mali, salitang S-T-U-P-I-D ang mabubuo. Paano kung napagkaisahan ka? Paano kung lahat sila nagkakaintidihan maliban sa'yo? Stupid ka na, idiot ka pa. Moron!

Maraming laro na sabi nila nagagawa talaga sa totoong buhay. At gaya ng sa laro, pwedeng bumawi sa susunod na round, sa susunod na paghaharap. Kalaunan, magkakaroon ka ng technic o style. Madalas bawal time pers kahit alam mong talo ka. Pero meron ding kapalmuks na ayos lang masabihan at mabansagang madaya.

Oooppps! Checkmate.

Amber.

Nag-iisip. Hanggang sa matulala. Sa dami ng pumapasok sa isip, hindi na alam kung anong dapat unahin. Lilipad na lang basta ang diwa mo hanggang sa di na mamalayan na bababa ka na pala sa jeep. Pilit na hakbang papunta sa pupuntahan.

BEEEEEEEP!

Ginising ang utak mong tuliro sa busina ng humaharurot na sasakyan.Naglalakad ng matulin. Kasabay ng pag-ikot ng oras na hindi mo mapigil. Sana pwedeng ihinto ang oras. Sana pwedeng ihiling na minsan pa-extend din.Matamis ang ngiti nguni't kita sa mata ang lungkot at pagod. Masayang mukha ang nakikita nguni't di na mapigil ang kasinungalingang ito sa pagtalikod.

Magulo ang lahat. Oo, marahil sarili mo din ang gumawa lahat ng kaguluhang ito. Sa kadahilanang gusto mo na lang takbuhan, nagkapatong patong na lahat.. Nagkalabo-labo.. Na parang hindi na malulusutan.Hindi mo pwedeng iisantabi't takbuhan ang lahat. Dahil darating ang araw na kailangan mo itong harapin sa ayaw man o sa gusto mo. Iwasan mo man ito, patuloy ka nitong hahanapin hanggang sa matuto kang harapin ito.

Bagot. Nag-aabang ng oras na kay bagal ang ikot.

Yamot. Nakukulangan sa oras na kay bilis ang ikot.

Ang dami mong pwedeng ibigay pero hindi naman kinakailangan.

Kapos na kapos ka, pero kailangang may maibigay ka.

Gusto mong isumbong lahat, pero alam mong sa huli, ikaw pa din ang ituturong may kasalanan.

Nag-iisip. Hanggang sa matulala. Sa dami ng pumapasok sa isip, hindi na alam kung anong dapat unahin. Lilipad na lang basta ang diwa mo hanggang sa di na mamalayan na bababa ka na pala sa jeep. Isa, dalawa, tatlo. Tatlong kanto na ang nilagpasan pero hindi mo masabi ang salitang para. Pulang ilaw sa traffic light ang nagtulak sayo para bumaba. Di mo alam kung bakit hindi ka pumara. Hindi mo din alam kung bakit ka doon bumaba.




Naglalakad. Hindi mo sigurado kung saan ka tutungo. Mabagal na lakad. Walang pakialam sa bilis o bagal ng oras.

May altar. May santo. May mga nagdarasal. Doon ka dinala ng mga paa mo. Gustong tumulo ng luha mo. Gusto mong amining hindi mo na kaya. Na pagod ka na. Na gusto mo nang sumuko. Na gusto mo ng yakap. Na gusto mo ng tulong. Pero nakatayo ka lang. Blangko ang isip. Hinayaan mong puso mo ang lumuha. Hinayaan mong kaluluwa mo ang umiyak. Dahil ramdam mong pagod na ang katawang lupa.

KRRRRIIIIIINNNNGGG...

Nagising ka sa tunog ng alarm clock. Pinutol ang tulog mong sana'y matagal tagal pa. Dapat nang bumangon para hindi na makipaghabulan sa oras. Dapat. Kailangan. Kahit minsan nararamdaman mong ayaw mo.

Sunday, November 13, 2011

SuperSaturated.

"Okay lang ang umiyak, pero bawal ang sumuko."

Ano ba ang ibig sabihin ng pag-iyak?

Akala ng marami, ang pag-iyak ay isang tanda na mahina ka.

Kailan ka ba huling umiyak?


********************

Nanginginig na kamay na nais itakip sa tenga. Dilang utal na gustong sabihing "Teka! Makinig ka." Utak na nagsusumigaw kumbinhisin ang damdaming nais nang bumigay. Naninikip na dibdib na hindi na mapigilang kumawala.

"Ang malas ko ngayong araw", ang sabi ko.

"Walang malas o swerte. Depende yan sa kung paano mo titignan at sasalubungin ang mga nangyayari sa'yo", ang sabi naman ng ka-trabaho.

Lahat marahil naipon, ngayon sumabog. Lahat ng pagpipigil ay ngayon lang bumigay. Lahat ng lakas ay naubos, kaya ngayon'y tumatakbo palayo at nagtatago sa mga matang huhusga sa kakayahan.

"Hindi ko na kaya.. Ayoko na!"

Pakiramdam na bihira lang sabihin ng bibig na ngayo'y paulit-ulit pang inuulit. Gusto mong isigaw, malaman ng iba na nasasaktan / nahihirapan ka na. Pero may kaunti sa'yo na nagsasabing kaya mo pa, mas maging matatag at matapang ka pa.

"DaddyLord, please give me strength. Kailangan ko ng lakas at matatag na damdamin..."

Mga kasamahang naging kaibigan, tissue at mga salitang sasalo ng sakit at luha. Lumakad pabalik, ngumiti at sinabing "Oo, kaya ko.. kaya ko pa. Kakayanin ko!"

Saglit na iyak, buong hapon na ulit ang tinawa ko. Siguro ganun lang ang buhay, kailangang ipaalam mong mahina ka, na minsan hindi mo na kaya. Oo, iyak ka lang, pero wag kang susuko.. wag kang bibitaw basta-basta.

Eto ka, binabalikan ang lugar kung saan ka tumakbo at nasaktan.. kung saan ka nahihirapan. Hinaharap ang mga bagay at tao ng nakangiti at nakatawang muli. Oo, galing ako sa iyak. Pero eto ka at tinutuloy ang buhay. Walang madaling aral na mabilis lang matutunan. Maraming kaisipang maaaring makatulong o hindi. Maraming tao sa paligid na pwedeng makaapekto o hindi. Nguni't sa huli, ikaw at ikaw pa din ang magdedesisyon. Ikaw pa din ang magsasabi kung matapang ka o maduduwag sa hamon ng buhay.


Bente Dos.

Matagal na pinlano. August pa lang ata nakalista na sa isip namin ang mga mangyayari sa darating na kaarawan ko. Ang linaw na ng plano, pero nang papalit na ng palapit ang buwan ng Nobyembre, tila lumalabo.. malabo pa sa sabaw ng pusit.

Planado.

Nob. 9, mga alas sais ng umaga, pupunta na kaming NAIA para sa 8am flight namin papuntang Boracay. 5 day vacation para sa aming apat na magbabarkada. At dahil na din sa dalawa kaming may kaarawan non, todo ang pagkasabik naming sana Nobyembre na. Dun ako magdiriwang ng ika-dalawampu't dalawang kaarawan ko. Sabik!

Island Hopping, Friday Night Party, Souvenir Shopping, Kaen Galore, atbp. Lahat gagawin namin sa Bora.. magsasaya kami at lulubusin ang lahat ng araw na nandun kami. Exciteeeeed. Pati mga susuotin, dadalin.. planado na.

Ito na, Nobyembre na.

Hindi ako makakapuntang Bora. Ang daming responsibilidad sa trabaho na hindi pwedeng iwan ng apat na araw (Nob.9 - Nob.12). Nakakalungkot na ikaw ang may birthday, ikaw pa ang hindi makakasama. Sawi!

Nobyembre 9.

Tinext pa ako ng mga kaibigan ko kung sakaling hahabol pa daw ako, ay nasa terminal 3 lang daw sila. At meron pa akong isang oras para humabol. Ang lungkot.

Nobyembre 10.

Ewan ko ba, at parang ang lungkot ng pasok ng araw na ito. Hindi dahil hindi ako nakasama sa Bora, kundi dahil hindi ito katulad ng mga nakaraang kaarawan.. na may kakaiba.. na alam mong espesyal na araw yun sa'yo. Ang lungkot lang.

Bumangon ako, naligo, gumayak at umalis papuntang trabaho. Unang bumati sa akin ay ang crush ko. Kilig lang. Hanggang parang excuse ako sa lahat ng pagalit at sermon noong araw na iyon. Nakakakaba, dahil alam mong maiipon yun. Pero meron ngang nagsabi sa akin noong araw na iyon na:

"Araw mo ito, iyong-iyo. Gawin mong masaya kasi isang beses ka lang magbi-birthday."

Salamat sa mensaheng ito.

Mababaw lang akong tao, kaya tuwang tuwa na ako sa simpleng greetings, lalo pa kung may gift. ☺

Bigay ni Ms. Tonette

Bigay ni Kuya Babsky

At meron pang binigay sa akin si PeterPan Aaron na baller. ☺

Wala namang celebration sa bahay at nakakatuwang gusto i-celebrate ng mga kasama ko sa trabaho ang birthday ko. ☺

Early dinner sa Inasal


Spending the Night at H2 Bar


At habang nasa Manila ako, may nagce-celebrate din sa Boracay.


Birthday Cake #1 from my sweet friends, made in Boracay.


Nobyembre 11.

Kahit gaano ka-busy ang mga tao sa kani-kanilang trabaho, nakakatuwang may mga taong ipararamdam sa'yong kaya nilang gumawa ng oras para sa'yo. Salamat mga kaibigan. ☺

Birthday Celebration with Friends. Thank you!

Birthday Cake #2, made in Manila. Note: With surname. LEA na with H pa. LOL

Salamat sa lahat ng bumati sa akin. Isang taon nanaman ang lumipas, at nagpapasalamat ako sa mga taong naging bahagi ng buhay ko. Marami man ang dumaan lang, alam kong may rason ang lahat. Maraming nawala at dumating. Marami ang nagbigay ng saya at lungkot. Nguni't lahat nang iyon ay nagbigay sa akin ng aral. Salamat!

Salamat sa aking mga mahal sa buhay. Sa kahit alam kong matanda na ako, ay nandyan pa din para sa akin.

Salamat DaddyLord, sa isa nanamang taong ibinigay Mo para maranasan pa ang mga bagay na bigay Mo; na makita pa ang mga bagay na gawa Mo; sa isang taong pagtitiwala na hindi ko sasayangin ang isang regalong ipinagkaloob Mo.

Salamat. Na kahit hindi man sunod sa plano, alam kong may mas magandang planong nakalaan para sa akin.

Cheers!


Tuesday, November 8, 2011

FTW. TGIFY.

Sabi nila, happiness is a choice. Pero mas masarap sa pakiramdam ang biglaang happiness. Yung tipong hindi mo inaasahan, hindi mo pinlano. Yung happiness na gusto ng iba na maramdaman pero ikaw ang nakaramdam. Yung happiness na gustong makuha ng iba pero sa'yo binigay.

FTW.

Nasa isang sulok, dala ang isang kaha ng yosi, lighter at nagdadabog na musika sa mp3. Halos araw-araw, ganyan lang madadatnan. Nasasabihang may sariling mundo, wirdo at walang pakialam sa ibang tao. Pero sa kabila ng mga kakaibang karakter na mayroon, masasabing matalino, malakas ang dating at talaga namang humahalimuyak sa bango. Kaya hindi na kataka-takang maraming nagkakagusto.

FTW.

Nasa isang grupo na masasabing sumasakop sa ingay sa isang kwarto. Sa unang tingin mukhang hindi makikipag-usap pero maraming kaibigan o mga nakapaligid na tao. Minsan maingay, magulo at makulit. Minsan tahimik, mapag-isa at libro lang ang kapit. Moody pala. Ewan ko ba kung bakit nagkagusto yung wirdong lalaki dito sa babaeng hindi makuha-kuha ang mood.

FTW.

Paboritong tsokolate. Isang masayang byahe. Tanghalian sa isang magandang restawran. Isang kwintas. Pagdarasal sa simbahan. At pag-amin ng nararamdaman. Isang araw na magsisimula ng istoryang magbubukas ng maraming emosyon sa maraming tao. Pangyayaring hudyat ng bagong kabanata na may biglaang kasiyahang sinubaybayan ng 'di mabilan kung ilan.

FTW.

Malamig na tubig at ihip ng hangin. Sa gitna ng mga nagtatampisaw na mga kaibigan. Isang gabing pinuno ng bituin ang langit, gabing naghari ang dalawang damdaming naiwaksi ang pagmamahalan. Isang tanong, oo ang sagot. Isang hindi inaasahang kasiyahan at pagmamahalan.

FTW. TGIFY.